XEYA CLEMENTINE'S POV
"Magroroadtrip pa ba tayo? Eh mukhang masyado ng malalim ang gabi," bulong ko matapos kong sikuhin si Cesca sa aking tabi.
Kakalabas lang namin ng bar ngayon at lagpas alas dose na. Nakita at nakilala ko na rin ang kaibigan ni Rafael na si Mattius at tumutugma nga ang lahat ng sinabi ni Cesca tungkol sa kanya.
"Oo naman, ito kasi talaga ang purpose ng gala natin ngayon." Nakangiti nitong wika bago ako nilingon atsaka bahagyang hinila papalapit sa kanya.
"Did you know that Mattius is a drag racer? Magaling 'yang magdrive." Bigla niyang bulong sa'kin atssaka ako kinindatan.
Parang iba ang kahulugan nong huli niyang sinabi kaya heto at nakangisi ito sa akin ngayon.
Inirapan ko ito atsaka binawi ang braso ko mula sa kanya bago magsalita.
"Wag mo nga akong pinagloloko."
Yung lalakeng kasama ko ngayon ay isang drag racer? Imposible, eh mukhang inosente yun eh. Tsaka sobrang ingat magdrive kanina.
"Hindi kita niloloko, totoo 'yan, kaya nga magroroadtrip tayo ngayon."
"H-Ha?" Gulat ko itong nilingon atsaka mabilis na tinapunan ng tingin ang tatlong lalakeng nauuna ng maglakad sa amin papunta sa kani-kanilang sasakyan.
"Hoy Cesca, anong klaseng roadtrip ba 'tong gagawin natin? Alam ba 'to ni Presci?" Madiin kong wika sa kanya atsaka nilingon ang isa kong kaibigan na nasa kabilang gilid ni Cesca.
Nang marinig ni Presci ang pangalan niya ay kaagad itong napatingin sa akin.
"Tinawag mo 'ko, Xeya?"
"Oo, may alam ka ba sa susunod nating gawin?" Kunot-noo kong tanong sa kanya.
Nang ngumiti ito sa aking atsaka mukhang sabik na sabik na napahawak sa kabilang braso ni Cesca ay don ko na nakuha ang sagot na kailangan ko.
"Sasali sila Rafael sa isang drag racing ngayon at kasama tayo. Nakakaexcite hindi ba?" Napakurap ako sa sinabi nito.
Halos humiwalay na nga yung kaluluwa ko sa huling drag racing na pinuntahan ko sa sobrang kaba na baka mahuli kami ng mga awtoridad pero heto at gagawin ulit namin 'yon.
Plus, the fact that these 3 guys are joining the main event makes me more nervous.
"Nuh-uh, uuwi na lang ak--"
"Wala ng atrasan 'to, Cesca. Isipin mo na lang na once in a lifetime experience 'to." Pagpipigil sa'kin ni Cesca nang magbabalak akong umalis.
"Oo nga, Xeya, ngayon lang 'to promise!" Napatingin ako kay Presci at hindi makapaniwalang mapatitig dito.
Since when did she likes racing?
"Ladies, we have to go!" Sabay kaming tatlo na napalingon kay Rafael nang tawagin niya kami.
Walang ilang segundo ay hila-hila na ako ng dalawa kong kaibigan papalapit kay Mattius atsaka ako bahagyang tinulak papalapit sa kanya.
Nanlaki ang aking mga mata nang muntikan na akong matapilok ngunit buti na lang at nahawakan kaagad ako ni Mattius.
"Mattius, ikaw na ang bahala sa kaibigan namin ha? Wag na wag mong tanggalin ang mga paningin mo sa kanya, mahillig pa naman 'yang tumakas." Nakangising wika ni Cesca habang si Presci naman ay napatawa na lang sa gilid.
Inirapan ko sila bago ko narinig na magsalita si Mattius.
"Sure." Nang marinig ko 'yon ay hindi ko maiwasang tignan ito sa aking gilid. "I won't ever take my eyes off her." Dagdag pa nito habang nakatingin sa'kin.
I was stunned a little bit before turning my gaze away from him.
If I'm just an easy girl, I might be starting to fall for him.
But I'm not.
NGAYON pa lang, parang gusto ko ng magteleport na lang nang makauwi na ako sa bahay. Kinakabahan kasi talaga ako sa mga ganitong klaseng bagay, illegal 'to noh! Ayokong magkaron ng criminal record!
"Are you nervous?" Napalingon ako kay Mattius nang magsalita ito sa aking tabi.
"Medyo."
"First time mo bang makakita ng drag racing?"
"Hindi naman." Naalala ko yung huli kong pagpunta sa isang illegal racing.
Yun mismo ang gabing nakita ko ulit si Santi matapos ang ilang taon.
"What about being involve in the race itself?" Don na ako napaharap sa kanya ng deretso nang magtanong ito tungkol sa bagay na 'yan.
Mabilis akong umiling sa kanya at ewan ko kung bakit bigla akong dinadalaw ng kaba ngayon.
"I see... well, there's always be a first time, right?" Bigla akong nanigas sa aking kinauupuan nang kaswal niya lang yung sinabi sa akin atsaka ako ningitian na tila isang anghel.
F-First time? Ibig bang sabihin nito ay--
"And for our third race!" Mabilis akong napalingon sa harap nang marinig ko na naman ang pamilyar na boses ng emcee rito. May hawak-hawak na naman itong megaphone ngayon.
My eyes widened the moment I looked at Mattius when he started the engine of his car.
Anak ng!
Nagsimula ng maghiyawan ang mga tao nang umabante ang sasakyan ni Mattius papunta sa starting line. Mabilis na hinanap ng aking mga mata ang kotse ni Rafael, nagbabakasakaling makita ko ang kaibigan kong si Cesca.
"Goodluck pare." Bigla akong napatingin sa direksyon ni Mattius nang marinig ko ang boses ni Rafael mula sa pinto ng kotse niya.
Nang tapunan ng tingin ni Rafael, ningitian niya ako atsaka tinanguan.
"Goodluck din, Xeya! Wag kang mag-alala, hindi ka ipapahamak ni Mattius sa daan," wika niya atsaka mahinang napatawa.
Lintek! Ngayon pa lang gusto ko ng tumalon dito!
"Safe rides, Mattius." Dagdag pa nito bago tinapik ang pinto ng kotse ni Mattius.
"Thanks, Rafa."
Mabilis kong hinawakan sa braso si Mattius dahilan upang tignan niya kaagad ako.
"K-Kailangan ba ako rito? B-Baka makakadistorbo lang ako sa race mo." Nauutal kong sambit habang palihim na nananalangin na sana ay palabasin niya ako rito sa mismong sasakyan niya.
"You're not a nuisance." Komento nito bago niya inilapit ang kanyang mukha sa akin. Dahan-dahan akong napaatras hanggang sa tuluyan na akong napasandal sa aking kinauupuan habang nakatitig sa mukha nito.
Mattius smiled at me before holding my seatbelt attached across my body.
"Just sit back and relax, Xeya. I promise you'll enjoy this." Malumanay nitong wika bago muling hinawakan ang manibela ng kanyang sasakyan.
"S-Siguradohin mo lang na makakauwi pa ako!"
"Of course." Natatawa nitong wika.
Napatingin kami sa gilid nang may isang kulay itim na sasakyan ang biglang dumikit sa kotse ni Mattius. Heavily tinted ito kaya hindi namin makikita ang nagdadrive sa loob.
Hindi ko naman maiwasang mapahawak ng mahigpit sa aking kinauupuan nang makita ko ulit ang pamilyar na kulay itim na sasakyan.
Umingay lalo ang tambutso ng kanyang sasakyan sa isang idlap at parang nag-iinit na ang makina ng kanyang sasakyan. Tila atat na atat na itong magsimula sa isang idlap lang.
The crowds began to run wild as they started to cheer both contenders.
Nang mapatingin ako sa mukha ni Mattius, seryosong-seryoso na itong nakatingin sa harapan habang mahigpit ang pagkakahawak sa manibela ng kanyang kotse.
My gaze immediately turned to the black car's heavy tinted windows before pressing my back against the seat.
Madiin akong napapikit habang naka-iwas ng tingin.
Why do I felt something strange when I looked at his car's window?
Bakit pakiramdam ko ay may dalawang pares ng mga matang nakatingin sa akin mula mismo sa loob ng sasakyan na 'yon? Dahil hanggang ngayon, kahit na hindi na ako nakatingin, ramdam na ramdam ko parin na tila may nagmamasid sa akin.
Hindi ako pwedeng magkamali, ang katunggali ni Mattius ngayon ay walang iba kundi si Santi.
Mattius, kahit hindi pa nagsisimula ang karera, alam ko na ang resulta nito.
SANTI GRAIER'S POV
I got in the place later than I expected. Hindi ko inaasahan na matatagalan pa ng kaunti sina Ashton at Keiran kanina, hindi ko naman sila pwedeng iwan dahil nakakabastos 'yon para sa'kin.
So, here I am, being the 3rd contender of this race.
But I have no f*cking idea that Xeya will be here as well.
Seryoso akong naglihis ng tingin mula sa katabi kong kotse nang hindi ko na makita si Xeya. I bet she's pressing her body against that seat as if hiding herself will help her ease the situation.
Naalala ko ang sinabi niya kanina sa text na magiging busy raw ito ngayong araw.
I snorted.
Busy, huh? Busy playing the role of a passenger princess in other man's car.
"Hey, what's wrong? Bakit salubong na yang kilay mo, Santi?" Rinig kong wika ng isang babae sa aking tabi.
"Hmm, are you firing up?" Dagdag pa nito nang paingayin ko pa ang tambutso ng aking sasakyan. "You better be, Santi, malaki-laking kantidad ang nakataya rito para sa magiging panalo mo."
She rubbed my shoulders using her other hand before leaning against me.
"Hindi mo naman siguro bibiguin si Ace, hindi ba?" She whispered, making her warm breath touches my skin.
"I never lose." Tugon ko bago inapakan ang accelerator ng sasakyan.
The race already started when the woman put down the handkerchief. Napahawak sa upuan ang babaeng kasama ko nang mas pabilisin ko pa ang pagpapatakbo ng sasakyan.
My opponent is not that bad in driving a car. Mabilis din ito magpatakbo. May mga pagkakataon na nauuna ito sa akin ngunit hindi rin 'yon nagtatagal.
Kung pakiramdam ko ay masyado na niyang binibilisan, I tend to slower down a little bit for a few seconds.
"Ano ba ang ginagawa mo, Santi?! Hindi ka pwedeng matalo rito."
"Will you shut up?"
"Stop playing in the middle of the race. Kung manalo 'yan kalaban mo, magagalit si Ace sa ating dalawa."
I rolled my eyes before hitting the accelerator. Nang makita kong papalapit na kami sa finish line, hindi ko na ito hinayaan pang makaabot sa akin.
The reason why I sometimes slower down, is because of Xeya.
Drag racings are prone to accidents. Hindi ko kilala ang lalakeng kasama niya kaya hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip nito ngayon.
He could be so desperate in winning this race that could lead her to danger.
One wrong slightly turn in the wheel will cause accident.
"AND WE HAVE A WINNER!" Umalingawngaw ang hiyawan ng mga tao at rinig na rinig ko ito nang buksan ng babaeng kasama ko ang pinto ng aking sasakyan.
Sumunod na rin ako sa kanya atsaka deretsong naglakad sa kulay dilaw na sasakyan na kakaparada lang sa tabi.
"Santi, where are you going?" Rinig kong tawag sa'kin ng kasama ko.
Hindi ko ito nilingon at patuloy parin sa paglalakad patungo sa dilaw na kotse. The driver gets out from the car and looked at me.
Nang makita niya akong papalapit sa kanya ay kaagad itong naglakad papalapit sa akin.
He's a tall man but I'm taller. He also got a good image and physique.
No wonder Xeya come with him.
"That was a great race. Congrats."
I wasn't expecting that warm congratulatory statement.
"Thanks." Tugon ko bago ito nilagpasan.
I went straight to the passenger's seat and immediately swung the door open. Nang makita ko si Xeya na mahigpit na napahawak sa seatbelt niya, kaagad akong yumuko atsaka 'yon mabilis na tinanggal.
"A-Anong ginagawa mo?"
"You shouldn't be here." Seryoso kong wika sa kanya atsaka ito tinignan ng deretso sa mata.
I was stunned for a split moment when I realized how close I am to her.
"I don't need assistance." Xeya pushed me away and got out from the car before shutting the door.
Bigla itong naglakad papalayo na ikinakunot ng aking noo.
"Mattius, halika na. Hanapin na natin sina Cesca." Bago pa ito tuluyang makalayo, mabilis kong hinawakan ang kanyang kamay dahilan upang mapahinto ito.
"You're not going anywhere. I'm taking you home."
"Ayoko, dito lang ako."
"Xeya--"
"Santi!" Mabilis na tumabi sa akin ang babaeng kasama ko atsaka kami pabalik-balik na tinignan ni Xeya.
"Who is she?" Tanong niya sa'kin.
"She's my cousin." Napatingin ito kay Xeya atsaka ito tinitigan sa mukha bago ako nilingon.
"So, she's doing illegal too, huh?"
"She's not." Mabilis kong tugon atsaka tuluyang inilayo si Xeya mula sa kanila. Nagpupumiglas ito dahil ayaw niya pang umuwi hanggang sa hawakan nong lalake ang isa kong braso.
"Don't force her to come with y--"
"Hey." Tawag ko nito sabay turo sa kanyang mukha. "You stay out of this. This is a family matter." Umatras ito nang makita niyang salubong na ang kilay ko.
"Santi! Hindi ka pwedeng umalis! Kailangan mo pang kitain si Ace!"
"Baby, I don't care. Tell him I have something else to do." Wika ko sa kanya bago ito iniwan sa kanyang pwesto.
"Xeya, halika na." Paghila ko sa kanya nang mapansin kong natigilan ito sa kanyang pwesto.
Ngunit nang makita kong balisa parin ito, mas lalong kumunot ang aking noo.
"Xeya." The moment I called her name again, she blinked several times before looking at me.
Kaagad niya akong binigyan ng isang masamang tingin bago ako nilagpasan atsaka nagmarcha papalapit sa aking kotse.
I was left dumbfounded when she shut my car door so hard causing me to blink.
What the hell? What's with the sudden attitude?