V: Illegal Affairs

1700 Words
SANTI GRAIER'S POV "Sakit ng ulo ko." Rinig kong reklamo ni French habang hinihimas-himas nito ang kanyang sentido. Binaba ko ang aking isang tasang kape bago binuklat sa ibang pahina ang diyaryong hawak-hawak ko. These men are now eating their breakfast with me. Sa kanilang dalawa, si French ang huling nagising kaya heto at patapos na kami ni Luthor habang siya naman ay kakasimula pa lang. "You really are living in the old times." Rinig kong komento ni Luthor sa aking tabi habang nakatingin sa'kin na nagbabasa ng diyaryo. Hindi ko na lang ito kinibo atsaka pinagpatuloy ang pagbabasa. "Paano pala tayo nakauwi kagabi? Wala na akong matandaan." Sabi ni French habang hinihipan ang mainit niyang kape. "Obviously, Santi drove us home." Si Luthor na ang sumagot sa kanya. "Hindi ka ba nalasing kagabi?" Tanong sa akin ni French habang nakatingin na sa aking direksyon. "Hindi." Tipid kong sagot bago muling binuklat ang kasunod na pahina. "Ah, oo nga pala. Hindi ka maglalasing kung may mga babae sa paligid." Nakangising wika ni French bago ininom ang kanyang inumin. He's right. I don't let myself get drunk with the presence of women around me. Mula nong una akong nalasing sa Belgium kung saan ako nag-aaral ng kolehiyo, hindi ko na hinahayaan ang sarili kong malasing. Pwera na lang siguro kung nasa isang lugar ako na puro mga lalake lang ang kasama. I don't know but my body seems to act weird if I'm drunk. Sa tuwing may makakausap o makakahalubilo akong babae kapag lasing, hindi ko makontrol ang sarili ko. So as much as possible, I'm avoiding that scenario to happen again. I don't do one-night stands or hook ups. It's not my thing to begin with. Pero sa isang pagkakamaling hindi ko inaasahan nong mga oras na 'yon, nakagawa ako ng isang bagay na hindi ko naman talaga gusto. "Ngiti-ngiti mo diyan, Luthor?" Napatingin kaagad ako sa isa kong kaibigan nang banggitin ni French ang pangalan niya. "Huh? N-Nothing." Mabilis niyang nilapag ang kanyang cellphone sa ibabaw ng aking lamesa. But then French reflexes never failed him and immediately took Luthor's phone away from him. Sinubukan pang bawiin ni Luthor ang kanyang cellphone mula kay French ngunit nabigo ito. "Ano ba kasi ang tinitignan mo rit--" Natigilan sa pagsasalita si French nang makita niya ang kung ano man ang nasa screen ni Luthor. "Give it back to me, French." Mabilis na binawi ni Luthor ang kanyang phone nang makita niyang natigilan si French sa kanyang kinatatayuan. I saw the disbelief in French's eye when he looked at Luthor which made me intrigue. What's in Luthor's phone to make French stun like that? "Did you just took a photo of her while she's eating?" Nakangisi ngunit kunot ang noong wika ni French bago kinuha ang kanyang kape. "She looks good, okay? There's nothing wrong with that." Pagdedepensa ni Luthor sa kanyang sarili. "Simp." Hirit ni French. "I'm not." "Simp." "Hey, I'm not!" "Sim--" "What is it all about?" Pagputol ko sa asaran nilang dalawa. Sabay na napatingin sa aking direksyon ang dalawa matapos ko 'yun sabihin. Tumayo ako atsaka nilapitan si Luthor bago mabilis na kinuha ang phone niya mula sa kanyang kamay. He never expected it to happen, so he put his guard down. "It's nothing, Santi." Pero huli na nang makita ko kung sino ang nasa screen ng phone niya. It was Xeya. "So... this is nothing?" Wika ko habang nakatingin sa litrato ni Xeya na kinunan ni Luthor ng palihim. Kumakain ito base sa litrato ngunit nang magswipe pa ako, nakita kong nakangiti na ito sa kung sino man ang kausap niya sa party kagabi. Luthor took approximately 5 series of pictures of her. "Nothing"... really? Kaagad na binawi ni Luthor ang phone niya atsaka ito mabilis na binulsa. "Fine, I'll admit it. But she's pretty, okay? And I kinda like her." Naningkit ang mga mata ko nang marinig ko yun mula sa kanya? "Pare, hindi porque't pinabilib ka lang ng isang beses ay gusto mo na." Naiiling na wika ni French sa tabi habang nakangisi. Kagabi lang ikinuwento sa amin ni Luthor ang naganap nong mismong gabi na 'yon. Alam ko na nuon na si Xeya ang babaeng humalik sa kanya pero hindi ko ito sinabi sa kanya. Kagabi lang din niya nalaman na pinsan ko si Xeya dahil ito mismo ang nagsabi sa kanya. "She's different." "Ows?" "I'm serious, French." "Bago 'to ah. Kailan ka ulit huling nagseryoso?" Napatingala si French sa kisame na tila nag-iisip bago tinignan si Luthor atsaka muling nagsalita. "Ah! Hindi ko na matandaan kasi hindi pa naman nangyari." Dagdag nito bago muling ngumisi. Luthor rolled his eyes before taking his breakfast. Bumalik na rin ako sa akin pwesto para basahin ang diyaryo ko. "Santi, ayos lang ba sa'yo?" I looked at Luthor using my eyes when he said something. "Ang alin?" "Na magustuhan ko ang pinsan mo." Sinara ko ang diyaryo atsaka ito nilingon. Nang makita kong seryoso ang mukha niya, napabuga na lang ako bago muling magsalita. "Yeah, whatever." Tipid kong wika bago muling bumalik sa pagbabasa. "Thanks, man! Wala ng bawian 'yan ha?" Hirit nito na hindi ko na inabala pang tugunan. NIGHTTIME has come and I'm standing right outside a 24/7 convenience store while drinking a soda in a can. Napatingin ako sa lalakeng kakababa lang sa isang motorsiklong nakaparada sa mismong tapat ko. When he removed his helmet, he immediately flashed me his warm smile. "Santi!" Pagbati niya sa akin na ikinangiti ko. "Keiran." Pagtawag ko sa pangalan niya bago niya ako niyakap. "Kamusta ka na? Ngayon lang tayo ulit nagkita mula nong graduation natin sa high school ah! Balita ko nakuha mo yung championship sa Belgium, congrats pre!" Napangiti ako sa kanyang sinabi bago kami pumasok sa loob para puntahan si Ashton, ang kapatid ko at kaibigan ni Keiran. "Ash, Keiran's here." Pagtawag ko sa isang lalakeng nasa cashier at nagbabayad na. "Keiran!" Masaya nitong wika atsaka niyakap ang kaibigan namin. Nag-usap sila kaagad at nagkamustahan bago kami sabay na lumabas ng convenience store. Ashton and Keiran met several times before since I was the only one who lived abroad for my education and dream. Umuwi lang ako ngayon dahil tapos ko ng masungkit ang pangarap ko at tapos na rin ako sa pag-aaral. I just finished my 4-year college course last month. Right after my graduation, umuwi na kaagad ako rito. Mas mabuti nga 'to para makadalo rin ako sa graduation nina Ashton next month. "Ano na ang plano mo after graduation, Keiran?" Tanong ni Ashton sa kaibigan namin habang pareho silang nakaupo sa hood ng kotse ko habang ako naman ay nakasandal sa pader dito mismo sa tapat nilang dalawa. "Susunod ako kay Leah sa Canada, nangako kasi ako sa kanya na pupuntahan ko siya pagkatapos ng graduation natin dito." Right, Keiran and Leah are now in a relationship. I heard Leah's family migrated in Canada 2 years ago, kaya mula non ay doon na rin ito ipinagpatuloy ang kanyang pag-aaral bilang isang medical student. "I'm glad Leah and you worked out, Keiran." Komento ko dahilan upang mapangiti ito sa akin atsaka nagpasalamat. "Nga pala, kamusta na si Xeya? Huli ko siyang nakita last year pa eh." Tanong ni Keiran sa aming dalawa. "Xeya's doing great. She's balancing her career and education." Si Ashton na mismo ang sumagot sa kanya dahil sa aming dalawa, siya ang mas nakakaalam tungkol sa buhay nito. The moment I left the Philippines for my dreams, I barely heard about Xeya since then. "What do you mean career?" "Nagmomodelo siya." Si Ashton ulit ang sumagot kay Keiran. "Ah kaya pala nakita ko ang mukha niya sa isang billboard nong nakaraan. That's good, I'm happy for her." Sinserong wika ni Keiran bago ininom ang beer na hawak-hawak nito. "Dapat lang, crush mo pinsan ko noon eh." Pabirong wika ni Ashton na ikinatawa ni Keiran. "Geez, I can't help it. Total package kaya si Xeya, tsaka hindi lang naman ako ang nagkakagusto sa kanya noon. I'm competing with several men in our campus." Naiiling na wika ni Keiran bago ako tinignan. "Ikaw Santi, may lovelife ka na ba? Bakit sobrang tahimik mo diyan?" Binasa ko ang aking ibabang labi bago inubos ang soda can na hawak-hawak ko. "No, I have no time for that." "Hanggang ngayon? Eh graduate ka na kaya, impsoibleng wala ka paring oras diyan." Nakangising wika ni Keiran na ikinasang-ayon kaagad ng kapatid ko. Ashton stood up and went to my side. Inakbayan niya ako bigla habang nakatingin kay Keiran atsaka ako tinuro. "Torpe kasi 'to." Sabay silang napatawa na ikinairap ko. I removed Ashton's arm around my shoulders and put it away. "Hindi ako torpe, wala lang talaga akong nagugustohang babae ngayon." Pagsasabi ko ng totoo. Nakita kong nagkatinginan ang dalawa bago napakibit-balikat. "Okay, sabi mo eh." Rinig kong komento ni Keiran bago binuksan ang pangalawang lata ng alak. Biglang nagvibrate ang cellphone ko kaya kaagad ko itong kinuha mula sa aking bulsa para tignan kung sino ang tumatawag sa'kin. When I saw her name on my screen, I immediately excused myself before answering her call. "Baby, you called." [Hi Santi! Where are you? Free ka ba ngayon?] Her signature lively voice filled my ears in an instant. "I'm with my friends, why? Do you need something?" [Hmm, wala naman. Pero kung wala ka ng gagawin pagkatapos mo diyan, pwede mo akong puntahan dito.] Napaderetso ako ng tayo nang sabihin niya 'yon. "Another race?" [Yup! Kung G ka lang naman, but if you're busy, then there's always be a next time.] Sinulyapan ko ang dalawa kong kaibigan sa aking likuran bago ko itinuon ulit ang aking buong atensyon sa babaeng kausap ko ngayon sa kabilang linya. "No. Count me in, I'm on way." [Really?! Okay, see you later alligator!] Kaagad ko ng binaba ang tawag bago bumalik sa aking pwesto kanina. I told Ashton ang Keiran that I have some urgent business to do. Hindi na rin sila magtatagal pa dahil may pupuntahan pa si Keiran, so here I am driving my car again towards the location she texted me earlier. I need something to release my stress out and racing will always be a great idea. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD