XEYA CLEMENTINE'S POV
Tapos na ang party kaya heto at isa-isa ng umaalis ang mga bisita.
"Tway, did you bring your car?" Tanong ko sa kapatid ko.
"Oo."
"Okay, sa'yo na lang ako sasakay."
"Middy and I are going to a club, sasama ka?"
Pupunta pa sila ng club? Mabilis kong nilingon ang mga magulang namin na ngayon ay kausap pa ang mga tiyahin at tiyuhin namin sa gilid.
Tiyak na magtatagal pa sila rito.
"Can you just drop me off in our house?" Sumasakit na rin kasi ang paa ko sa suot ko ngayon. Dapat talaga kasi nag flat shoes na lang ako.
"Out of the way na ang bahay natin. Just ask Kuya Santi to drive you back home." Mabilis akong umiling nang sabihin niya 'yon.
"No, it's fine. Magtataxi na lang ako." Tsaka alam kong hanggang ngayon wala parin ito sa mood na kausapin ako dahil kanina lang, palaging salubong ang dalawang kilay niya.
Umalis na kambal atsaka kasama si Ashton, isa ko pang pinsan. Dahil nga ilang taon rin hindi umuwi si Santi, mas naging malapit na ang tatlo.
"Xey--a" Nanlaki ang aking mga mata nang makita ko si Luthor na halos hindi na makatayo ng tuwid habang ang kaibigan naman niyang si French at tatawa-tawa sa kanyang tabi.
Ilang alak ba ang nainom nila?!
Mabilis ko siyang nilapitan atsaka tinulungan makatayo ng maayos bago siya hinila sa gilid. Baka makita pa ako ni Dad, aalburuto na naman 'yon na parang bulkan.
"French, ilang bote ba ang nainom ninyo?" Kaswal kong tanong sa kanya. Itinaas niya ang kanyang kamay atsaka ito tinitigan ng ilang segundo bago ipinakita sa akin ang dalawang daliri na nakataas.
Napairap ako dahil imposibleng dalawang bote lang ang nainom nila.
"Dalawa... Dalawang case-- HAHAHA!"
Mabilis kong tinakpak ang bibig at ilong niya nang humagalpak ito ng tawa.
Nakaakbay si Luthor sa akin habang nakayuko na ang ulo nito. Nang tignan ko ito, nakasara na ang kanyang dalawang mata.
Mukhang mas maraming nainom si Luthor kesa kay French. Hinapit ko siya sa bewang sabay tingin sa buong palagid kung saan ko s'yang pwedeng ilagay dahil unti-unti na akong nabibigatan sa kanya.
"French, can you call Santi? Tawagin mo s'ya tas papuntahin mo s'ya rito. Sabihin mong kailangan niyo ng umuwi." Seryoso kong utos sa kanya at hindi na rin maiwasang mainis.
Nakita ko kasi itong umalis kanina na may kasamang babae, at mula non ay hindi ko na siya nakita pa ulit hanggang sa matapos na ang party.
Iniwan niya ang mga kaibigan niya rito para sa isang babae, tsk!
"Luthor, kaya mo pa bang maglakad?" Tanong ko sa kanya atsaka mahinang tinapik ang kanyang pisngi.
"Luthor?"
"I can't feel my legs... just... just drag me." Ano? Hindi ko pwedeng gawin 'yan sa'yo.
"Ah! Santi! There you are." Mabilis kong nilingon si French nang sabihin niya 'yon. Kaagad kong sinundan ang kanyang tingin bago naipukol sa isang matangkad na lalakeng naglalakad papalapit sa amin.
Salubong na naman ang kilay niya lalo na't nakita niya akong nakaagak kay Luthor.
"He's drunk. He can't stand on his own." Sabi ko nang tuluyan na itong makalapit sa gawi namin. Kaagad niyang kinuha si Luthor mula sa akin ngunit umaayaw ito.
"Xeya can help me. Let her be." Natigilan ako nang sabihin 'yon ni Luthor atsaka binawi ang kanyang kamay mula kay Santi.
"Fine." Tipid nitong sagot atsaka kami tinalikuran. Sinundan namin si Santi nang sa ganon ay makauwi na rin ang dalawa niyang kaibigan.
Kami ni Luthor ang nasa backseat habang si French naman ay nasa passenger's seat. Pagkapasok ng pagkapasok namin sa loob ay tuluyan ng nakatulog ang dalawa bago nagdrive si Santi paalis ng venue.
I GROANED after putting Luthor on his bed. Lumiyad ako pagkatapos dahil ang sakit ng likod ko. Ang bigat-bigat talaga niya, ayaw niya pang magpatulong kay Santi kaya halos nasa sa'kin ang bigat niya.
Nasa isang malaking condominium unit kami ngayon na pagmamay-ari ni Santi at nasa iisang kama sina Luthor at French ngayon.
Habang nakatitig sa dalawang kaibigan ni Santi, hindi ko maiwasang makaramdam ng konting inggit sa kanilang dalawa dahil sila ang kasa-kasama ni Santi ng ilang taon.
Gusto kong malaman kung ano ang ginagawa ni Santi sa loob ng ilang taon niya sa Belgium. Aside from working so hard to become a professional Formula 1 racer, I want to know some small details about him.
Kung ano ang naging lifestyle niya roon, paborito niyang tambayan sa tuwing gusto niyang mapag-isa, paborito niyang kainan doon, anong ginagawa niya tuwing weekends, at marami pang iba.
Santi and I were best of friends, and it kinda pains me to realize how time changed it.
Parang wala kaming pinagsamahan ngayong nagkita na ulit kami matapos ang ilang taon.
"Done checking on him?" Mabilis kong nilingon si Santi nang magsalita ito sa aking likuran.
Palihim akong napalunok nang makita kong nakaputing polo na lang ito dahil tinanggal na niya ang kanyang suit kanina. Nang makita kong salubong parin ang kilay niyang hanggang ngayon, kaagad akong nagsalita.
"Look, whatever you saw that night is just nothing," sabi ko atsaka ito nilagpasan para lumabas ng kwarto.
"Oh really? I don't think so," aniya habang nakasunod sa akin.
"You're obviously flirting with him, Xeya."
"Nakainom ako non, okay? Tsaka malay ko bang kaibigan mo siya." Pagdedepensa ko sa aking sarili.
"Do you like him?" Natigilan ako sa paglalakad atsaka siya mabilis na nilingon na ngayon ay nakatayo na labas ng pinto. The door was completely shut beside him.
"What?! No."
"Kilala kita, Xeya. Hindi mo hahalikan ang isang lalake ng wala lang." I was stunned for a bit second when he said that.
Bigla kong naalala ang ginawa ko nong 16th birthday ko sa kanya.
That was my first kiss, and I gave it to him.
Hindi nagtagal ay bigla akong napailing habang nakangisi.
"A lot changed when you left." Prangka kong sabi sa kanya na ikinatigil nito. "I can be a b*tch whenever I want, Santi." At 'yan ang totoo. Ibang-iba ako ikukumpara sa Xeya'ng naiwan mo ilang taon na ang nakakalipas.
"I see." Tipid nitong sagot bago nag-iwas ng tingin.
I saw him crossed his arms against his chest before leaning his side against the wall and look at me straight in the eye.
Ilang segundo naming tinitigan ang isa't-isa bago ito muling magsalita.
"So, are you going to leave or stay in my place?" Napaderetso ako ng tayo atsaka awtomatikong napasalubong ng kilay nang makita kong nakataas ang isa nitong kilay.
Ganito siya kapag magtataray, naka-angat ang isang kilay.
Naningkit ang aking mga mata dahil ngayon lang niya ako tinaasan ng kilay. He never done this to me before.
Inirapan ko ito bago ito tinalikuran atsaka kinuha ang purse kong binaba ko kanina para mahawakan ko ng mabuti si Luthor.
Nagbago ka na nga. Wala na akong ibang nararamdaman sa'yo ngayon kundi inis!
"You saying something?" Napahinto ako nang marinig ko itong magsalita atsaka mabilis na nilingon sa aking likuran.
Did I just say it out loud?
"Wala, ang sabi ko aalis na ako kasi nakakasuka ka ng tignan." Pagtataray ko rin bago mabilis na umalis sa unit nito.
Hindi niya man lang ba ako ihahatid?! Nakakainis! Ang sarap tadyakan sa puson.
Hindi ka sana makatulog ngayong gabi, Santi! Bwiset ka!
"WHAT happened to you?" Salubong sa'kin ng aking ama pagkababa ng pagkababa ko mula sa kwarto.
Nagkakape na ito kasama si mom dito sa labas ng bakuran namin. Lumapit ako sa kanya atsaka ito hinalikan sa pisngi bago ko binati rin si mom.
"Hindi ka ba nakatulog kagabi, Xeya?" Tanong ni mom sa akin na ikinatango ko na lang.
Kung ano yung hiniling ko kagabi, sa akin naman nangyari.
Uminom ako ng gatas atsaka nagsimula ng kumain kasama nila ngayon. Nang tignan ko silang dalawa, magkahawak-kamay pa sila sa ibabaw ng mesa habang ngumingiti ng palihim.
Kumunot ang aking noo habang nakatingin sa kanilang dalawa.
"Saan nga pala kayo nagpunta kagabi, dad? Pagka-uwi ko wala pa ang sasakyan niyo sa garahe." Kaagad na napaderetso ng upo si mom sa tabi ni dad bago nag-iwas ng tingin.
Ngunit hindi nakatakas sa'kin ang pagpula ng pisngi niya na ikinaismid ko.
"Your mom and I had some business last night, so we stayed up late." Walang kahiya-hiyang wika ng ama ko.
"So, you're both having a good time?" I asked.
"Exactly--aray!"
"Xyler!" Singhal ni mom sa kanya matapos nitong paluin ng malakas ang kamay nito.
Napailing na lang ako sa kanilang dalawa bago kinuha ang isang toasted bread atsaka ito kinagat sabay kuha ng nangangalahati ko ng gatas.
"Where are you going?" Dad asked when he saw me stood up.
Tinanggal ko ang tinapay mula sa aking bibig bago nagsalita.
"Giving you some time alone." I said before winking at him.
I got you, dad. Always.
Nakita kong napangiti ang aking ama bagoa ko hinayaan na pumasok sa loob ng bahay atsaka mabilis na umakyat pabalik sa aking kwarto.
Wala rito ang kapatid kong si Xyra dahil sumama ito kina Gabriella kagabi. Siguro nasa isang hotel sila ngayon kasama ang iba pa nilang mga kaibigan at pinsan.
While my twin brothers haven't arrived yet from their clubbing last night. Siguro nakitulog na naman ang mga yun sa mga kaibigan nila.
Ako lang talaga ang responsableng anak na marunong umuwi sa bahay.
Biglang nagnotify ang cellphone ko sa ibabaw ng aking kama kaya kinuha ko 'yon. I received a text message from Cesca.
Cesca: Goodmorning bruha! Free ka ba mamayang gabi? Tara gala.
Napairap ako bago di-nial ang numero ni Cesca. Hindi pa ito nakailang ring nang sagutin niya ito.
"Gala na naman? Saan ba?"
[HAHA! Same spot lang!]
"Di ko feel ang uminom eh."
[KJ naman nito.]
"Baka nakalimutan mong galing pa akong party kagabi."
[Bakit? Nalasing ka ba?]
"Wala naman..."
[Oh yun naman pala eh!] Napailing na lang ako bago binuklat ang isa kong libro habang nakaharap na ngayon sa laptop ko.
Chineck ko ang ilang pdf documents ng mga school activities namin at sinigurong nasagutan ko ang lahat ng mga tanong bago ko ito ipasa sa susunod na araw.
[Dali na!]
"Sino ba mga kasama natin?"
[Mga kaibigan ni Rafael tas tayong tatlo ni Presci.]
Napaisip ako habang nakatingin sa laptop ko. Kung aayaw ako ngayon, gagawa at gagawa parin naman ng paraan si Cesca na makasama talaga ako.
Mukhang good mood naman si dad ngayon kaya baka payagan ako.
"Sige."
[Yey! Oh magbihis ka na mamayang 7pm ha? Kukunin ka namin ni Mattius diyan, sa kanya ka sasakay.]
Mabilis na nagsalubong ang dalawa kong kilay.
"Sino si Mattius?"
[Kaibigan si Rafael. Magroroadtrip tayo pagkatapos magbar!] Ramdam ko ang pagkasabik sa boses niya na ikinailing ko na lang.
"Ikaw Cesca, ha? Kung sino-sino na lang nirereto mo sa'kin!"
[Mabait si Mattius, promise! Nakita ko na siya isang beses, bet na bet mo yun! Matangkad, malinis, mabango, tsaka gwapo!]
"Ewan ko sa'yo." Tumawa ito sa kabilang linya. Hindi nagtagal ay binaba ko na ang tawag.
Tatayo na sana ako para lumabas ulit sa silid ko nang biglang may nagnotify na naman sa cellphone ko.
May nakalimutan na naman sigurong sabihin si Cesca sa akin kaya ito muling nagtext. Ngunit ganon na lang ang pagkasalubong ng aking kilay nang may unregistered number ang nagtext sa akin.
Unknown: You forgot something in my place last night.
Huh? Sino 'to?
Nagreply ako sa kanya ng tatlong question marks at hindi nagtagal ay may reply kaagad ito.
Unknown: It's me, Santi.
Biglang bumilog ang dalawa kong mga mata. Paano niya nakuha ang number ko? Ang pagkakaalam ko ay hindi ko ito binigay sa kanya dahil hindi naman ito nagtatanong.
Xeya: How did you get my number?
Unknown: I stole it.
Naikagat ko ang aking ibabang labi nang bigla na lang uminit ang magkabila kong pisngi. Isang tao lang ang binigyan ko ng number kagabi, at si Luthor yun.
Does it mean he stole my number from Luthor's phone?
Sinampal ko ang aking sarili ng isang beses bago napabuga ng hangin atsaka ito nireplyan.
Xeya: Busy ako mamaya. Itago mo na lang muna yan.
Patibong yan Xeya, wag kang bibigay kaagad. Tinarayan ka ng lalakeng 'yan kagabi, tarayan mo ulit siya ngayon para makaganti ka.
Hindi nagtagal ay may panibagong text akong natanggap sa kanya nang tignan ko ito, inis kong tinignan ang screen.
Unknown: K.
K?! Walangya!