II: The Two Rebels

2269 Words
XEYA CLEMENTINE'S POV  "YOU DID NOT!" "Yes, I did." Nilagpasan ko si Cesca na gulat na gulat matapos kong sabihin sa kanya ang nangyari sa akin kagabi. "I can't believe you! Tinanggihan mo ang kaibigan ni Rafael?!" "Yes." "Oh my god! Bakit ang tanga-tanga mo?" Kunot-noo ko itong tinignan sa aking tabi matapos niyang sabihin 'yon. At ako pa talaga ang tanga rito ha? Ang kapal ng mukha. "Pagkakataon mo ng magkaboyfriend, Xeya. Iba nga diyan kimukumpleto pa ang Simbang Gabi makahingi lang ng nobyo, tas ikaw tinatanggihan mo lang?!" Napairap ako sa kadaldalan ng kaibigan ko habang nasa loob kami ng female restroom sa loob ng Wilksven University. This is my mother's alma matter, so I decided to spend my education in this university as well. Kilala ang ina ko rito at lalong-lalo na ang pagiging isang Gutierrez ko. My father graduated abroad so no one knew him here, mga tiyahin at tiyuhin ko ang kilala rito. "Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo, Cesca? I--" "DON'T. NEED. A. MAN. Duh, paulit-ulit? Alam ko na 'yan." Pagpapatuloy niya sa sasabihin ko. "Yun naman pala eh. Oh sino na ang tanga sa ating dalawa ngayon?" Pabalang kong sabi sa kanya atsaka ito inirapan bago inayos ang aking buhok. I don't want any baby hairs sticking out from my hairstyle. I'm practicing a 'clean girl' hairstyle and look for this school year. Sobrang classy ko kasing tignan at malinis-- based on the name itself, of course. "Wag mo nga akong awayin!" "Dapat lang kitang awayin dahil iniwan mo 'ko sa party kagabi." Deretsahan kong wika sa kanya atsaka tuluyan ng kinuha ang bag ko. "Ano ba, wag ka nang magtampo. Oh eto na lang, may alam akong bagong bukas sa bar sa kabilang city, walang makakakilala sa'yo do--" "Hindi ako pwede." "Ay, bakit?" "Grounded." "Ikaw?!" "Obviously." Irap kong sagot bago tuluyang lumabas sa restroom kasama si Cesca. "At kasalanan mo 'to." Cesca dramatically gasped while holding her chest when I said that. Napaka-OA talaga ng babaeng 'to, sarap ingudngod ng bibig niya sa makintab na sahig ng Wiksven. "Let me talk to Tito Xyler, then. Ipagpapaalam kita sa kanya mamaya." "Hindi uubra 'yan, maniwala ka na lang sa'kin. Kilala ko ang ama ko." At kapag sinabi niya grounded ako, talagang grounded ako. No buts and no other questions asked. Kung ikukumpara ko ang mga magulang ko sa isa't-isa, masasabi kong mas nakakatakot si dad. Yes, my mother is quite dangerous, but my father is deadly. Kaya ko pa sigurong ikwento sa ina ko ang tungkol sa mga gala ko kasama sina Cesca pero pagdating kay dad, hindi talaga pwede. Hindi ko nga makakalimutan yung araw na minsan na akong humawak ng isang boteng alak-- hawak lang yun ha? As in literal na hawak lang talaga dahil itatabi ko sana pero bigla niya akong pinanlakihan ng mata. Panandalian akong napapikit nang maalala ko 'yon. My father is scary... "DAD? Matagal pa ba ang meeting na 'to?" Kalabit ko sa aking ama na nasa tabi ko lang atsaka may ibinulong sa kanya. Nasa kompanya niya ako ngayon dahil nga grounded ako kaya tatlong gabi ako pupunta rito pagkatapos at pagkatapos ng klase ko. I'll be experiencing this in three consecutive days. "Just be patient and listen, Xeya." Napabuga na lang ako ng hangin bago inayos ang aking pag-upo. Sinunod ko ang sinabi atsaka nakinig na lang sa isang lalakeng nagsasalita sa harapan. Kakarating ko lang dito at saktong may board meeting daw sila dad kaya pinasama na niya ako. Nasa kalagitnaan pa kami ng meeting nang biglang nagvibrate ang cellphone ko. Tinignan ko muna si dad gamit ang aking mga mata bago pasilip na tinignan ang cellphone ko. Muli itong nagvibrate nang bigla na lang itong huminto. Nang makita kong may tumatawag, kaagad ko itong tinakpan dahil bigla na lang itong umilaw. Medyo madilim pa naman dito dahil may nagpepresent na projector sa harapan. May natanggap akong isang text message kaya mabilis at palihim ko parin itong tinignan upang basahin. From Cesca: Bruha, sagutin mo. May sasabihin ako. URGENT! Napakagat ako sa aking ibabang labi atsaka tumikhim dahilan upang mapatingin sa'kin si Dad. "What's wrong?" "Uhm, dad? Pwede ba akong gumamit ng banyo?" Tanong ko. "Sure but come back right away. Hindi pa tayo tapos dito." "Okay po, thanks dad." Mabilis ko siyang hinalikan sa pisngi bago maingat na umalis sa board meeting. Hindi niya ako hahayaang umalis hangga't hindi ko siya hahalikan sa pisngi. Mabilis kong tinungo ang banyo ng mga babae. Nang maisiguro kong walang tao rito sa loob ay kaagad kong tinawagan si Cesca. Isang ring pa lang at sinagot niya kaagad ito. "Hell--" [HOY TUMAKAS KA DIYAN! MAY PUPUNTAHAN TAYO!] Kaagad niyang bungad sa akin na ikinakunot ng aking noo. "Baliw ka ba? Gusto mo bang lumala ang sitwasyon ko? Cesca, grounded nga ako ng tatlong araw." [Hindi mo 'ko maloloko, Xeya, gagawa at gagawa ka ng paraan.] Napairap ako sa sinabi niya. [Cesca, si Xeya ba 'yan?] Napaderetso ako ng tayo nang mabosesan ko ang isa ko pang kaibigan sa kabilang linya. "Magkasama kayo ni Presci?!" [Yas girl, ikaw lang ang wala rito. Kawawa ka naman.] Naikuyom ko ang aking kamao at hindi maiwasang mapairap na naman. Lintek ka talaga kahit kailan, Cesca, kung hindi pa kita naging kaibigan, paniguradong mortal na magkaaway tayong dalawa. "Nasan kayong dalawa? May okasyon ba?" [No girl, walang okasyon, inimbitahan lang naman kami ni Rafael-- kasama ka sana pero grounded ka nga pala.] Panunukso nito na ikinabusangot ng aking mukha. Huminga ako ng malalim bago ilang ulit na inisip ang ideyang lumilipad sa aking utak ngayon. Napabuga ako ng hangin atsaka panandaliang napapikit bago muling nagsalita. "Give me the exact location. I'll sneak out later during bedtime." [That's our Xeya.] Sinundan ito ng tawa ni Cesca bago ko tuluyang pinutol ang tawag atsaka mabilis na bumalik sa board meeting dahil baka mas lalong magtaka si dad kung bakit matagal akong bumalik. COLD NIGHT. Dark place. Unfamiliar faces. Loud Engines. Hindi ko alam kung bakit kami naririto pero isa lang ang alam kong, malilintikan ako rito kung malalaman ni dad na tumakas ako para magpunta sa isang-- "DRAG RACING?! What the f*ck, Cesca?" Singhal ko matapos ko siyang hilahin dito sa gilid. Yes, you read it right, we're in the middle of drag racing. Halos mga kaedad ko ang naririto at ang iba ay halatang mas nakatatanda. Drag racing is an illegal thing to do here, kaya hindi ko alam kung bakit kami napunta rito. Hindi ko alam kung bakit napili nila Rafael na magpunta rito. "Chill, Xeya, this is fun! Sabi ni Rafael mas magiging kapana-panabik daw ngayon dahil may mga bagong kalahok." Napatampal ako sa aking noo atsaka napailing. "Seriously?! Matino pa ba yang pag-iisip mo? You knew this is illegal, Cesca, bakit sumama ka parin? Dinala mo pa si Presci," wika ko sabay turo sa inosente naming kaibigan na kumakain ng ice cream habang pangiti-ngiti sa mga kotseng nakikita niya na parang nasa tokyo drift. Yeah, I understand Presci. She's really naive and I want to protect her innocence about this matter. At dahil natutuwa siya sa mga sasakyan na halatang sobrang 'cool' siguro sa paningin niya, hindi man lang siguro sumagi sa isipan niya na nasa isang illegal na gawain kami ngayon. "Cesca, pag ito talaga--" "LADIES AND GENTS! We have our first racers tonight!" Biglang may umalingawngaw na megaphone dahilan upang mapunta kaagad sa nagsasalita ang atensyon naming lahat. "The man flashes his light 6 times." "Talaga? Siya talaga ang naghamon?" "Oo, hinamon niya yung bagong kalahok." Biglang hinawakan ni Cesca ang kamay ko atsaka ako hinila papunta sa mga taong pinalilibutan na ang dalawang sasakyan. "Cesca! Xeya! Over here!" Pagkuha ni Presci sa aming atensyon atsaka kumaway. Nasa likuran naman niya si Rafael at ilang mga kaibigang lalake. "Mamaya mo na ako pagalitan, Xeya, but for now, let's just enjoy the race first." Palihim akong napairap atsaka sinamahan na lang silang dalawa ni Presci. Andito na rin naman ako kaya wala na rin akong ibang pagpipilian pa. Tumakas ako sa amin para dito, kaya paninindigan ko 'to. "Sino yung bago?" Rinig kong tanong ni Cesca kay Rafael. "I have no idea. Let's just watch their race." Nakita kong inakbayan ni Rafael si Cesca dahilan upang panandalian akong matigilan. Okay? Am I missing something? "Halika, Xeya, dito ka, tabi tayo." Hinatak ako ni Presci papalapit sa kanyang tabi bago ako inalokan ng ice cream. Umiling ako atsaka nagpasalamat sa kanya bago itinuon ang aking buong atensyon sa dalawang sasakyan na nasa aking harapan. According to some gossips here, the red one is the defending champion while the black one is the beginner. Hindi ko maiwasang mainis sa naghamon dahil halata namang masyado siyang pakampante. Ang dami niyang pwedeng hamunin diyan, bakit yung bago pa talaga? It's not worth it. He's obviously playing safe. "On your marks." May isang sobrang sexy'ng babae ang nakatayo sa harapan ng dalawang racer. Itinaas niya ang isang panyo dahilan upang mas lalong umingay ang buong lugar nang dahil sa sigaw at hiyawan ng mga tao. Idagdag mo pa ang maiingay na tambutso ng dalawang sasakyan. "Ready." Bigla akong kinabahan at wala sa huwisyong napatitig sa itim na sasakyan. Nako, kung sino ka man, goodluck na lang sa'yo. Bakit mo kasi pinatulan yung hamon, eh champion pala yung driver ng pulang kotse na 'to. "Get set. Go!" I heart leaped when the red car immediately gets off first at pumapangalawa na ang nakaitim. "NO!" I shouted in disbelief and balled my hands into fist. Sh*t! Eto na nga ang sinasabi ko. Walang duda, matatalo talaga yung nakaitim. The race went on and the only thing we can do is to wait. Kung sino ang maunang makakarating pabalik ay s'yang panalo. I have no idea why I chose to wait for the cars to get back. Dapat sa mga oras na 'to ay uuwi na ako dahil takot akong mahuli rito. I should've get my *ss up and get back home because clearly, this illegal racing is ridiculous. Sa oras na malamn ni dad na nagpunta ako sa ganitong klaseng lugar at nakisali sa mga tao rito, pwedeng-pwede niya akong ipatapon sa ibang bansa. I waited patiently for the cars to come back. Ako na lang ata ang nakatayo rito sa mismong gilid ng finish line habang titig na titig sa madilim na kalsada, umaasang may iilaw kaagad mula don. "ANDITO NA SILA!" kasabay ng pagsigaw non ay ang pagderetso ng aking tayo dahil may apat na headlights na kaming nakikita. My heart beats faster than the usual and the crowds are starting to pile up. Ako ang nasa pinakagilid ng finish line kaya kitang-kita ko ang dalawang sasakyan na nagkakarera. "Woah! They're catching up to each other!" "I'm not expecting this." "Neither am I." I don't want to blink. I want to see who among the two will finish the race first. "Sh*t. This is not good. Everyone! Get off the track!" Both of the cars are not decreasing their speed. Neither of them wanted to lose. "CLEAR THE TRACK!" Biglang nagsitakbuhan sa bawat gilid ng kalsada ang mga tao nang makita papalapit na ang dalawa. Ang nakaitim na sasakyan na malapit dito sa pwesto ko ay bigla na lang mas bumilis dahilan upang manlaki ang aking mga mata. And just like that, the black car finishes the race first which made all of us shocked. Isang nakabibinging katahimikan ang pumalibot sa buong lugar bago ito nasundan ng isang nakabibinging mga sigaw. Sobrang bilis nitong magpatakbo at dahil nasa gilid lang ako ng kalsada, kulang na lang pati buong katawan ko ay tangayin sa hangin na dala nito. The crowds covered the black car instantly. All of them wanted to meet the new champion. All of them are cheering for him. All of them wanted to see him... Leaving the defeated champion behind. Nang mapatingin ako sa pulang sasakyan na nakaparada sa gilid, iilan lang ang lumapit sa kanya. Biglang lumabas doon ang isang galit na galit na lalake atsaka padabog na isinara ang pinto ng kanyang sasakyan bago tuluyang nag walk-out. I smirked silently when I witnessed that. "Serves you right." Bulong ko sa hangin bago nilingon ang itim na kotse. Lalapit na sana ako sa kumpol na mga tao nang biglang may pula at asul na ilaw kaming natanaw sa may di kalayuan. "Sh*t! The police are here! Leave the place! NOW!" Rinig kong sigaw nang isang lalake at sa isang idlap lang ay nagsitakasan na ang lahat. Some who got their cars immediately drives away. Ito na nga ang sinasabi ko! Malilintikan talaga ako nito! Tumakbo ako papunta sa kung saan ko iniwan sina Cesca pero hindi ko na sila mahagilap. Nang mapatingin ako sa ibang direksyon, nakita ko nang hila-hila ni Cesca si Presci at kasama nila sila Rafael papunta sa isang sasakyan. F*ck! I can't run towards their direction instantly! Sobrang layo na nila. I'm doomed. I'm completely screwed! "Cesc--!" Hindi ko natapos ang gusto kong sabihin nang may humila sa akin mula sa likuran. Sa sobrang bilis ng pangyayari, ngayon ko lang napansin ang isang lalakeng pinagbuksan ako ng pinto ng isang sasakyan. "Get in." Matigas at malamig nitong sabi nang dahilan upang matigilan ako. Nang tingalain ko siya, hindi ko na maiwasang tuluyang mabato sa aking kinatatayuan sa oras na masilayan ko ang kanyang mukha. It looks like someone snatched my soul right away the moment I laid my eyes on this man. No. It can't be, H-How could he-- "GET. INSIDE. THE. F*CKING. CAR. CLEMENTINE." Santi... Santi is here... Siya ang nagmamaneho sa itim na kotse!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD