XEYA CLEMENTINE'S POV
"Any boyfriends?"
I looked at the guy in front of me before looking down back at my drink. Nasa isang after party ako ngayon sa isang fashion event na dinaluhan ko kasama ni Cesca.
Isa kami sa mga runway models ng isang sikat na Asian Fashion designer na naglaunch ng panibagong collection dito sa Pilipinas.
Muli kong tinignan ang lalake na bigla-bigla na lang sumusulpot sa aking harapan. Ito na nga ang sinasabi ko, kaya ayaw kong naiiwan ng mag-isa sa ganitong klaseng lugar.
Don't get me wrong, I love attending parties, dapat lang na mabalance ko ang social life at school. Hindi naman pwedeng libro lang ang inaatupag ko, besides my beauty is undeniably exceptional.
Kaya hindi ko rin masisisi ang lalakeng 'to kung bakit niya ako nilapitan ngayon.
"What about... hook-ups?" Panibagong hirit pa nito.
"I do have one." Sagot ko na ikinataas ng dalawa nitong kilay.
"Which one? A boyfriend or just--"
"A boyfriend." Pagpuputol ko sa sinasabi nito. Buong akala ko ay aalis na ito ngunit 'yon ang nangyari.
"I don't think so, my friend just told me you're single." Dito na ako napaderetso ng tingin sa kanya nang sabihin niya 'yon.
Nakita kong itinuro niya ang isang lalake sa gilid dahilan upang mapa-irap ako. Ang lalakeng tinuro lang naman niya ang kasama ko sa modeling.
It was Rafael; Cesca's ultimate crush.
Siya lang naman ang lalakeng kinababaliwan ng kaibigan ko na hanggang ngayon ay hindi parin bumabalik galing sa banyo. Ano na ba ang nangyari don? Naimpatso ba ang babaeng 'yon?
"Then you shouldn't trust your friend." Inubos ko ang aking inumin atsaka umalis mula sa bar counter.
Leche ka Cesca, nasan ka na ba?
"Hey, Xeya! Wait!"
Bigla niyang hinuli ang braso ko kaya hindi ko maiwasang mas mainis nang harapin ko ito.
"Why are you pushing someone who just wanted to have a conversation with you?"
"Why are you forcing someone to have a conversation with when she just wants to be alone?" Natigilan ito sa pagiging prangka ko lalo na't kunot na kunot na ang aking noo at halos maging isang linya na ang dalawa kong kilay.
When the guy stepped back and turned his back against me, that's the moment I realized what I just did.
Napapikit ako at hindi maiwasang mapahilot sa aking sentido.
God, why am I so rude?
Kasalanan kasi 'to ni Cesca! Dapat hindi niya ako iniwan kanina pa, kung aalis man siya dapat hindi ganito katagal!
Napailing na lang ako atsaka muling bumalik sa bar counter para umorder ng inumin. Nasa kalagitnaan ako ng pagwawaldas ng pera nang biglang nagvibrate ang aking telepono.
Kaagad kong sinagot ang isang tawag na galing kay Cesca.
"Bruha, sa oras na babalik ka rito, ilalampaso ko 'yang nguso mo sa sahig."
[How scary!] Bungad niya sa kabilang linya na ikinairap ko.
"Nasan ka na kasi?! Kanina pa ako rito, Cesca."
[Uhm, Xeya? Wag kang magagalit ha?] Aniya pero ngayon pa lang, galit na galit na ako.
[U-Umalis kasi ako, hindi ko na kaya girl. Ang sakit talaga ng tiyan ko, k-kaya nauna na akong umalis. Hindi ko na keri ang bumalik pa diyan sa loob ng bar.]
May lumabas na atang usok mula sa aking ilong nang sabihin niya 'yon.
[Wag kang mag-alala! Tatawagin ko si Tito Xyler para siya na mismo ang kukuha diyan sa--]
"No need, Cesca, I don't want dad to drive during this hour." Tsaka alam kong magagalit ito kapag nalaman niyang umiinom ako.
My dad never knew I'm drinking at this age of 20. Sobrang protective niya kaya heto at palihim ko itong ginagawa. Mom is the only person I can talk about it aside my friends.
[Are you sure? H-Hindi ka ba galit sa akin?]
"Galit. Kaya kung wala ka ng sasabihin, i-end mo na 'tong call dahil mas lalo lang akong--"
Napakurap ako nang bigla niyang pinutol ang tawag.
Talagang malilintikan ka sa'kin bukas, Cesca. Makikita mo.
"Hi, you alone?"
"No, I'm actually with my friend."
"Really? But I don't see anyone sitting with you."
Napatingin ako sa kabilang banda nang may marinig akong nag-uusap sa isang mesa na malapit lang dito sa direksyon ko. May babae rin palang makulit eh noh?
Halata namang ayaw makipag-usap sa kanya ang isang lalake. As I stare at his table, I figured out that he's indeed with someone else before that lady came in.
May dalawa itong inumin sa ibabaw ng mesa pero mukhang hindi ito napapansin ng babae.
"Okay? Look, if you want to hook-up with me, then I’m sorry but I have to reject you miss." Bigla akong napangisi nang marinig ko ang sinabi nong lalake.
Nang titigan ko ang mukha nito, hindi ko rin masisisi ang babae kung bakit tuluyan niya itong nilapitan.
He's drop-dead gorgeous with oozing s*x appeal.
Masyado talagang makulit ang babae dahil hanggang ngayon, hindi niya magawang tantanan ang lalake sa kanyang harapan.
Then out of boredom, I thought something very risky to do. It’s either magtatagumpay ako sa binabalak kong gawin, o masasabunutan ako.
Either way, the challenge is making me feel excited.
I got my *ss up from my seat after drinking my last drink and went straight to their direction.
May mga lalakeng napapatingin sa aking direksyon pero pinagsawalang bahala ko lang sila dahil nasa isang lalake lang nakatuon ang aking buong atensyon.
Bigla akong pumagitna sa kanilang dalawa atsaka iniharang ang aking katawan sa lalake. So basically, I am facing the girl and the man was behind me.
“Hey, put a little respect to yourself. He already said ‘no’ so back off.” Seryosong saad ko habang deretsong nakatingin sa babae.
I saw how her eyes twitched when I said that which made me smirk.
Ganyan nga, tumalikod ka na at umalis.
Saad ko sa aking isipan nang inis itong umalis matapos akong bigyan ng isang masamang tingin.
“That was hot.” Rinig kong komento nong lalake sa aking likuran dahilan upang lingunin ko kaagad ito. Muntikan na akong mapaatras nang makita ko itong nakatayo na sa aking likuran.
Oh god, he’s tall and… manly…
Napakurap ako at hindi maiwasang mahawa sa kanyang mga ngiti.
He smiled. He smiled!
“And heroic.” Dagdag pa nito habang nanatiling nakatingin sa aking mukha.
I just hoped I still looked good tonight. At hindi yung parang sabog na dahil sa dami kong nainom.
Oh well, I’m not yet drunk— just a bit tipsy but I’m good. Hopefully.
“I’ll take that as a compliment.” Panimula ko atsaka pasulyap na tinignan ang dalawang basong nasa kanyang mesa.
“It’s best if you call your friend right now to keep you accompanied. Baka bumalik na naman yung babae.”
Mahina itong napatawa kaya hindi ko maiwasang mapatulala sa kanya. Okay, that laugh was so hot.
“I’ll be fine because of you.” Humakbang ito papalapit sa akin atsaka hinawakan ang ilang hibla ng aking buhok bago ako tinitigan sa mata.
“You’re staying a little bit, don’t you?” He said in a low husky voice. “I think my friend will be out a little longer, why won’t we have a drink? It’ll be on me. Pasasalamat ko lang sa ginawa mo.”
I smiled before shaking my head, politely declining his offer.
“No, I’m good. Just pass it forward.” I said before slowly pushing his chest away. In fairness, ang tigas ha?
Wala sa huwisyo kong naikagat ang aking ibabang labi habang nakatingin sa kanyang gwapong mukha. He blinked when I did that.
Huli na nang mapagtanto ko ang aking ginawa nang bigla niya na lang hapitin ang aking bewang atsaka ako walang pag-aalinlangan na hinalikan sa labi.
Ang malambot nitong labi na sinisipsip ang aking bibig ang tuluyang nagpapikit sa akin. I held unto his shirt and kissed him back as he deepened his tongue inside my mouth.
Napasinghap ako nang hilahin niya ako papalapit sa kanya habang hinahalikan parin.
Before we can no longer hold back ourselves, I immediately break our kiss. Dismayed was evident in his eyes when I cut our moment together.
Hindi naman ito ang unang beses na may hinalikan akong lalake, kaya kahit papano ay confident naman ako sa paghalik ko sa kanya.
The stranger’s hands are still holding my waist while looking straight into my eyes.
“Why—“
“Shhh.” Kaagad kong pinutol ang gusto niyang sabihin habang nakalapat ang aking hintuturo sa kanyang malambot na labi.
I wonder how many women he kissed using this playful lip of him.
I chuckled when my lipstick stains are evident against his mouth. Dapat kasi yung transferproof lipstick na lang ang ginamit ko.
I wiped it using my thumb while he stood up still like a good puppy.
“I gotta go, you enjoy the rest of your night hmm?” I said in a teasing manner before slowly kissing his cheek, leaving a kissmark on it.
Napakurap ito sa aking ginawa lalo na’t ngumiti ako sa kanya bago tuluyang kumawala sa kanyang hawak atsaka naglakad papalayo.
“W-Wait! Wait!” Nilingon ko ito nang bigla itong magsalita.
“May I atleast know your name?” Tanong nito habang nakatitig sa aking magandang mukha.
“I think it’s best if you won’t.” Ngumiti ako sa kanya bago ito kinindatan. Muli na akong naglakad papalayo pero kaagad din akong huminto bago ito muling nilingon sa kanyang pwesto na ngayon ay tulala paring nakatingin sa akin.
“By the way, I like the kiss.” He blinked in bewilderment which made me smile.
Ganyan nga, mamangha ka sa kagandahang taglay ko.
Mabilis akong umalis sa lugar atsaka pumara ng taxi pauwi sa bahay namin. Habang nasa biyahe ako, hindi ko maiwasang maalala ang lalake.
He’s definitely cute.
But I hope I won’t see him again, because up until now, I can’t find a good reason to like someone else rather than Graier…
Napapikit ako atsaka isinandal ang aking ulo sa sandalang ng taxi.
Heto na naman tayo, Xeya, iniisip mo na naman ang taong walang pakialam sa’yo. Iniisip mo na naman ang lalakeng ilang taon ng hindi nagpapakita sa’yo.
Ni-“hi” o di kaya ay “hello” na text message man lang ay wala kang natanggap.
Birthday greetings, Christmas, New Year, wala. Wala kang natanggap mula sa kanya. Baka nga hindi ka man lang sumagi sa isipan nong lalakeng ‘yon!
Madiin akong napapikit bago napabuga ng hangin.
Maybe it’s best if you move on, Xeya. Santi Graier won’t ever look at you like a woman.
“Ma’am, andito na po tayo sa address na sinasabi ninyo.”
“Ah, salamat po.” Kaagad akong kumuha ng pambayad atsaka lumabas.
Napalunok ako nang makitang sobrang dilim na ng bahay namin sa loob. Ang tanging may ilaw lang ay ang porch namin at dito sa may gate.
Kaagad kong hinalungkat ang susi sa loob ng aking purse atsaka binuksan ang gate at pinto bago sila dahan-dahan na nilock ulit.
Napabuga ako ng hangin nang makitang walang tao rito sa sala atsaka ko mabilis na tinanggal ang suot kong heels.
Just when I was about to step on our stairs, the whole living room suddenly lights up.
“That was impressive, I can’t even hear the gate opened if I didn’t see you coming on that door.”
“D-Dad?!” Saad ko nang makita ko ang isang lalakeng prenteng nakaupo sa isang silya. It was his favorite chair, by the way.
Nakita kong napatingin ito sa kanyang relong pambisig bago ako tinignan ng deretso sa mata. I gulped when his eyes met mine.
“2 am… Hmm, ang aga mo ngang umuwi.” What a bold sarcasm!
“Dad, I can explai—“
“What’s that?”
“Huh? A-Ang alin?” Bigla itong tumayo atsaka ako nilapitan. Napalunok ako nang hawakan niya ang aking baba atsaka may kinuhang maikling na buhok don.
Holy f*ck! He noticed that?! Anong klaseng mata ba ang meron siya?!
“This is not your hair, Xeya, this belongs to a man, wasn’t it?”
“Dad—“
“Get inside your room.”
“W-What?”
“I don’t need your explanation, Xeya. In your room, now.”
“But—“
“No, buts.” I groaned before taking the stairs and went directly to my room.
“You’re grounded for 3 days.”
“Daddy, I’m 21!”
“You’re still grounded.”
“Arghh!” Inis akong pumasok sa aking silid atsaka padabog na humiga sa kama.
This is humiliating!
At dahil grounded ako ng tatlong araw, alam ko na kung saan niya ako dadalhin. Every time I got grounded, he’ll personally fetch me from the university and bring me to his office.
Buong gabi niya akong tuturuan ng mga kung ano-ano tungkol sa kompanya niya.
Jesus, I can see my boring nights ahead of me.
It kinda sucks to be Xyler Gutierrez’s first-born child. Ugh!