VII: Santi is Drunk

2208 Words
XEYA CLEMENTINE'S POV "Baby, I don't care." Madiin kong ipinikit ang aking mga mata bago inilabas ang hangin mula sa aking ilong habang salubong ang dalawang kilay na nakatingin sa labas ng bintana. "Hanggang kailan ka ba titigil sa pagmamaktol?" Mas lalong pumintig ang ugat sa aking sentido nang magsalita ulit ito. "Can't you just drive silently?" Mataray kong wika habang hindi ito nililingon. "Did you just told me to shut up?" Hindi na ako muling nagsalita pa. Pwera na lang nang lumiko siya sa kabila imbes na kakanan ito. Kaagad akong napaderetso ng upo atsaka ito kunot-noong tinignan. Ito ang unang beses na nilingon ko ito mula nong umalis kami sa lugar na 'yon. "Hindi ito ang daan papunta sa bahay ko." "Who told you I'm bringing you home?" Kaagad akong napahawak ng mahigpit sa aking kinauupuan at hindi maiwasang matigilan nang maalala ko na naman ang babae kanina. She sits on this seat earlier. She was with him during the race. She was sitting comfortably in this seat as he won the race. Hindi ko maiwasang mainis atsaka muling napatingin sa bintana hanggang sa tuluyan na kaming napahinto sa isang condominium building. Lumabas si Santi atsaka binigay sa isang valet attendant ang susi ng kanyang sasakyan bago dumiretso sa mismong lobby. Kailan pa 'to naging bastos? "Putang*na." Bulong ko sa aking sarili nang hindi man lang niya ako nilingon dito sa loob ng kanyang sasakyan. Inis kong binuksan ang pinto ng kotse atsaka nakakuyom ang kamaong nagmarcha papasok sa condominium building. Gulat pang napatingin sa akin ang valet attendant, halatang hindi inaasahang may tao pang lalabas mula sa magarang sasakyan na pagmamay-ari ni Santi. Bakit niya ba ako dinala rito? Bakit hindi na lang niya ako hinatid sa mismong bahay ko? Mas lalo akong nainis. Sumunod ako sa kanya sa loob ng elevator atsaka dumikit sa kabilang parte ng pader habang siya naman ay nasa kabilang gilid. Nagmumukha kaming estranghero na hindi kilala ang isa't-isa, where in fact, this rude man is clearly my cousin. Second-degree and not blood related cousin to be exact. "Bakit mo 'ko dito dinala? May kailangan ka pa ba sa'kin?" Tanong ko habang sinusundan itong maglakad papunta sa unit nito. "Hello, Santi? Bingi ka ba? Kinakausap kita." Dagdag ko nang hindi niya ako kiboin. Binuksan nito ang pinto ng kanyang unit bago ako hinarap. "Get inside." Plain at maawtoridad nitong wika sa akin. Inirapan ko ito bago pumasok sa loob. The whole place lightens up and I immediately took a seat on his sofa, as if I've been here for the last several years-- feeling at home. Where in fact, it's just my second time around here. But whatever, I know Santi doesn't really mind it all. That's how he is. "Oh ano na ngayon? Anong gagawin ko dito? Dito mo ba ako papalipasin ng gabi? Do you finally care about me after treating me so rudely?" "Treating you so rudely? Since when?" Kunot-noo nitong tanong sa akin habang tinatanggal ang suot nitong itim na leather jacket bago ito inilapag sa sandalan ng kanyang upuan. "Since you came back." Malinaw pa sa akin ang unang pagkikita namin matapos ang ilang mga taon mula nong umalis ito sa Pinas. Malinaw na malinaw pa sa'kin na ni isang beses ay hindi niya ako magawang ngitian matapos ang ilang mga taon. He will stare at me like I am a f*cking blank canvass. Plain and absolutely nothing special to look at. "I'm just trying to protect you." I scoffed. Protect? Nagpapatawa ba siya? "I don't need protection." Prangka kong wika habang nakatingin parin sa kanya na ngayon ay nanatiling nakatayo sa aking harapan. His condo was empty before we walked in. I presume his friends were no longer staying for the night. "Since when do you learn to reject my kindness?" Seryoso ngunit kalmado nitong wika. His accent became much more visible for staying in Belgium for more than 5 years. His masculine voice became much more manly and deep. Everything about him tend to improve... a lot. "Since you left." Biglang tumahimik ang buong lugar matapos ko yun sabihin sa kanya. Santi stare at me for a full solid minute. It was the longest stare he ever gave to me. Nagpapasalamat ako sa naging desisyon kong umupo dito dahil kung hindi, baka mapansin niya pa ang kaunting panginginig ng aking mga tuhod habang pilit na nilalabanan pabalik ang kanyang mga titig. His eyes never failed to put me in a fidgeting state when he stares. "Makinig ka." Panimula nito bago nagtungo sa kanyang kusina kung saan tanaw-tanaw ko parin ito. "Ayokong makita ulit kita sa mga ganong klaseng lugar, naiintindihan mo ba ako?" "Why not? It was fun." "Drag racing isn't fun for someone like you, stop lying." "I'm not lying. I'm enjoying it, Santi, but you ruined it." Nakita kong natigilan ito pagbukas ng isang canned beer sa bago iniangat ang isang sulok ng kanyang labi. "My bad for interrupting your little date with that man then." Sarkastiko nitong wika bago ininom ang kanyang beer. Seryoso niya akong tinignan matapos niyang inilapag ang alak sa ibabaw ng kanyang kitchen countertop. He pressed both of his palm against the cold marble top while eyeing on me. "That was illegal. You don't want your father to fetch you in a jail one day, won't you?" Nanlaki ang aking mga mata nang sabihin niya 'yon. Just imaging that scene brings me horror. My father is the last person I wanted to get disappointed. Dahil sa oras na mangyari 'yon, may kapangyarihan itong gawin kung ano ang gusto niya. He's that powerful. "Alam ba 'to nina Tita Sasha at Uncle Denver?" Panimula ko habang nakatingin din sa kanya. I saw how he blinked. "I guess not." Panghahamon ko sa kanya. "You and I... we're just the same." A perfectly young man and woman who was expected to bring fortune and great reputation to their family was now secretly doing rebellious things. Pinagkrus niya ang kanyang braso sa kanyang dibdib bago ito muling naglakad papalapit sa akin. Santi take a seat in front of me before crossing his long legs. "It's none of your business, Xeya. And stay out of this... please..." Hindi ko maiwasang matigilan ng bahagyan nang sabihin niya 'yon. Muli kong naalala ang babae kanina lalo ang mga salitang sinabi ito. She mentioned about a man named 'Ace' and all about the race. Hindi ko kailanman alam na may kaibigan si Santi na nagngangalang 'Ace'. Besides, Santi is a professional Formula 1 racer, what's with the sudden involvement in the drag race? Alam ba 'to ng mga kaibigan niya? What about her brother, Ashton, who he always shared his secrets with? May kinalaman man lang ba sila tungkol dito? "Base sa mukha mo, halatang marami kang gustong itanong sa akin, Xeya." Napakurap ako nang magsalita ulit ito. "But save them for next time, I need to rest now." Dagdag pa nito bago tumayo atsaka naglakad papunta sa isang kwarto. Hindi ko maiwasang mapatigagal sa aking kinauupuan nang bigla niya lang akong iwan dito sa sala ng mag-isa. Tignan mo nga, napakabastos na talaga ng lalakeng 'to. Ngunit nakita kong muli itong bumalik dahilan upang deretso akong mapatayo. Finally, baka narealize na nito na kailangan niya akong ihatid. Santi finally came back his senses to drive me ho-- "Don't forget to lock the door when you leave. Thanks." Napanganga ako nang bigla itong tumalikod atsaka ako tuluyang iniwan. Umusbong kaagad ang init sa aking buong mukha habang nakakuyom ang aking dalawang kamao. Ramdam kong umuusok na ang aking ilong at tainga dahil sa matinding inis. Sa oras na narinig ko ang pagsara ng pinto, kinuha ko ang dalawang throw pillow niya sa sofa atsaka ito itinapon sa sahig. "Bangungutin ka sana." Madiin kong wika bago nagmarcha papalabas ng kanyang condo. Kunot na kunot ang aking noo habang tinatahak ko ang daan papalabas ng mismong building na 'to. Kinuha ko ang aking cellphone mula sa suot kong shoulder bag at ngayon ko lang napansin ang ilang missed call mula sa dalawa kong kaibigan. Ilang unread text messages din. From Cesca: Nasan ka? Sabi ni Mattius umuwi ka raw kasama ang pinsan mo. Sinong pinsan? From Presci: Xeya, okay ka lang ba? Bakit ka umalis? From Cesca: Sagutin mo ang tawag ko, Xeya. From Presci: Nag-aalala kami ni Cesca sa'yo, totoo bang pinsan mo ang kumuha sa'yo? From Cesca: Why are u not answering my calls? Napabuga na lang ako ng hangin bago mabilis silang nireplyan atsaka sinabi ayos lang ako. Hindi ko sinabi sa kanila na si Santi ang kumuha sa akin. I just told them that I was already home, even if I wasn't. Habang nakatayo dito sa labas ng condominium, naiinip na ako nang wala man lang akong nakitang taxi na dumaan. Wala rin akong internet data para makapagbook na lang ako ng taxi. Nakakainis! Habang nakatingin ako sa inbox ko, kaagad akong napatitig sa isang unregistered number bago ito pinindut. It was Santi's number. At hanggang ngayon ay hindi ko ito sinave sa contacts. Nabasa ko ang isang text mula sa kanya na may bagay daw akong naiwan sa condo niya. Kaagad akong napatingin sa loob ng condominium lobby atsaka nagpasyang pumasok ulit sa loob. I find my way back to his place after waiting for approximately more than 15 minutes outside the building. Habang papalapit ako sa unit niya, napagtanto kong sakto lang ang desisyon kong hindi iniwang nakalock ang unit niya dahil sa inis ko kanina. May rason pala para gawin ko 'yon. I can freely open his place without knocking on his door. "Santi!" Pagtawag ko bago sinara ang pinto ng kanyang condo. "Bumalik ako dahil kailangan ko ng kunin ang--" Napahinto ako sa aking kinatatayuan nang mapatingin ako sa dalawang canned beer na basta-basta na lang nakabuyangyang sa ibabaw ng countertop nito. Nasa sahig parin ang dalawang unan na tinapon ko kanina ngunit may isang tequila bottle ng nangangalahati sa ibabaw ng center table nito. Kinuha ko 'yon atsaka tinignan ang inuming halatang mas mahal pa sa sapatos na suot ko. Nanlaki ang aking mga mata nang makita ko ang alcohol content nito. Ang taas. Mukhang dalawang lagok ko lang nito, iikot na siguro ang piningin ko. "Was he drinking till he got drunk?" Bulong ko sa aking sarili bago nilingon ang isang kwarto medyo nakaawang ang pinto. "Santi?" Pagtawag ko sa kanya ngunit wala akong narinig na boses. Napatingin ulit ako sa sahig nang may isang canned beer na naman ang nasa sahig. Seriously, how many alcohols did he drank in just a span of 15 minutes? "Santi, I presume you're not yet asleep, right?" Wika ko bago dahan-dahan na itinulak ang pinto. Napahinto ako sa aking kinatatayuan nang makita ko ang isang lalakeng nakaupo sa ibabaw ng kama at nakatalikod sa akin. The room was dark, but not dark enough for me not to notice his great physique in that position. Nakaharap ito sa kanyang bintana kung saan ang liwanag na nagmumula sa buwan ang nagsisilbing ilaw dito. "S-Santi?" Pagtawag ko sa kanya bago tuluyang pumasok sa loob ng kanyang kwarto. I flinched when he slowly gets up and completely turned his body around me. Napakurap ako nang makita ko ang mukha nitong deretsong nakatingin sa akin. His mouth was a bit open, and I can clearly see his flushed cheeks against the moonlit. But what caught me the most was his eyes. I never saw Santi looked at me like this. Not even once. Bakit parang pakiramdam ko ibang Santi ang kaharap ko ngayon? Bakit hindi ko maiwasang kabahan habang nakatayo dito sa kanyang harapan? "B-Bumalik ako kasi naalala ko ang tinext mo sa'kin." Hindi ko maiwasang mautal lalo na't unti-unti na itong naglalakad papunta sa akin. Hindi ko alam kung bakit umaatras ako ngayon. "Balak kong kunin na lang ngayon para hindi na ako bumalik pa--" Nahigit ko ang aking hininga nang bigla niyang inilapit ang kanyang mukha sa akin. I gasped when he almost kissed me. W-What the f*ck was that? Does he finally got the guts to kiss me first? "Santi--" Bigla niyang sinara ang pinto sa aking gilid habang nakadikit na aking likuran sa pader. Santi suddenly cornered me using both of his arms which made me gulp. Nang tignan ko ito sa mata, taimtim itong nakatitig sa akin. I suddenly flinched a little when he took some strands of my hair and sniffed it. Napakurap ako dahil hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa kanya ngayon. "You... smell good." He whispered using his raspy voice as I inhaled the alcohol in his breathe. "Santi, are you drunk?" I never saw him drunk before. Never. His cheeks are redder than the usual and his eyes are half open. "Clementine..." He whispered as he called out the name he used to call me under his breath. Biglang uminit ang aking magkabilang pisngi nang hawakan niya ang kabilang parte ng aking mukha. "Can you... can you help me?" Napalunok ako sa sunod niyang sinabi. A-Ano ang ibig niyang sabihin? "Help me release this heat, please?" Natigilan ako sa aking kinatatayuan at huli na nang mapagtanto ko ang sumunod na nangyari nang isang malambot na bagay ang bigla na lang dumapo sa aking labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD