bc

A Desperate Night (Cougar Series #18) (SPG)

book_age18+
3.0K
FOLLOW
11.9K
READ
revenge
possessive
sex
dominant
doctor
drama
sweet
bxg
office/work place
like
intro-logo
Blurb

SPG | Tagalog

WARNING!!! SPG. NOT SUITABLE FOR AGES BELOW 18

A woman of Science, that's how one can describe someone like Dr. Denny Salatandre. Isa siyang matandang dalaga na late bloomer na sa "dating". Isang araw, nagising na lang siya na naging desperado na makahanap ng tamang lalaki na maipapakilala sa buong angkan niya at para mapangasawa.

Humingi siya ng tulong sa kanyang best friend na si Suzy. Her best friend helped her with the last straw using 4 young, gorgeous men.

Nag-inuman sila and she put some charms on their drinks. Ang akala ni Denny hindi eepekto ang gayuma pero nagkamali siya. Nahumaling ang apat sa kanya. Ang masaklap pa ay isa sa mga ito ay ang kanyang regular na pasyente na si Mhieco.

Pero teka, isa sa apat na baso ang hindi nalagyan ng gayuma. Who was it? At bakit siya na-in love kay Denny nang tunay?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Denny's POV Masaya na ako sa kung ano ang mayro'n ako ngayon. Career, magandang bahay, at magandang reputasyon. Sa larangan na tinahak ko, alam ko na dito ako masaya. Pero, kahit ano pala ang gawin ko... kahit anong klaseng pagpapanggap ang gawin ko, hindi ko maipagkakaila sa iba na may kulang pa rin sa buhay ko. Napapaisip ako... ano ba ang kulang sa buhay ko? Nakuha ko na ang lahat. Bahay, pera, magandang career, kotse, condominium, you name it. Sinasabi na ng karamihan na napakaswerte ko. Pinagpala ako. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit parang may kulang? Saan nga ba nagsimula ang pakiramdam na ito? Ah, let me rewind the tape. May ikukwento pa pala ako. Ito ang simula ng kwento ko... Imagine na naglalakad ako sa loob ng pasimano ng Desmund Pius Hospital, isa sa pinaka-prestihiyosong ospital sa buong bansa. Naglalakad ako habang nakasuot ng doctor's white gown. May silver name plate sa may kaliwang dibdib ko na nakalagay ay "Dra. Denny Salatandre". Nakakulot ang buhok ko, naka-make up, at nakasuot ako ng limited edition flats na pangtrabaho. Taas-noo akong naglalakad habang nakaplastada ang mala-anghel kong ngiti. I even smirk sometimes. Normal na iyon dahil nakasanayan ko na siyang gawin lalo pa at maraming mata ang nakatingin sa akin. I would brag about how I'm comfortable with my surroundings. Who would dare to defy what I show to them? Ako ang standard ng karamihan sa loob ng Desmund Pius Hospital. Ako ang batas. May mga intern students sa likuran ko. Lima sila kabilang na ang isang nurse. Lahat sila ay kumpletong nakauniporme. Halos lahat ng nasa paligid namin ay hindi maiwasang hindi kami tapunan ng tingin sa aming direksyon. Ang iba pa nga, nagkandalaglag na ang mga panga nang makita ako. Papasok kami sa emergency room. At a normal day, nasa loob lang ako ng office ko habang abala sa planning ng mga susunod kong surgery operations. Malamang ay tatawagin ako ng senior ko at iha-handle ang surgery operations ng mga bigating tao sa bansa. I handle them myself simula nang dalawang beses na akong naging award-winning doctor. Laman ako ng balita. I've hosted several medical shows. I've appeared as guest doctor sa ibang palabas. Kapag naririnig nila ang pangalang "Salatandre", ako ang unang papasok sa isipan ng halos lahat ng tao sa Metro Manila. But I recoiled in my boredom. Nagsawa ako sa paperworks, sa stardom. I need to be in action all the time. Nagpatuloy ako sa ginagawa ko. Natunghayan ng mga intern ang ilang mga attending doctors doon na nagpe-perform ng operation. May mga dumating na naaksidente sa daan. May dugo sa ulo. Ang iba ay naputol ang kamay, braso, at binti. Ang iba naman ay dead on arrival na. Maraming nag-iiyakan sa receiving area, at mayro'n namang napapangiti dahil nakaligtas ang ibang pasyente na idinulog doon. Narito kami dahil pinapakita ko sa mga intern ang gagawin nila in the future. It's their first day, kaya gusto kong ipakita sa kanila ang tunay na mundo ng medisina. Pinakita ko sa kanila ang tunay na estado ng ospital kapag nasa emergency area sila. Ito ang pinaka-crucial na parte ng ospital na dapat ay may pinaka maraming doktor. I made sure that I present to them the standards. Mariin kong sinabi sa mga kasamahan kong doktor na maging maingat at mabilis sa kanilang mga galaw. Confident akong nagpapaliwanag sa kanila, ang iba ay napapansin kong tulala sa mukha ko. Tila tumitigil ang mundo nila sa tuwing napapangiti ako o 'di kaya'y nagsasalita. Napataas ang kilay ko sa isang intern sa may dulo. Lalaki siya. Si Nick Protacio, 27 years old, ayon sa nabasa ko sa resume niya na nakaipit sa paper clip board na hawak ko. Ibinalik ko ang tingin ko sa lalaki pero gano'n pa rin ang reaksyon niya. Nakatanga pa rin. Nanlaki pa ang mga mata niya na tila walang idea sa nangyayari. Napagpantastikuhan ko ang tinuran niya. "Seriously?" Nagpamaywang ako at tiningnan naman si Nurse Cherry. Agad namang siniko ng huli ang intern, binubulungan na sumagot. I tapped my shoe on the ground, naghalukipkip at hinintay ang panunumbalik ng intern sa kanyang kamalayan. "Nothing?" tanong ko pang muli. "P-po?" tanong naman ni Nick. I scoffed again. This time, humarap na ako sa kanya at pinanlakihan siya ng mata. "Break time for you, Mr. Protacio..." I said to him with my gritted teeth almost faking a smile. Nagsimula na akong tumalikod at pinalapit ang iba sa akin habang sumisenyas. "B-break time? Ako po? Ako lang?" sunud-sunod pang tanong pa niya habang nilakasan ang boses. Nanatili kasi siya roon sa kinatatayuan niya kanina. I smirked habang papalayo sa lugar niya. "Yup. Forever. You may leave. Nurse Cherry will escort you out..." Hindi ko na siya hinintay pang magsalita at kaagad ko nang binilisan ang paglalakad habang nakasunod ang iba pa sa aking likuran. Well... that's me. That's how my story started. It started today when I am at my 40-year-old body. Nakabalik na ako sa opisina ko nang may kumatok sa may pinto na nakabukas. Napaangat ako ng tingin at napataas ng kilay nang mabungaran ang nakasumangot na si Doctor Arnold Dela Cruz. Isa siya sa mga doktor sa loob ng DPH na lantaran kung sabihin na kalaban nila ako. Isa rin siyang expert surgeon tulad ko, pero dahil nangungulubot na ang mukha niya, ako pa rin ang mas sikat. "Kailangan mo ng intern?" sarkastikong tanong ko habang nakapangalumbaba. He sighed and frustratingly faced me. "Kailangan ba talagang maging terror ka sa first day ng mga intern? Wow! Napa-strict mo talaga, Dra. Salatandre. No wonder kaya walang nakakatagal na intern dito kapag ikaw ang humahawak sa kanila..." "Oh, bakit? 'Yun naman talaga ang tunay na nangyayari sa ospital, 'di ba? Wala tayo sa fairytale para bigyan sila ng grand entrance. This is not even Holywood. Iwe-welcome ko ba sila with red carpet? Hindi uubra sa akin ang grades at kayamanan ng pamilya nila. Kung tatanga-tanga sa first day, ligwak." Napairap ako. Kahit kailan talaga ay napakapakialamera nitong si Arnold. Walang araw na hindi talaga siya sumasawsaw sa trabaho ko. Sumandal ako sa swivel chair ko at walang kagana-ganang napaharap sa kisame. "Ano bang ipinunta mo rito? Hindi ka naman siguro nandito para sermunan ako, 'di ba?" Umupo si Arnold sa may harapan ng office table ko at may inilapag na isang envelop sa mesa. Patay-malisya siyang humarap sa ibang direksyon. Napatikhim pa siya nang malakas. Hindi ko tuloy maiwasang mapataas ng kilay sa tinuran niya. Hinintay ko siyang magsalita pero nanatili lang siyang nakatingin sa ibang direksyon. Wala na akong nagawa kundi ang mapasandal at kinuha ang envelop mula roon. Dahan-dahan ko itong binuksan at nakita kung ano ang nakalagay sa papel na kinuha ko mula roon. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung ano iyon. "T-transfer?!" Napahigpit ako sa hinawakan kong papel habang paulit-ulit na binabasa ang title na nakabungad sa harapan. Transfer Contract. Ililipat nila ako ng lugar. Ipapatapon nila ako sa malayong lugar. Hindi. Hindi ito maaari. Ang mga mahihina lang ang pinapatapon sa ibang lugar. Hindi ako mahina. Hindi 'to pwede... patuloy ko pang kumbinsi sa sarili ko. Halos manginig na ang mga kamay ko sa pagkakahawak sa papel na iyon. "Ready ka na ba, Dra. Salatandre?" tanong ni Arnold sa akin. This time, he smirked at me. Halos maiyak na ako sa sobrang galit. Pinipigilan ko lang na sumabog. Pero nang makita ko ang mapanuyang ngiti ng pobreng doktor na ito sa harapan ko, sumabog na ako nang tuluyan. Sumigaw ako nang pagkalakas-lakas na halos marinig na sa buong ospital ang sigaw ko na iyon. Kaagad akong sumugod sa loob ng office ni Mr. Darrel Hong. Siya ang Director ng Desmund Pius Hospital. Siya rin ang nagpadala sa Transfer Contract sa office ko. Binilog ko ang kamao ko habang with poise pa rin na naglalakad sa pasimano ng VIP floor papunta sa office ng Director. Salubong ang mga kilay at nag-iigtingan ang mga ngipin ko sa loob ng nakatikom kong bibig. Ilang lakad na lang ay makakarating na ako sa opisina niya. Nakita ko na may mga doctor, nurses at ibang staff ang biglang nagbulungan nang makita nila ako. Bwisit! Sinasabi ko na nga ba at pinagmamayabang na naman ng lecheng Arnold na 'yun na ililipat ako ng ospital. Humanda ka talaga sa 'kin, Arnold! Magandang timing na may kakapasok lang na isang staff sa loob ng opisina at kaagad akong sumingit sa pagpasok sa loob. Kaagad kong hinanap si Director Hong. Natagpuan ko siyang nakangiti at sumisimsim ng mainit niyang kape. Nakapamaywang ako sa harap niya. Hindi ko na inabala pang ibutones ang gown ko kaya hantad ang black turtle neck blouse ko. Nakasimangot akong nakaharap sa direktor at napabuntonghininga. Sa sobrang pagkainis ay napili ko na lang na tumawa. "I can't believe this. I can't believe this..." Tiim-bagang kong hinarap ang direktor habang tinuro siya. "Transfer Contract? Are you kidding me? Pagkatapos ng lahat ng nagawa ko para sa DPH, ipapatapon n'yo lang ako sa kung saan na parang isang palaboy na tuta?!" sunud-sunod na tanong ko. Medyo napapataas na ang boses ko dahil sa galit. Kahit anong gawin kong pagtitimpi ay hindi ko pa rin magawa. Maybe I'm beginning to develop a highblood pressure. Napataas ang kilay ni Director Hong. Isa siyang half-Chinese businessman. Mataas ang foreline at may kasingkitan ang mata niya. Nakatitig lang siya sa akin at tila walang ideya sa sinasabi ko. "Dra. Salatandre?" Nakapamaywang ako. Humugot muna ako ng malalim na hininga at kinalma ang sarili ko. Ayokong makapagbitiw ng masasakit na salita. Kailangan kong dalasan ang pagiging mabait. Kahit papaano ay malaki pa rin ang utang na loob ko kay Director Hong. Hinarap ko siya habang ipinakita ang pinakamaganda kong ngiti. "Director Hong... ako ang ace ng ospital na 'to. I've been here for 12 years. Bakit mo ako ililipat? Can you give me a reasonable explanation, sir?!" Hindi ko sinadyang mapalakas ang huling salita na nasambit ko. Nakita ko na napatalon si Director Hong, maging ang kasama niyang lalaki sa loob ng kanyang opisina. Nagulat sila sa pagtaas ng boses ko. Nang lingunin ko ang lalaking kasama niya ay doon nanlaki ang mga mata ko. Napaturo ako sa lalaki habang hindi makapaniwalang napatitig ako sa kanya. "S-Sir Duran?!" Matapos naming mag-usap ni Director Hong ay nagtungo na ulit ako sa opisina ko kasama si Mr. Duran. Kagat-labi akong nagpalakad-lakad pabalik ng opisina. May mga nagbubulungan pa rin pero tiniis ko iyon hanggang sa nakarating kami ng opisina. Nakahinga ako nang maluwag nang maisara ko na ang pinto. Napatawa naman si Mr. Duran. Siya ang regular patient ko rito. Bukod pa roon ay tito niya si Director Hong. He has his new haircut. An undercut with his long hair on his upper hemisphere and tied it behind his head. He has a masculine body, enough to protect people. I wonder what he does besides doing a job for POEA. Magkaibigan kami ni Mr. Duran sa loob ng 4 na taon na palagi siyang nagpapa-check up dito. Ni minsan ay hindi niya naisipang magpa-check up sa iba. Mas sanay na siya sa akin. Isa pa, mas panatag siya sa expertise ko. Napatingin sa akin ang maginoong mata niya at napatango. "Hindi ka pa rin ba tinatantanan ng mga bashers mo?" pagbibiro niya. Napabuntonghininga naman ako. "Sinabi mo pa! I can't really believe it. Talagang seryoso si Director Hong sa plano niyang ilipat ako!" I exclaimed. He tapped my shoulder. "'Wag kang mag-alala. Ako nang bahala kay Tito. Hindi ka na no'n ililipat, believe me." Napaseryoso ako ng mukha at nilingon siya. "Pa'no mo naman gagawin 'yun? Alam naman nating lahat na kapag nagdesisyon na si Director Hong, kahit kamag-anak, hindi niya pinakikinggan." Napakibit-balikat naman ang isa at kiming ngumiti sa akin. "We'll try our luck. Watch me..." then, he winked. "Pero bago 'yan, can we start the check-up?" he asked. Saglit akong napatigil dahil doon. Oo nga pala. Schedule niya ngayon sa check-up niya. Binalik ko sa kanya ang tingin ko na may halong pag-aalala. Doon ko nakita ang benda sa kaliwang braso niya. Napapalatak ako at napailing. "This is no good. Lagi ka na lang napipilayan." He smirked at me again. Dahan-dahan niyang nilabas ang braso niya na may nakabalot na benda mula sa supporter na nakaangklay sa kanyang balikat. Inilahad niya ito sa ibabaw ng mesa ko at kaagad ko itong sinuri. Seryosong-seryoso ako sa pagpapalit ko ng benda matapos kong malinisan ang mga sugat niya. Napapalatak ako pagkakuwan. Nang magawi ang paningin ko sa kanya ay naabutan ko siyang nakatingin din sa akin at nakangiti nang malumanay. Napataas ang kilay ko dahil sa kanyang tinuran. "Bakit? May nakakatawa ba?" tanong ko. He chuckled and shook his head. "Wala naman. Ngayon ko lang kasi na-realize na palagi kitang inaabala sa ganito," he said. I scoffed at his words. "Ngayon mo lang pala napansin?" He chuckled again. "Masyado yata akong naging abala para mapansin. Sorry..." "By the way, gusto ko lang din malaman. I hope you won't get offended in any way..." pag-iiba ko ng usapan. "Bakit nilagay mo sa reason for check-up ay appendicitis? For 4 years, gano'n palagi ang reason mo. I hate being nosy pero bakit palagi kang napipilayan?" Doon ay lalong mas lumakas ang tawa ng lalaki matapos kong itanong sa kanya ang mga iyon. Nagtagal ang pagtawa niya na lalo kong ikinataka. Hindi ko makuhang matawa. For 4 straight years, wala akong naging complain sa paggamot ng pilay niya sa braso niya. The wound would always be on his left arm. Sometimes, I get to see parts of his body wounded. Minsan na ring nagka-fracture ang buto niya sa braso sanhi para magkaroon siya ng surgery last year. After that, hindi ko na siya masyadong nakikita. Those times whenever I get to see him hurt, I would also feel pain. Siguro ay dahil loyal patient ko siya for 4 years. Sa tuwing gagamutin ko siya, hindi ko man lang makita sa kanya ang katiting na pag-inda sa mga sugat niya. Pakiramdam ko ay nasanay na ang katawan niya. "May sinusubukan lang akong bagong sports ngayon, Ms. Salatandre. Rock climbing. Nakaka-enjoy siya at nawawala ang stress ko. Pero hindi maiiwasan ang aksidente kaya ganito ang nangyayari," pararason naman niya. "Sa loob ng apat na taon, rock climbing ang ginagawa mo?" Hindi ako makapaniwala. Sa loob ng apat na taon na halos mamiligro ang braso niya sa pagkaputol, hindi siya tumigil sa pag-explore ng sports. Ang unang sinabi niya sa akin ay parkour. Sunod naman ay bungee jumping. Sa pangatlo, ang natatandaan kong sinabi niya ay jetskiing. Tapos ngayon naman ay rock climbing. Hindi ko alam kung maniniwala pa ba ako pero naisip ko na wala naman akong karapatan na alamin ang totoo. Wala akong ibang gagawin kundi ang gamutin siya. I promised myself na hindi ako makikialam sa problema ng mga pasyente ko. Hindi na kailanman mauulit ang aksidente na nangyari noon. Kaya iniiwasan ko ang makialam. Napahugot ako ng malalim na hininga at nginitian si Mr. Duran. "Well... okay. Kung 'yan ang sabi mo... Bueno, pumunta ka na sa X-Ray Room," bilin ko sa kanya. Matapos ang mahaba-habang pag-asikaso kay Mr. Duran ay inihatid ko na siya sa labas ng opisina ko. May ngiti sa labi ko nang makitang nakangiti rin ang isa sa akin. Napatango siya habang nakangiti sa akin. "I'm glad that you're still my doctor. Don't worry about Tito. I'll make sure you'll never get out of this hospital," he said assuringly. Doon naman ako napatawa. "Don't worry about me, Sir. I can still manage. I know that Director Hong won't decide yet, so don't get so worked up for me. Alam mo na... wala akong inuurungan," sabi ko pa na may halong pagtawa. "Mapagbiro ka talaga, Dr. Salatandre. But if there's anything you need, just tell me, okay?" I nodded. "I will..." Matapos ng pag-uusap namin ni Mr. Duran ay napatambay na naman ako sa loob ng opisina ko. Ipinagbilin ko kay Ms. Tesa, ang sekretarya ko, na ilagay sa labas ng pinto ang "The doctor is out" sign. Gusto ko munang mapag-isa. Kailangan kong gumawa ng paraan para mapabagal ang paglipat ko sa ibang area. Padabog akong humampas ng kamay sa mesa habang nakakuyom ang dalawa kong kamay. "Humanda ka talaga, Arnold!" Maya-maya ay naputol ang pag-iisip ko nang biglang tumunog ang cellphone ko. Matamlay kong kinuha ang cellphone ko mula sa bulsa ng uniform ko at nakita ang caller ID. Si Mama. I puffed an air and grimaced. Alam ko na kung anong sasabihin nito pero hindi ko alam kung bakit mabilis kong sinagot ang tawag. Here I am, playing the role of a good daughter again. "Ma?" "Umuwi ka mamayang gabi. May pag-uusapan tayo kasama ang Papa mo. Don't be late, okay?" tagubilin nito sa akin. "Mm... I will. In fact, baka mapaaga pa ang pag-out ko. Lucky for all of you..." tugon ko. "Oh, siya. Mas mainam na maaga ka. Mag-iingat ka, anak..." Naputol na ang tawag pagkaraan. Hindi man lang ako hinintay na magpaalam. I smirked weakly. Hindi na nagbago si Mama. Wala na akong nagawa kundi ang mag-ready. Pagkarating ko sa bahay, tahimik ang paligid. Ang tipikal na maingay at aligagang bahay ay naging isang haunted house pero nakasindi ang ilaw. Pagkarating ko sa sala ay naabutan ko ang humahangos na si Danica. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ako. "A-Ate?" "Bakit? Anong nangyari?" Akmang iiyak na si Danica. "Ate... si Papa..." hikbi niya. Natigilan ako nang makita kong umiiyak na si Danica. Napabitiw ako sa hawak kong isang supot at mamahalin na bag. Nanlaki ang mga mata ko kasabay niyon ay ang mabilis na t***k ng puso ko. Matapos niyon ay napatakbo ako patungo sa kwarto nila Mama at Papa. Nang madatnan ko sila ay nakita ko sila Mama, Tita, at ibang mga pinsan ko na humihikbi sa harap ng kama. Napalingon ako sa tinitingnan nila. "P-Papa?" Nakita ko ang nanghihinang katawan ni Papa na nakaratay sa higaan. Manginig-nginig siyang iniabot ang kanyang kamay kay Mama. Napaluhod ako sa harapan nila at unti-unting napaluha. "Papa..." Unti-unti akong lumapit sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay. Dinala ko iyon papunta sa aking pisngi at muling humikbi. "Bakit ka umiiyak?" tanong niya habang mahinang nakangiti. "'Di ba dapat masaya ka at wala nang magpipilit sa'yo na mag-asawa?" Lalo akong napahikbi dahil doon. "Papa, 'wag ka namang magsalita nang ganyan." "Mapagbibigyan mo ba ako, anak? Kahit ito na lang ang ibigay mo sa akin... 'Wag mong hayaan na malungkot ang Mama mo. Pagbigyan mo na kami na maikasal ka at magkaapo kami... pakiusap..." "Papa..." Napahagulgol ako sa iyak. "Sabihin mo na gagawin mo 'yun, anak ko..." Hikbi ako nang hikbi sa kinauupuan ko. Ilang segundo pa akong nanahimik saka ako nagdesisyong tumango bilang tugon sa tanong niya. "Opo. Opo, gagawin ko 'yun, Papa. Para sa'yo..." Napangiti siya sa akin. "Totoo ba, anak?" Tumango pa akong muli. "Opo, Papa. Totoo po..." Bigla akong napatanga nang makita kong mabilis na bumangon si Papa mula sa pagkakaratay at nag-inat-inat pa ng braso. Nagpalakpakan pa sila na nasa likod ko. It really left me speechless at napanganga pa ako dahil doon. "Congratulations! Pumayag na si Gaudencia! Mabuhay!" sigaw pa ng pinsan kong si Wilson habang iniangat ang dalawang braso niya. I scoffed and laughed wryly. Niloko nila ako. Para lang pumayag akong maikasal. Bwisit!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
138.9K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
80.0K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
181.4K
bc

His Obsession

read
90.1K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
27.9K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook