Chapter 4

2374 Words
Denny's POV The moment I woke up that day is the moment I wanted to love the science of sleeping. I am a scientific woman. What matters to me is the plausible explanation of everything other than just feelings. Gano'n akong tao. For 15 years of medicinal practice, hindi pa ako kailanman nagkamali sa mga paniniwala ko. But when I set my eyes upon my office area, doon ako biglang nagduda sa mga pinag-aralan ko. No. Hindi naman pwede iyon. Hindi ako naniniwala sa love potion. Sa gayuma. There's no such thing as that. Hindi totoo ang mga magtatawas at mga mangkukulam. Hindi totoo ang mahika dahil kung totoo sila, hindi na kailanman maiimbento ang medisina. Pero bakit tila gusto ko nang maniwala sa lahat ng sinabi sa akin ni Suzy kagabi? Paano kung totoo ang sinabi niyang ginayuma ko ang apat na lalaki na nakainuman ko? How can I go on with my life knowing that I've made them fall in love with me using that love potion? Mariin akong napailing at dali-daling tumalikod mula sa komosyon na iyon. Nagtungo ako sa emergency exit at doon muna nagtago. Napaupo ako sa may hagdan at doon napasigaw nang malakas sa sobrang galit. Binilog ko pa ang dalawa kong kamao at mabilis na huminga. "Bwisit ka talaga, Suzy!" Kaagad kong kinuha sa bag ko ang cellphone ko at tinawagan ang number ng kaibigan ko na gusto ko nang kalbuhin sa sobrang inis. "Yes, Gaudencia. Kumusta?" May halong pang-uuyam na pagbati sa akin ni Suzy. Napahigpit ako ng pagsara sa bibig ko upang pigilan ang pagsigaw. Huminga muna akong malalim bago tumugon. "Ikaw ba ang nagpadala sa kanila rito? Ikaw ba, ha?!" pang-aakusa kong tanong sa kanya. "Hey, hey! Hindi kita maintindihan. Ano bang problema mo? Pwede bang linawin mo? Ang aga-aga pa para sigawan mo ako. Ano? Ano na namang nangyari sa'yo?" walang kagana-ganang tanong niya mula sa kabilang linya. "Stop pretending! Sino ba talaga 'yung mga lalaki na dinala mo sa bar kagabi? Totoo ba talaga na mga kilala silang tao? Ikaw ba ang nagpadala sa kanila rito? Bakit nila ako ginugulo sa workplace ko?!" angil ko pa. Para na akong maiiyak sa sobrang galit. Hindi ko matanggap na nale-late ako at naaabala nang husto sa ginawang komosyon ng nga lalaking 'yun. Bwisit! "Woah! Seryoso? Nandyan sila ngayon?" Bumulanghit ng tawa si Suzy. Wala akong nagawa kundi ang mapairap at mapabuntonghininga. Nauubusan ako ng pasensya sa kaibigan ko at hindi ko maintindihan kung bakit sa lahat ng abalang gagawin niya ay manggulo pa sa workplace ko ang napili niyang gawin? "Wait. Talagang nandyan sila? Silang apat? OMG! Tiba-tiba ka, sis! Hindi na talaga magiging malungkot ang gabi mo. May apat ka nang boylet!" nagbubunyi pa niyang bulalas. "Tell me... anong ginagawa nila ngayon? Bakit hindi ko sila naririnig?" I exasperatingly sighed and rolled my eyes. "Is that even important right now? Hello?! Wala akong magawa kundi ang magtago. Gusto mo bang dumugin at kuyugin ako at pagkatapos ay sisantehin sa DPH? Gumawa ka ng paraan na mapaalis sila rito!" pag-uutos ko pa. "How can I even do that when I didn't know na pupunta pala sila d'yan?" Doon ako napatigil sa sinabi niya. "Ha?" "Hello? Sa'yo ko lang nalaman na nandyan sila! So that means, effective ang gayuma." Suzy sighed. "Oh, ano? Naniniwala ka na ba?" Napaismid ako sa kanyang tinuran. "Ako? Mapapaniwala mo sa gayuma na yan? Ano ako, hilo? Makinig ka sa 'kin, Suzy... kung ano man ang binabalak mo, it's not going to work. Hindi ko pa kayang magpatali sa kahit sino or even start a life with someone. Ang isipin pa lang 'yan ay kinikilabutan na ako." Napatawa ako. "Gayuma? Walang ganyang bagay sa mundo, Suzy. Stop watching fantasy movies or maybe listening to superstitious beliefs. Walang gayuma at walang nagagayuma, okay? Stop this and ask the guys to leave me alone!" pag-utos ko sa kanya. "Alam mo ikaw? Wala ka talagang utak. Kasi kung may utak ka, hindi ka ganyan mag-isip. Girl, alam kong ikaw ang pinaka matalinong batchmate at kaibigan ko pero hindi sa lahat ng bagay ay magaling ka. Admit it! Bakit hindi ka na lang mag-enjoy kaysa ang magmaktol? Total, ito na 'yung pagkakataon mo na mag-asawa. At syempre, isa lang ang pwede mong piliin sa kanilang apat. 'Wag gahaman, girl! Oh, siya... talk to you later at ihahatid ko pa si Francis sa school. Anyway, enjoy!" Iyon lang at saka naputol ang tawag. Ni hindi man lang ako nakaimik sa mga sinabi niya. Napasigaw na naman ako sa galit. Bwisit talaga na babaeng 'yun! Sa lahat ng pagti-trip-an niya ay ako pa ang napili niya! "Bwisit ka talaga, Sussana!" sigaw ko pa. "There you are! I was looking all over for you..." Isang boses ang biglang kong naulinigan sa gitna ng pagsesentimiyento ko. Nanggaling iyon sa may likuran ko kung saan ako nakaupo. Pagkalingon na pagkalingon ko ay awtomatiko akong napatayo ay napasinghap. Sa sobrang gulat sa pagkakita ko sa kung sino ang nasa likuran ko ay napaatras ako at hindi nakatapak nang mabuti sa tamang baitang ng hagdan. Nawala ang aking panimbang at akmang babagsak na ang likuran ko sa pababa ng hagdan. Napasigaw ako. Halos tumigil ang mundo ko. Napapikit ako at hinanda ang sarili sa pagbagsak. Naghintay ako nang naghintay ngunit hindi bumagsak ang likuran ko sa hagdan. Ini-expect ko na mananakit ang likuran ko sa malakas na impact pero wala akong naramdamang iba kundi isang malambot na bisig at kakaba-kabang hininga na sunod-sunod na tumama sa pisngi ko. "Doktora! A-are you okay? Are you hurt? Please tell me!" anang boses na nasa harapan ko. Unti-unti akong nagmulat ng mga mata at nakita ang mukha ng lalaki na nagligtas sa akin. His face is moistened with his own beads of sweat. Magkasalubong ang dalawa niyang mga kilay at ang mga mata niya ay nagpapakita ng pag-aalala. Mabilis din ang kanyang paghinga. Halos mawala ang kulay ng kanyang balat dahil sa kaba. Hindi sinasadyang napabaling ang atensyon ko sa kanyang mga labi na nakaawang nang bahagya. Napalunok ako. Kasabay niyon ay ang mabilis na t***k ng puso ko. Sa totoo lang, kanina noong mahulog ako ay tila hindi na tumitibok ang puso ko sa sobrang takot, pero ngayong kaharap ko siya ay ramdam ko na ang malakas at mabilis na t***k ng puso ko. I was aware of that unusual beating. Hindi ako sanay sa ganitong pakiramdam. Siguro ay hindi lang ako sanay na nagugulat. Tama. Hindi lang ako sanay. Pero bakit ganito? Bakit may ibig ipahiwatig ang t***k ng puso ko? Bakit tila pagtibok iyon sa rumaragasang pagkasabik at kaligayahan? "Doktora? Ms. Salatandre!" untag pang muli ni Mr. Duran. Doon na ako natauhan at ilang beses nagkurap-kurap ang aking mga mata. Pagkatapos kong mapagtango kung ano ang nangyayari ay doon na ako napabitiw sa kanya. Pero imbes na makawala ay napatili akong muli dahil sa gulat. Hinapit niya akong muli at dahil doon ay mas lalong naglapit ang mga katawan namin sa isa't isa. I gulped once more at napatitig sa mga mata niya. This time, I saw a different shade in his irises. They have become darker than earlier. Seryoso rin ang kanyang mukha. "Don't move or the both of us will really fall this time..." he whispered breathlessly. Tila may double meaning iyon para sa akin. Wala na akong nagawa kundi ang mapatungo. Mas itinuon ko ang atensyon ko sa may hagdan. Nang masiguro ko ang tinatapakan ko ay agad kong itinulak nang malumanay si Mr. Duran. I cleared my throat and fixed my hair. I tried my best not to look at him. Hindi ko alam kung ano ang kanyang reaksyon pero hangga't maaari ay ayoko siyang tingnan. "Bakit ang init?" bulong ko sa sarilui habang nagpapaypay sa sarili gamit ang dalawa kong kamay. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. Hindi ko tuloy maiwasang mapatingin sa kanya. "B-bakit ka tumatawa? May nakakatawa ba?" tanong ko. Napailing siya bilang tugon. Matapos niyon ay ngumiti na lang siya bago magsalita. "I just find you cuter in a close up look. 'Wag kang mag-alala, I'll make sure na hindi makakarating 'to sa ibang tao. I'll keep it as a promise," he said while raising his right hand as a sign of promise. I scoffed. "Talaga? 'Yan lang ba ang masasabi mo when in fact you're the reason why I was about to fall from the stairs?" Napabuga ako ng hangin at sarkastikong tumawa. "Are you kidding me? Nang dahil sa'yo kaya ako muntik nang mahulog pero 'yan lang ang sasabihin mo sa akin?" Napakamot naman ng batok si Mr. Duran and gave me an apologetic smile. "Sorry. Hindi ko naman sinasadya 'yun, Doktora. Promise, I won't sneak behind you. Ah!" May bigla siyang kinuha mula sa bulsa ng pantalon niya at iniabot sa akin. Iyon ang panyo ko na kulay peach. Dahil doon ay napatingin ako sa aking gilid nang may maalalang eksena kagabi. Naalala ko na nadala ko ang panyo na iyon noong kasama ko ang apat na lalaki pero I doubt it na siya ang nahuli dahil mas nauna pa nga siyang umuwi kaysa amin ni Suzy. Napakunot ang noo ko at bumalik ang tingin kay Mr. Duran. "Paano 'to napunta sa'yo?" "Ah... nagdala rin kasi ako ng panyo kagabi pero hindi ko napansin na ibang panyo pala ang nadampot ko. So, I'm returning you this. Kaya hinahanap kita kanina pa. Actually, nakita na kita kanina kaso bigla ka namang tumakbo..." dahilan niya. Nanlaki ang mga mata ko nang maalala ang tatlong lalaki na nagtatalo kanina sa harap ng office ko. Sa sobrang gulo ng pangyayari kanina ay hindi ko na inusisa kung naroon din si Mr. Duran. But seeing him right now only proves my spectulations. Kung totoo man ang sinasabi ni Suzy tungkol sa gayuma, then it's possible na isa rin si Mr. Duran sa mga nakainom nito. It made sense now. Ang alak na sinabi sa akin ni Suzy na may halong love potion ay ang mismong dahilan ng weird na bagay na ginagawa nila ngayon. But that's not all. Mr. Duran is looking at me in his unusual stare. It's not even friendly nor casual. It felt more serene and caring than the usual stare he has given me since then. Ito ang unang beses na tiningnan niya ako nang ganito. I started to feel butterflies fluttering inside my stomach rather than feeling awkward. It somehow comforted me in some ways. Naputol ang iniisip ko nang muling narinig ang tinig niya. Doon ko napagtanto na kanina pa pala ako nakatingin sa kanya. Bahagya akong napalayo sa kanya at napatikhim. Isinabit ko sa aking tenga ang iilang hibla ng buhok ko at napatungo. Napatingin ako sa kanyang kamay ay nakitang kanina pa pala niya inaalok ang panyo ko. Dahil sa pagkapahiya ay kaagad ko iyong hinablot mula sa kanya at napaharap sa ibang direksyon. Gosh, Denny! Why are you stammering in front of him? Hindi ka pwedeng magpakita ng kahinaan sa kanya. Lalong lalo na sa kanya! mariin kong paalala sa isipan ko. Narinig ko siyang tumikhim. Napatingin ako sa kanya. "Sorry if this has made you so awkward. Alam kong hindi ko na maibabalik ang oras. Sa totoo lang, hindi ko rin alam na ikaw pala ang makaka-blind date ko kagabi. Wala rin namang sinabi si Suzy sa akin. I just agreed to her request since may utang na loob naman ako sa asawa niya. "But I do hope you're not going to avoid me after what happened last night. But honestly, since last night, hindi ka na natanggal sa isipan ko." Kaagad niyang winagayway ang dalawa niyang kamay sa harapan ko na tila nagsasabing burahin ko ang mga nasa isipan ko. "I-I'm not here to scare you away, okay? H-hindi ko sinabi 'yun para layuan mo ako. I just felt the need to say it. Totoo kasi na hindi ka matanggal-tanggal sa isipan ko." He laughed indifferently. "I don't know how to put it into words but I guess the exact phrase for that is I don't want to bear the fact of not seeing you— I mean—" He sighed and shook his head. May malungkot na ngiti sa kanyang labi na hindi ko mawari kung para saan. Masyado lang akong busy sa pag-usisa sa kanyang ekspresyon. "Nah. Just forget about what I said, Doktora. Anyway... you want my help?" he asked. Doon ako natauhan. "Ah... I-i think I should go, Mr. Duran. Male-late na ako sa duty ko." Itinaas ko ang kamay ko na may hawak na panyo at awkward na napangiti sa kanya. "T-thanks for this, too. Sige..." pagpapaalam ko sa kanya na itinugon naman niya ng pagtango at pagtango. Dahan-dahan akong naglakad patungo sa pinto sa emergency exit habang nakaharap pa rin kay Mr. Duran. ayokong ilubay ang tingin ko sa kanya at baka kung anong gawin niya kung nakatalikod ako. That's just how I feel doing. I don't wanna think of something ill against him pero sa sitwasyon na ito ay hindi ko mapigilan ang sarili na mag-isip ng kung ano-ano. Nang makalabas ako ay saka ako nakahinga nang maluwag. That was close. Akala ko talaga ay magiging delikado na ang buhay ko dahil sa nangyari kanina. Pero nang maalala ko ang nangyari kanina ay hindi ko maiwasang mapapikit sa sobrang pagkapahiya. Bakit kasi sa lahat ng makakakita ay siya pa?! Nang matapos ako sa pakikipagtalo sa sarili ko ay nagsimula na akong maglakad patungo sa office ko. Nakita ko na wala nang mga tao na nakaharang doon sa harapan kung kaya dire-diretso ako sa paglalakad. May sumilay na ngiti sa labi ko habang naglalakad. "My loves!" iyon ang malakas na sigaw na narinig ko bago may kung sino na humila sa palapulsuhan ko at kinabig papalapit sa kanyang katawan. Paikot kaming nakatayo sa pasimano ng ospital habang ang tatlong lalaki ay nagkukumahog na makalapit sa akin. Dahil sa gulat ay hindi ko na nausisa ano ang ginagawa nila. Isa lang ang naging malinaw sa akin sa mga oras na iyon. Iyon ay noong mag-angat ako ng tingin at ang nag-aalalang mukha ni Mr. Duran ang aking nabungaran. For the 2nd time, he saved my life. And for the 2nd time, I am locked in his strong arms.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD