XEYA CLEMETINE'S POV
Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari o kung ano ang irereact ko ngayon. Hanggang ngayon, gulat na gulat parin ako dahil hindi ko siya inaasahang bigla-bigla na lang magpapakita sa harapan ko.
And then-- oh my god! Santi was the driver of this black car! He's doing illegal racing!
"I need an explanation!" Sigaw ko habang mahigpit na napahawak sa seatbelt na nakadikit sa aking katawan.
Ang bilis niyang magpatakbo ng sasakyan!
"B-Bakit ka andito?! Kailan ka pa nakauwi?! Bakit ka sumali sa mga illegal na gawain?!" Sunod-sunod kong tanong bago mabilis na napahawak sa pinto ng sasakyan.
"WILL YOU PLEASE SLOW THE F*CK DOWN?!"
Bigla niyang inapakan ang brake ng sasakyan dahilan upang mapatili ako. He didn't just make this car stop; Santi made it f*cking drift before hiding behind an old shed in the middle of this dark road.
Kung hindi pa ako nakaseatbelt, paniguradong nakadikit na ang katawan ko sa bintana ng kanyang kotse.
Hiningal ako dahil sa matinding pagkakaba. The adrenaline was rushing throughout my system since the very moment I saw some police cars around the racing area.
Naghalo-halo na ang aking emosyon ngayon. Excitement, thrill, happiness, terrified, all of them are mixing up.
Napatingin ako sa gawi ni Santi dahil hanggang ngayon, hindi parin ito nagsasalita. Madilim ang parte kung saan niya piniling magtago muna mula sa mga police kaya hindi ko gaanong naaaninag ang kanyang mukha.
"You're not supposed to be there." Muntikan na akong mapasinghap nang marinig ko ulit ang boses niya.
It's been freaking years since the last time I saw him. Years, okay? Years.
"And so are you." Pinaningkitan ko pa ito ng mata pero alam kong hindi niya ito mapapansin dahil sa dilim.
"I can do whatever I want, Xeya." Ramdam ko ang inis sa boses niya ngayon dahilan upang mapakunot ang aking noo. Bakit siya naiinis? Siya pa 'tong may ganang mainis sa aming dalawa.
"Kung ganon, ako rin. Ikaw lang ba ang may karapatan dito?"
Wait. Why are we arguing? Bakit kami naiinis sa isa't-isa? Hindi ito ang dapat na mangyari eh.
I should be happy that Santi is already back. And he should be glad that he sees me again.
Hindi na namin naaninag ang kulay pula at asul na ilaw na humahabol sa amin kaya inistart ulit ni Santi ang makina ng kanyang sasakyan.
He drove back to the road and the atmosphere surrounding us is now quiet again.
Our first meeting after all those years should've been livelier and not like this. Parang may tanim kami ng sama ng loob sa isa't-isa kung umasta kaming dalawa ngayon.
"SANTI..." Tawag ko sa pangalan niya habang nakatingin sa harap ng kalsada ngayong nakahinto na ang kanyang sasakyan sa labas ng bahay ko.
"May nagawa ba akong ma--"
"I'm not in the mood to talk." Bigla akong nanlumo sa kanyang sinabi at hindi maiwasang mapalunok.
Tumango na lang ako kahit na hindi ko alam kung ano nga ba talaga ang rason sa likod ng pag-iiba ng kanyang ugali ngayon.
Napabuga ako ng hangin atsaka tinanggal ang pagkakaseatbelt bago binuksan ang pinto ng kanyang kotse. Sinara ko na ito atsaka bahagyang yumuko para masilayan ko ang kanyang mukha sa nakababang bintana ng kanyang sasakyan.
"I'm glad you're back." Kaswal kong wika atsaka ito binigyan ng isang tipid na ngiti.
He never saw me smile because his attention was just right in front of him. Talagang sa kalsada lang ito nakatingin habang mahigpit ang pagkakahawak sa manibela ng kanyang sasakyan.
"I saw it." Bigla nitong sabi nang magbabalak na sana akong tumalikod.
Kumunot ang aking noo nang sabihin niya 'yon. Nakita niya ang alin? May kinalaman ba ako tungkol rito? Ito ba ang dahilan kung bakit kakaiba ang ugali na ipinapakita niya sa akin ngayon?
"I saw what you did." He said before clenching his jaw.
Ibubuka ko na sana ang aking bibig para magsalita nang bigla niyang inapakan ang accelerator ng sasakyan atsaka mabilis na umalis.
I was left standing outside my house, dumbfounded, figuring what the hell was he talking about.
"XEYA! Bakit ang tagal-tagal mo diyan sa loob ng kwarto mo?" Mas lalo kong minadali ang pag-aayos ng marinig ko na ang boses ng aking sariling ina sa labas ng aking silid.
"Hey, mom!" Bungad ko sa kanya nang buksan ko ang aking pinto. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa bago muling magsalita.
"What took you so long? Hindi naman ako ganyan katagal mag-ayos noon sa edad mo." Napangisi ako at hindi maiwasang mapailing bago sumunod sa kanya paibaba ng hagdan.
"Mom, that was you. Magkaiba tayong dalawa." Hirit ko pa atsaka tinungo muna living room para kunin ang nakacharge kong cellphone.
I scanned the notifications before putting it inside my purse. Wala namang bagong unread messages akong natanggap kaya ayos lang.
"Oh s'ya, halika na. Kanina pa naghihintay ang ama mo sa loob ng sasakyan. Nababagot na 'yon." I smiled before clinging unto her arms.
Sabay kaming nagtungo sa isang itim na SUV kung saan naghihintay nga si Dad. Nang makapasok na kaming dalawa sa loob ay kaagad din kaming umalis papunta sa kaarawan ng isa kong pinsna na si Gabriella.
Nauna na si Xyra roon dahil kahapon pa lang, don na siya natulog sa bahay nina Uncle Denver at Tita Sasha. Uncle Denver is my father's cousin-- he's a Gutierrez too, while Tita Sasha is my mother's best friend.
Kaya ganito kami kaclose ng mga pinsan ko na sina Gabriella, Ashton, at Santi.
To make things clear, ang pinsan ko lang talaga na kadugo ko ay sina Gabriella at Ashton, dugo't-laman sila nina Uncle Denver at Tita Sasha, habang si Santi naman ay adopted son ni Tita Sasha nong na-Annul sila ni Uncle Denver pero ngayon ay ayos naman na sila.
Kaya ang dala-dalang apelyido ngayon ni Santi ay ang apelyido ni Tita Sasha sa pagkadalaga niya.
Santi is a Hidalgo and not a Gutierrez.
"San nga ulit yung venue, anak?" Rinig kong tanong sa akin ni Mom mula sa passenger's seat.
"Sa Garden of Tieza po." Sagot ko habang nakatingin sa labas.
Ilang minuto pa ang lumipas at ipinarada na ni Dad ang sasakyan sa parking lot nila rito. Today is Gabriella's 18th birthday kaya paniguradong sobrang bongga ng party na 'to.
Dito palang kasi sa labas ay sobrang enggrande na. Makikita ko na ang malaking flower arch nila rito na napuno ng mga rosas. May pa smoke effect pa sa mismong entrance tsaka ang mga mag-aassist sa amin ay nakasuot ng Edwardian clothing styles.
Ito kasi ang gustong-gustong theme ni Gabriella; historical.
Nagustohan ko rin kasi ang ganda ng suot ko ngayon, nakacorset ako at mahabang bestida. Sobrang conservative dahil nakabalot ang katawan ko pero halata naman ang pagiging sexy at makurba ng aking katawan.
"Mr. & Mrs. Gutierrez, please follow me." At heto na nga at inaassist na kami papunta sa table namin.
Ang ganda ng venue! Kung pwede lang magdebut ulit...
We're just in a massive greenhouse full of plants and flowers. May mga series lights pa sa taas na kulay dilaw na s'yang magpapaliwanag ng buong lugar mamayang gabi.
The chairs are surrounded by fresh flowers and the round tables are having 3 huge candles on the center with some huge flower arrangement.
Sobrang elegante rin ng pathway ni Gabriella dahil isang glass pathway lang naman 'to na may mga sari-saring bulaklak sa ilalim.
Ang upuan niya sa gitna ay sobrang laki na parang pwede ka ng humiga roon at matulog.
This is beyond extravagant! Kung sa bagay, nag-iisang anak na babae lang kasi siya nina Uncle Denver at Tita Sasha.
If I'm going to have a family of my own, tas isa lang ang babae kong anak, syempre ibibigay ko ang lahat ng gusto niya. Isang beses lang kaya magdedebut ang isang babae. Kaya sagarin na natin.
"Xeya, where are you going?" Awtomatiko akong napalingon sa gawi ni Dad nang tawagin niya ako. He's currently pulling a chair for my mom to sit.
"Maglilibot-libot lang po. I'll be back right away." I smiled which made him nod.
"You forget something." He said when I was about to turn my back against them.
Nagtataka akong tumingin sa kanya at bigla na lang may naalala.
"Oh right. The kiss."
"Yes, the kiss." Napailing ako sa kanya atsaka ngumiti bago siya nilapitan upang halikan sa pisngi.
"Bumalik ka kaagad."
"I will, dad. Relax." I said before kissing my mother's cheeks as well and stormed away from them.
Mabilis kong hinugot ang cellphone ko atsaka nagpicture sa magandang lugar na ito. God, this looks so enchanted. Kung pwede lang sana magdebut ulit, gagawin ko talaga.
Gabriella had a pretty good taste.
Nakita ko ang dalaw akong kakambal na kapatid na prenteng nakatayo malapit sa wine section habang nakatingin sa dalawang babaeng nasa harapan nila.
Kunot ang noo ni Tway habang si Middy naman ay nakapamulsang nakatingin sa mga babae.
Nang makita ko itong ngumiti atsaka umiling, kaagad na bumagsak ang magkabilang balikat nong dalawang babae atsaka umalis.
I sighed.
"Another brokenhearted girls." Bulong ko sa aking sarili atsaka nag-iwas ng tingin para magselfie.
Ang ganda-ganda ko ha? In fairness ang galing ko ng magmake-up.
Pero kahit wala akong make-up, maganda na talaga ako. I thanked my parents' strong genes.
Muli akong nagpicture na bahagyang nakanguso at mas ipinakita ang maganda kong jawline at ang maliit ngunit matangos kong ilong. Asset ko kasi ito.
Naghanap ako ng mas magandang angle pero medyo nahihirapan ako.
"Do you need help?" Muntikan na akong mapatalon nang biglang may masalita sa aking likuran.
Nabosesan ko siya kaya nagdadalawang-isip akong harapin ito.
Oh my god... oh my god! Hindi pwede. Please, sabihin niyong mali ang iniisip ko!
Siya na mismo ang nagpunta sa aking harapan atsaka ako tinignan ng deretso sa mata kaya heto at mukha na akong timang sa harapan niya.
Mabilis akong nag-iwas ng tingin atsaka napatingin makintab na sahig nila rito.
"Wow, ano to? Sahig? And ganda naman." Bulong ko sa aking sarili.
Punyeta, siya nga! Siya nga, walang duda!
"We met again," aniya dahilan upang mapatingala ako.
Palihim akong napalunok atsaka pilit na ngumiti.
"H-Ha? Ano ang ibig mong sabihin?" Oh sige, magtanga-tangahan ka lang, Xeya, total diyan ka naman magaling.
This good-looking cute guy chuckled when I said that.
"The man who needs help in the bar and the man you protected," aniya sabay turo sa sarili niya atsaka ngumiti. "I'm that man, remember?" Nakangiti niya paring wika na ikinakurap ko.
If only Cesca and Presci was here, baka kanina pa nahulog ang baba ng dalawang 'yon sa sahig dahil sa gwapong lalakeng kaharap ko ngayon.
Hindi siya purong Pinoy, sure ako don. Natural kasi ang kulay kayumanggi niyang kulay na buhok tsaka ang features niya rin ay halatang pang foreigner, idagdag mo pa ang height nito. Ngayon ko lang ito napansin dahil madilim nong una ko siyang nakita.
I can't believe it, hinalikan ko lang naman ang lalakeng 'to ng isang beses sa bar!
"Ah oo, ikaw nga 'yon." Sabi ko sabay iwas ng tingin.
"Yeah, I never thought I'll see you here." Ako nga rin eh! Ako rin!
He suddenly extended his hand on me which made me look at it. Shock, ang laki ha? Tsaka maugat.
"Ako nga pala si--"
"Luthor!" Sabay kaming napalingon sa isang lalakeng sumigaw habang nakatingin sa lalakeng kaharap ko ngayon. Bigla itong tumabi sa lalakeng kaharap ko atsaka ako tinignan sa mukha.
Mukhang kaibigan niya ito. Baka ito yung kainuman niya nong gabing 'yon.
"Why are you here, French?" Rinig kong bulong ni Luthor sa kaibigan niya.
"What? Bad timing ba?" Bulong din nito pabalik sa kanya. Aware ba silang rinig na rinig ko sila?
"Yes. Now please, go."
"Oh shoot, my bad." Umayos ng tayo yung lalakeng nagngangalang French atsaka ko ningitian. It was an apologetic smile to be exact.
He waved his hand at me before turning to Luthor.
"Papunta na rito si Santi, kaya dalian mo na diyan." Bulong nito ulit atsaka tumalikod.
Hindi ko maiwasang maestatwa sa aking kinatatayuan nang marinig ko ang binulong ni French ni Luthor.
"So..." Luthor cleared his throat and extended his hand again when I interrupted.
"You knew Santi?" I asked which made him blinked.
"Uhm, yeah?"
"Santi Graier Hidalgo? As in kapatid ng debutant ngayon?" Tanong ko ulit na ikinatango niya.
"Of course, he's my friend." Nakangiti niyang saad sa akin na ikinakurap ko.
Hell, no.
Bigla akong napahawak ng mahigpit sa aking bestida nang maalala ko ang sinabi ni Santi sa akin nong ihatid niya ako sa amin.
"I saw it. I saw what you did."
"Holy mother of f*ck." Naitakip ko kaagad ang aking bibig atsaka napatingin ng deretso kay Luthor.
"Are you okay?"
Hindi ako okay! Hindi ako okay!
Posible na ang kasama ni Luthor nong gabing 'yon ay si Santi at hindi si French. I can't believe this, so he saw me kissing another man-- not to mention, it was his friend!
Ang tanga-tanga mo Xeya, nakakahiya ang katangahan mo!
Bigla akong napatingin sa isang direksyon nang may pumasok na isang matangkad na lalake at may magandang pangangatawan.
He's wearing an Edwardian suit that fits him perfectly. His newly cut hair, clean face, and good posture immediately caught everybody's attention, and that includes me.
"May I at least know your name this time?" Muling napunta ang atensyon ko kay Luthor nang magsalita ito. Napalunok ako bago sinabi sa kanya ang aking pangalan.
"X-Xeya. I'm Xeya Clementine Gutierrez."
"Gutierrez? Kaano-ano mo sina Ashton at Gabriella?"
Ngayon nakumpirma ko na talaga na hindi lang sila basta kaibigan ni Santi. Luthor surely knows a lot about him.
"Pinsan. Pinsan ko sila, second degree cousins to be exact."
"Oh, I see, kung ganon magkakilala pala kayo ni Santi. This is great!"
No, this is not great!
Nang mapatingin ako ulit sa gawi ni Santi, halos mapatalon ako nang makitang nakatingin na pala ito sa direksyon namin ng kaibigan niya.
I sighed silently before turning my gaze away from him.
Santi is mad. He's f*cking mad.