SIMULA
“ANAK, handa ka na ba?” Napatingin ako ng deretso sa aking ina nang tawagin niya ako.
Sobrang ganda niya, hindi mo aakalain na may apat na pala itong anak.
“Yes, mom.” Tugon ko sa kanya bago kabadong hinarap ang aking salamin.
Kaagad niya akong nilapitan atsaka inayos ang aking nakalugay na buhok. Isang mahigpit na yakap mula sa likuran ang kaagad kong natanggap mula sa kanya.
“I can’t believe you’re 16 right now, Xeya, parang kailan lang nung iniluwal kita eh.”
Napangiti ako sa kanyang sinabi bago ito hinarap. Heto na naman si Mommy sa kadramahan niya.
“Mom, I know time flies so fast but it is what it is.” Hinaplos niya ang aking pisngi bago ako hinalikan sa noo.
“Right, it is what it is.” Aniya sabay napairap sa kawalan dahilan upang mahina akong mapatawa.
“Let’s go? Your visitors are waiting for you.” Tumango ako sa kanya atsaka kami sabay na lumabas sa aking kwarto.
Si Daddy kaagad ang bumungad sa akin na may dalang malaking bouquet ng bulaklak. Dad will always be romantic in his own ways, kung bibigyan niya ng bulaklak si Mom, hindi pwedeng wala kaming matatanggap ni Xyra.
“Happy Birthday, princess.” Pagbati niya sa akin bago niya ako hinalikan sa noo.
“Thank you, Dad.”
Sabay kaming bumaba sa hagdan ng malaki naming bahay, at tulad ng aking inaasahan, sandamakmak na tao ang naghihintay sa akin sa baba.
Most of them are my highschool friends and batchmates. Tinadtad ako ng pagbati sa oras na nakababa na ako ngunit sa kabila ng mga pagbati nila, may isang tao lang akong hinahanap sa dagat ng tao na nasa aking harapan.
Where are you Santi?
“Anak, do you need anything? Parang kanina ko pa napapansin na nagkadahaba na ang leeg mo.” Pukaw ng atensyon sa akin ni Mom.
“N-No, I’m fine. Actually ma, may hinahanap lang ako.”
“I see, one of your batchmates?”
“Yes po.” Tumango ako sa kanya.
“Well then, enjoy your birthday okay? Dito lang muna kami ng Papa mo sa labas, we’ll talk with your Aunt Selena.” Tuluyan na itong umalis kasama si Dad papunta kay Auntie Selena na mismong kakambal ng ina ko.
I saw them greet and embrace each other when they meet halfway. Sobrang ganda at pogi nina Auntie Selena at Tito Dominique, I can also see my cousin Dorothy on the side.
“Hey Xeya.” Napalingon ako sa aking likuran nang may tumawag sa akin. “Happy Birthday,” pagbati niya sa akin matapos ko itong lingunin.
“Hi Keiran, thank you.”
“You looked beautiful… as always.” Ngumiti ako sa papuring ibinigay niya sa akin atsaka muling nagpasalamat.
Isa si Keiran sa pinakamalapit kong kaklase. He’s also Santi’s best friend. He confessed to me once but I never reciprocate it.
Don’t get me wrong, Keiran is such a great guy. He’s talented, smart, and athletic just like Santi but my heart never aches for him.
So, in order to save our friendship, I told Keiran that it would be better if we just stay as friends. Importante siya sa akin bilang isang kaibigan. Yun lang.
Luckily, Keiran never changed his treatment towards me after I rejected him.
“Leah is looking at you, ayaw mo ba siyang kausapin?” Mahina kong tanong sa kanya nang mapansin ko ang babaeng panay nakaw ng tingin sa kaibigan kong si Keiran.
Leah is our class’ muse. Maganda rin ito at may balingkinitang katawan. Isa rin siyang member sa cheerleading squad katulad ko pero hindi kami ganon ka close sa isa’t-isa.
“Why would I?” Keiran said with a furrowed eyebrow.
“Para alam mo na… malay mo may spark diba?” Wika ko sabay bangga ng mahina sa braso niya.
“What are we kids? No, thanks Xeya, I’m better here with you.” Kaswal nitong saad atsaka uminom ng softdrinks mula sa hawak nitong glass.
“Ewan ko sa’yo, Wag kang manghihinayang ah pag may ibang gusto na ‘yan si Leah.” I said, obviously teasing him.
“I won’t.” Napailing na lang ako sa sinabi niya.
“Keiran! Xeya!” Bigla akong napaderetso ng tayo nang makita ko si Ashton, ang pinsan ko at kaklase ko rin.
Nang makita ko itong papalapit sa pwesto namin, hindi ko maiwasang mapahawak kaagad sa aking buhok para siguraduhing maayos ito.
If Ashton’s already here, I’m pretty sure Santi was here as well.
Sila kasi ang palaging magkasama dahil magkapatid sila.
“Ash!” Wika ko bago niya akong yakapin.
“Happy Birthday Xeyxey!” Napangiti ako sa itinawag niya sa akin atsaka nagpasalamat.
Nang makita ni Ashton si Leah sa gilid ay kaagad niyang inakbayan si Keiran atsaka sapilitang pinaharap dito.
“A-Anong ginagawa mo, Ash?”
“Dude, tinatanggihan mo ba ang grasya?”
“W-What are you talking about?!”
Napangisi ako nang magtama ang paningin namin ni Ashton atsaka ako kinindatan.
“Keiran, hindi pwedeng palagi nasa pinsan ko na lang ang mga mata mo. Look for another epitome of beauty of man, you’re missing your opportunity.”
Mahina akong napatawa nang hilahin na ni Ashton si Keiran papalapit kay Leah habang si Keiran naman ay pilit akong inaabot.
“N-No! Xeya, lend me a hand!” Kaagad na ibinaba ni Ashton ang kamay ni Keiran atsaka ito tuluyang inilayo sa akin papalapit kay Leah.
Napailing na lang ako atsaka napatawa nang makita nag-uusap na ang tatlo kasama si Leah sa gilid. Ashton is the bridge that connects the two, ang cute lang nilang tignan.
Saktong lumingon ako sa ibang direksyon nang masilayan ko si Santi. Ngunit sa pagkurap ko, bigla na lang itong nawala.
“Santi.” Mahinang bulong ko sa aking sarili atsaka ito hinanap sa dagat ng tao.
Hindi ako pwedeng magkamali, siya yun. Graier is here in my house.
“Excuse me, excuse me po. Pakiraan.” God, this huge house is full. Ilang estudyante ba ang inimbita ni Mom?!
Tila nakahinga ako ng maluwag nang tuluyan na akong makalabas dito sa bahay.
“Santi.” Saad ko muli nang makita itong lumiko sa gilid.
Kaagad ko itong hinabol papunta sa pinakagilid ng lupain namin. It was a tight yet dark passageway towards the backyard kaya walang bisitang pumupunta rito.
Kumunot ang aking noo nang dumaan don si Santi kaya hindi ko maiwasang mas pabilisin pa ang aking paglalakad.
Nang marating ko ang lugar, palakasan na lang ng pakiramdam dahil ang dilim talaga rito. I should’ve ask Dad to change this area.
“Santi, sure ka ba rito?”
“Yeah, why?”
“P-Pero paano kung may makakita sa atin?”
“Walang makakakita kung mabilis lang tayo rito.”
“T-Teka, tatanggalin ko muna.”
“Do you want me to help you?”
“Yes, please.”
Napasinghap ako sa aking narinig atsaka kaagad na lumiko sa kanan kung saan may maliit na restroom doon. Kaagad kong binuksan ang ilaw at nakahanda nang sigawan ang babaeng kasama ni Santi rito nang bigla akong maestatwa sa aking kinatatayuan.
“X-Xeya. You’re here.” Gulat na wika ni Santi habang nakahawak sa isang maliit na box.
Kaagad na nanlaki ang mga mata ng babae nang makita ang mukha kong galit na galit.
This girl…
“Are you two about to f*ck?!” Napasinghap ang babaeng kaklase rin namin ni Santi nang sabihin ko ‘yon.
“Xeya, what are you talking about?! No, we’re not!” Gulat nitong saad atsaka ipinakita sa akin ang maliit na box na hawak nito.
“We’re just… I was just…” Napabuga ng hangin si Santi bago muling nagsalita.
“This is actually a surprise but you’re here.” Umalis na sa eksena ang babaeng kaklase ko nang unti-unti ng kumalma ang aking sistem.
A surprise?
Lumapit sa akin si Santi atsaka ibinigay sa aking ang hawak-hawak niya.
“I asked for her help since they owned a jewelry shop. I remembered you like a certain collection of bracelete in their store one time so I asked for Denise’s help.” Tinanggal ko ang takip ng box atsaka bumungad sa akin ang napakagandang bracelet.
“Oh my god, Graier…” bulong ko habang nakatakip ang isa kong kamay sa aking bibig.
Kinuha ‘yon ni Santi atsaka ito ikinabit sa aking palapulsohan.
“Happy Birthday, Clementine.” Tika hinaplos ang puso ko nang sabihin niya ‘yon atsaka ako ningitian.
Tuluyan ng nanaig ang aking emosyon sa pagkakataong ito. Hindi ko na mabilang kung ilang beses kong pinigilan ang aking sarili na huwat gawin ‘to pero…
Sa pagkakataong ito, ginawa ko ang isang bagay na hindi ko inaakalang tuluyang magpapalayo sa aming dalawa.
Isang bagay na makasalanan.
I kissed him.
Naramdaman kong natigilan si Santi sa kanyang kinatatayuan nang lumapat ang aking labi sa kanyang labi.
I gave him my first kiss dahil wala rin akong planong ibigay ‘to sa iba kundi sa kanya lang.
I grabbed his collar and deepened the kiss. Hindi ko alam kung tama ba ang pagkakahalik ko sa kanya pero wala na akong pakialam, ang mahalaga ay hinahalikan ko siya ngayon.
Dito sa lugar kung saan madilim at walang makakakita sa amin.
Ngunit ang kasunod na nangyari ay talaga nga namang ikinagulat ko.
Malakas niya akong itinulak atsaka napahawak sa kanyang labi na tila ba galit na galit. Ito ang unang beses nakita ko itong ganito ka galit.
“WHAT THE F*CK IS WRONG WITH YOU?!” Madiin niyang sambit habang pinupunasan ang kanyang labi.
“G-Graier, I love you. Hindi mo ba napapansin ‘yon? Matagal na kitang—“
“You’re insane! You’re crazy!” Napasinghap ako sa kanyang sinabi.
“I can’t believe this—Xeya magpinsan tayong dalawa!” Bigla itong napatingin sa paligid nang lumakas ang boses niya bago niya ako muling tinignan atsaka tinuro ang kanyang sentido.
“Are you using your brain?! Jesus! Paano kung may nakakita non?!”
“Graier, we’re not really related. So it’s fine.” Tumayo ako ng maayos atsaka pilit na hinahawakan ang kanyang gwapong mukha pero umiiwas ito.
“I can love you… and you can love me too…”
“You’re disgusting.” I gasped when he said that.
“You’re disgusting! Never in my entire life I looked at you more than a friend. Xeya, I am your best friend! Pinsan mo ako at sa mata ng iba, isang kasalanan ang ginawa mo!”
Tila nabingi ako sa kanyang sinabi dahilan upang hindi kaagad ako makakilos.
“That’s it. I’m out of this. Go back to your party coz I’m going home.”
“N-No, Graier!” Kinuha ko ang kanyang kamay ngunit iniwaksi niya rin ito.
Hindi ko na ito napigilang umalis pero lingid sa aking kaalaman na yun na rin pala ang huling araw na makikita ko ito.
Coz right after my birthday, Santi Graier left to chase his dream as a professional Formula One driver.
Habang ako naman ay naiwan dito sa lugar kung saan palihim ko parin itong minamahal.
But then, I realized I am Xeya Clementine Dela Peña Gutierrez, walang makakapipigil sa akin sa kung ano man ang gusto ko.
I will get him no matter what, coz what Xeya wants, Xeya gets.
Akin ka lang Santi Graier Hidalgo. Akin ka lang.