Chapter 2

2271 Words
Denny's POV "Wala kang love life..." panimulang sabi ni Suzy habang nakahawak sa shot glass at nakatanaw sa akin. "Pero umiinom ka ngayon at nagpapaka-wasted." She snorted and drank the vodka inside the shot glass. Nakaupo naman ako sa katapat niya. Nakapikit ako habang nakaturo sa kanya at napatawa. "May love life ka naman na maganda pero umiinom ka. What's the difference?" balik-tanong ko naman sa kanya. Napaismid siya. "Magkaiba 'yung umiinom dahil sinasamahan lang ang best friend sa walwalan sa nagwawalwal pero walang dahilan!" himutok niya. "Oh, bakit? Masama na bang uminom ngayon? 'Yung may mga problema lang ba ang pwedeng uminom?" Napatingin ako sa baso na hawak ko at nilaro-laro ang laman nito. Doon lang nakatuon ang atensyon ko. Ang mga mata ko ay nagpapakita ng kalungkutan. "Akala mo kasi wala akong problema. Don't you think that I can also become problematic whenever the situation calls for it?" "You always act like you don't have one. Anong magagawa ko?" Nagkibit-balikat siya. "Bakit kasi ayaw mo pang gawin ang hinihiling sa'yo ng papa mo? Ang dali-dali lang namang makahanap ng asawa kung gugustuhin mo. Why don't you give it a try?" "You..." turo ko sa kanya. "You always act as if alam mo ang lahat sa mundo. Ikaw!" Nakita ko pang napatalon siya dahil sa pagtaas ng boses ko. "Stop acting like that." Suzy sighed. "Ano ba talagang gusto mo at tinawag mo pa ako?" nakahalukipkip niyang tanong. Nakasimangot na siya sa akin. "Gusto ko lang naman na maintindihan ako ni Papa. Bakit ba ayaw nilang i-give up ang idea na ikakasal ako? I hate marriages. They give me goosebumps." "Ah, kaya ba hindi ka um-attend sa kasal ko 20 years ago? Kaya ba ni isang batchmates natin ay hindi mo binigyan ng wedding gifts? Kaya ba nagpapakaalipin ka sa sarili mong kasikatan kasi takot kang ikasal? Bakit? Ano bang dahilan mo? Ano bang nakakatakot sa kasal? Horror movie ba 'yan or multo mo?" I scoffed at her questions. "I hate you..." I mumbled. She sighed and looked at me in the eye. "Dahil ba 'to kay Philip? Hindi ka pa rin ba nakaka-get over sa kanya? That was 25 years ago! Bakit kailangan mo pang gawing hadlang 'yun?" I giggled. "25 years na ba? Para kasing kahapon lang nangyari, Suzy. Kahapon lang nangyari. Kaya masakit... hanggang ngayon ay masakit pa rin... "Bakit gano'n? Kahit matagal nang nangyari, masakit pa rin. Hindi ko pa rin matanggap. Kahit na nakuha ko na ang lahat sa buhay ko, pakiramdam ko may kulang pa rin sa buhay ko..." mahabang salaysay ko. "We can't control the situation, Denny. Stop whining! Tama naman kasi ako. Pinapakita mo sa mga magulang mo na okay ka. Na masaya ka sa career mo at sa estado na pinaglagakan mo. Pinapakita ko sa kanila na 'di mo kailangan ng marriage. For what? Anong mararating ng hatred mo kay Philip sa buhay mo? Don't generalize the entire species of Adam. Marami pa ring mabubuti at deserving mahalin," pagkumbinsi pa niya sa akin. "Like your husband?" nakapangalumbaba ko pang tanong. She nodded. "Hindi ka ba nae-excite malaman ang pakiramdam na may katuwang sa buhay? Gosh, Denny! You're 40 years old next week! Kalahati ng edad mo ang edad ng panganay ko. Hindi ka ba natatakot na baka ma-expire na ang egg cells mo?" "Hey, watch your mouth!" saway ko sa kanya habang pnandidilatan siya. "Kahit kailan talaga 'di na nadala ang bibig mo. Last time na bumubula ang bibig mo, malapit na tayong lapitan ng mga manyak!" paninermon ko pa. Nakakainis na kasi ang ugali ni Suzy. Wala siyang pake kung mapahiya man siya o ako basta masabi niya ang nasa isip niya. Napaka-liberated niyang mag-isip. Hindi ko rin maintindihan kung bakit nakakasundo ko siya. The only thing I love about her is that she understood me. Napahalakhak ang kaibigan ko at napahampas pa sa mesa. "Kaya ko nga ginawa 'yun para magkajowa ka na! Ikaw naman laging tumatakbo sa mga sine-set kong blind dates sa'yo. E, ano na lang ang gagawin natin? Hintayin na lang natin na ang joke ni Tito Facundo ay maging totoo? Your choice, Denny. Sinasabi ko sa'yo... you have the brains, the looks, the fame, and the wealth, but you will not last long with that. Can you really hold your father's funeral nang wala kang nagawa ni isa sa mga hiniling niya?" Natahimik ako dahil sa sinabi niya. Ano bang dapat kong gawin? Nalilito na rin ako. Pero naaawa rin ako kay Papa. Lahat ng klase ng kalokohan ay ginawa na niya para mapapayag ako na may maka-date every year. Nagawa na rin niya akong ipagkasundo pero hindi ko pa rin pinayagan. Matigas pa rin ang loob ko sa desisyong huwag mag-asawa. Pero hindi habambuhay ay gano'n at gano'n pa rin ang magiging desisyon ko. Suzy is right. Nothing else around me will last long... As I have been told, Suzy arranged blind dates for me. Sa isang araw, 4 na lalaki ang dapat kong i-meet from 6 AM to 10 PM. Lahat ng napipili ni Suzy sa umpisa ay batchmates namin na byudo. When I get to find out the truth, I decline many of them. Minsan pa nga ay hindi na ako tumutuloy sa loob kapag nalaman kong hindi ko magugustuhan ang ipapakilala sa akin ni Suzy. She would arrange the dates from different restaurants. Nang mapansin niyang ayaw ko sa kaedad ko, pinapakilala naman niya ako sa mga nasa 50s na. I would literally slap my forehead whenever they cackle a lame joke. Minsan, nakakatulog na ako sa usapan namin. Lahat naman sila ay nanggaling sa magagandang universities. May mga magagandang standing sa buhay. Some are filthy rich and famous. But they are all too old and dirty. Ang iba sa kanila ay presentable naman pero mayayabang. Ang iba ay bastusin. All in all, I really hate blind dates. Exhausted from a 4-day blind date marathon, napasalampak ako ng upo sa sofa at hinarap si Suzy. "Please... no more blind dates. Gusto ko nang magpahinga..." Napatili si Suzy dahilan para mapatalon ako sa gulat. Nanlaki ang mga mata ako at nagtatakang nakatingin sa kanya. Parang nabuhay nang kusa ang sleepy cells ko dahil sa sigaw niya. Matagal bago natapos ang sigaw niya. Pareho kaming nakatingin sa isa't isa nang mga oras na iyon. Isang humahangos na takbo naman ang biglang sumalubong sa amin. "Mom, you're doing it again! Stop screaming!" sermon ng sampung taong gulang na si Francis, ang anak ni Suzy. Nakangiwi si Suzy na kumaway sa anak. "Sorry, honey! May nakita lang na cockroach si Mommy. But I killed it already, so go back to bed na. Go! Shoo!" pantataboy pa niya. Nang mawala na ang bata sa paningin namin ay pareho kaming napabuntonghininga. Masama niya akong tiningnan. "Oh, ano na naman? Ano na naman 'yang naiisip mo?" Sa paraan ng pagkakatitig sa akin ni Suzy ay mukhang may binabalak na naman siyang hindi maganda. And when I say hindi maganda, talagang alam kong hindi ko magugustuhan. Napahugot siya ng malalim na hininga at tiningnan ako sa mga mata nang seryoso. "Fine! I've had enough of your excuses. Ayoko nang tumulong sa'yo. Better yet, putulin na natin ang ugnayan natin. Simula ngayon, wala na akong best friend na Gaudencia ang pangalan!" himutok niya. Napaismid naman ako. "My name is Denny! It's Denny!" "Whatever! Pagod na ako. Hindi naman ako dapat ma-stress sa problema mo pero heto ako at pinoproblema ka parang teenager na nawala sa lugar! Ano ba kasing gagawin ko sa'yong bruha ka?!" "Masisisi mo ba ako? Ayoko talaga ng mga napili mo, Suzy! Kung ikaw ba ang nasa kalagayan ko, masisikmura mo bang makasama ang mga huklubang mga 'yon?!" "Bakit? You're no different from them. Matanda ka na rin. So, bakit ka choosy? Bata ka pa ba?" maang niya sa akin. Napasimangot ako at napaangat ng ulo. "Bakit? Mukha naman akong bata, ah? At least give me someone na mukhang bata pa ang mukha. I don't care about the age. Basta malinis." "Ang arte ha! Bakit? Magse-s*x na ba kayo agad-agad para maka-demand ka ng malinis na mayaman?!" "Kung hindi mo ako matutulungan, e 'di 'wag! End of discussion!" Akmang kukunin ko na ang bag ko at magwo-walkout palabas ng bahay ni Suzy nang bigla niya akong tinawag. "Hayaan mo na. Uminom na lang tayo sa birthday mo. Kung gusto mong maglasing hanggang madaling araw, okay lang. Sagot ko na lahat, pambayad sa lahat ng abalang blind dates na ginawa ko," suhestyon niya nang hindi tumitingin sa akin. Napalingon ako sa kanya habang nakataas ang kilay ko. "It's unlikely you, Suzy. Ikaw? Manlilibre? You'd rather sell me out para may maibigay kang pasalubong sa mga anak mo." I scoffed. "Ano ba 'to, ha? Joke ba 'to? Ano ba talagang gusto mong mangyari?" Napaangat siya ng tingin sa akin at ngumisi nang nakakaloko. "I said, it's on the house..." she repeated and winked. 3 days later... Overtime ang ginawa ko sa DPH. Wala akong pakialam kung birthday ko pa. Gusto ko lang matapos ang araw na ito na wala akong naka-pending na trabaho. Napatingin ako sa calendar at nakita ang pulang marka na nakabilog sa 9. Sa birthday ko. Medical check-up Mr. Duran. Iyon ang nakalagay na reminder. Napakunot ang noo ko dahil doon. Oo nga pala. Dapat ay naka-schedule si Mr. Duran para sa weekly check-up niya. Dapat ay naka-schedule ito nang alas singko ng hapon pero alas siete na at wala pa rin ang pasyente. "That's weird. Wala rin namang sinasabi sa akin si Ms. Tesa," sambit ko sa aking sarili. Napalingon ako sa telephone at pinindot ang button sa intercom ni Ms. Tesa. "Tesa, please come inside. I have to talk to you..." utos ko "Yes, Dra. Coming na po..." After a while, kumatok na si Ms. Tesa at pumasok sa loob ng opisina ko. Abala pa rin ako sa pagpa-file ng mga papeles doon. "May nabago ba sa schedule ko? Bakit parang walang Mr. Duran ang nagpa-check up today? Didn't I tell you to update me for the changes?" I asked without looking at her. "My apologies, Doktora. Mr. Duran just called in. Sinabi niya na hindi muna siya magpapa-check up ngayon. May lakad po kasi siya na importante. Sorry kung hindi kita na-remind. Sinabi po kasi niya sa akin na kung halimbawang ma-late siya, 'wag na raw kita abalahin na i-remind since alam n'yo na pong regular siyang dumadalaw for check-up," sagot naman niya. Napatango-tango ako at napaisip. Saan naman kaya ang lakad niya? If there's an emergency, madalas naman akong tini-text ni Mr. Duran. He will not call my office dahil alam niyang ang secretary ko lang ang makakasagot. "Weird... May nasabi ba siya kung saan siya pupunta?" "Umm... I don't know if I could still disclose it pero sinabi naman po niya. He's going on a blind date." Doon ay nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ng aking sekretarya. Blind date? Si Mr. Duran ay mahilig sa blind date? Napailing ako. I must be traumatized with the word "blind date". Dapat hindi ako maging apektado. Everyone has the right to do what they want. Wala namang kaso iyon. If Mr. Duran wishes to take the blind date more important than his regular check-up, then I don't have anything against it. Matapos ang shift ko ay nagsimula na akong magligpit ng mga gamit ko. Tumunog naman ang cellphone ko. Si Suzy ang tumatawag. Napairap na lang ako at saka sinagot ang tawag. "What now?" "Haven't I told you not to take OT today?! I can't believe you!" asik niya mula sa kabilang linya. Naririnig ko pa ang background noise na techno music na nakikipagsabayan sa tinis ng boses ni Suzy. "Ano ba kasi 'yun?" walang ganang tanong ko. "Kaka-out ko lang." I heard her sigh. Nai-imagine ko siyang nagpipigil ng galit sa akin. Kung nasa harapan niya lang ako ay baka nahabol na niya ako ng sampal. "I will text you the address. Punta ka na kaagad dito. Dress well! Kasama ko mga batchmate natin from High School. They would like to meet and celebrate with you..." I just rolled my eyes and balled my fist. Heto na naman kami sa unexpected reunion. Mahilig talaga si Suzy gumawa ng arrangements na ikagugulat ko. Siguradong bored na naman ako mamaya sa kakapakinig ng mga yabang ng mga kaklase ko noong 4th year High School. Nakakainis. "Fine. Wait for me. I'll make sure I'm going to be the star!" Bumisita ako saglit sa isang salon at bumili na rin ako ng outfit. Napili ko ang isang apricot satin off-shoulder dress. I made sure that my legs will stand out kaya pinili ko ang magko-compliment sa kulay ng balat ko. Pinalugay ko lang ang buhok ko at nagsuot ng light make-up and a rose pink lipstick. Gusto kong makita nila na hindi ko kailangang magsuot ng heavy make-up dahil mukha pa rin akong 28 years old kung titingnan. Matapos niyon ay dumiretso na ako sa address na binigay sa akin ni Suzy. I confidently walked inside the bar and asked for the VIP Room that Suzy gave me. Pagkabukas na pagkabukas ng kwartong iyon ay napatulala ako sa nakita. There are a few people inside the room including Suzy. May apat na lalaki na pawang mga bata ang hitsura. Napakunot-noo ako at inusisa ang kanilang mga mukha. Sa apat na lalaking iyon, isa lang ang nakilala ko. He even waved at me and showed me his enjoyment with the party. He was uttering something but the sound everywhere seemed to diminish. I saw Mr. Duran smiling at me. Bakit siya nandito sa birthday party ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD