Chapter 5: Sketch

1707 Words
❦ Carla’s POV ❦ Nang matapos ako sa ginagawa ko, agad din akong nagpaalam kila Mother Lisa at sa mga bata bago ako bumalik ng resthouse. Kailangan ko pang magluto para kay Sir Russell pero buti na lang at wala pa sya sa bahay dahil kung nagkataon, paniguradong susungitan nanaman ako nun. Siguro ay burger na lang ang iluluto ko para sa kaniya. Sigurado naman akong magugustuhan nya yun dahil laking ibang bansa naman sya. At sa pagkaka-alam ko kasi, ganun ang mga kinakain nila dun. Saktong pagtapos kong magluto, bumukas ang pinto. “Sir Russell, sakto po yung uwi mo, kakatapos ko lang pong magluto ng tanghalian nyo.” nakangiti kong sinabi sa kaniya kahit na mukhang susungitan nanaman nya ako. Saan kaya sya pumunta at parang pagod na pagod. Uy, pero infairness, ang gwapo niya. “Thanks, just leave it there,” sabi nya sa akin bago niya ibinaba ang mga gamit na dala niya. Sabi ko sayo, halos mapanganga talaga ako ng hindi nya ako pinagsungitan. Parang nawala yung pagod ko. Gusto ko sanang tanungin kung okay lang sya pero huwag na lang, baka biglang magbago ang simoy ng hangin. “Okay po.” masigla kong sabi bago ako tumalikod. OMG talaga, sana lagi syang ganyan, nakaka pogi points. Lumabas ako upang magpahangin. Umupo ako sa ilalim ng puno at saglit lang ay may tumabi sa akin, “Hi, Carla,” bati ni Glen, I mean kuya Glen, “Hi, Kuya Glen,” pabalik ko namang bati sa kaniya, grabe, ang pogi talaga ni Kuya Glen. Siguro kung hindi ko sya kilala at nakita ko lang sya dito sa beach, aakalain kong isa syang mayaman na negosyanteng nagbabakasyon lang dito, o kaya kaibigan sya ni sir Russell. Parehas silang gwapo, ang pagkakaiba lang nila, mayaman si sir Russell, si Kuya Glen ay isang ordinaryong trabahador lang. “Ilang beses ko bang sasabihin sayo na Glen na lang ang itawag mo sa akin? Hindi naman nagkakalayo ang edad natin.” nakangisi nyang sabi. Ako naman ay nahihiya dahil ang turo kasi sa akin ay kapag nakakatanda sa akin ang isang tao, kailangan kong galangin. “Hindi po ako masanay e.” ani ko sa kaniya, habang napapakamot ako sa ulo ko, Natawa sya habang pinagmamasdan ako, “Bahala ka, kapag tinawag mo pa akong kuya, hindi na kita papansinin.” “Uy grabe sya, ikaw nga lang ang ka-close ko dito, hindi mo pa ako papansinin. Huwag ganun Glen.” naiilang talaga akong tawagin syang Glen lang, pero alam kong masasanay din ako. “Oh diba, mas okay.” sabi nya habang hindi tinatanggal ang tingin sa akin. “Hala ka, huwag kang ganyan makatitig sa akin Glen, baka kung anong gawin ko.” pabiro kong sabi sa sarili ko at napatawa ako. “Oo nga, mas okay.” nag agree na lang ako. Wala na din naman akong magagawa. Baka totohanin pa nya yung sinasabi nyang hindi nya ako papansinin. “Nga pala, alam mo bang hindi ako sinungitan ni sir ngayon? Nakakagulat.” ani ko habang napapailing dahil hindi talaga ako makapaniwala. Habang nagkekwentuhan kami ni Glen, may biglang tumawag sa pangalan ko. Mabilis pa sa kabayo ang pagtayo ko kaya medyo natumba ako. Buti na lang at nasalo ako ni Glen. Bigla akong nahiya, deep inside kasi, may crush ako sa kaniya, hindi ko lang pinapahalata. Napaubo ako dahil naka-kapit pa rin sya sa akin. “Ayos ka lang ba?” tanong ni Glen ng makatayo ako, “Hurry! I need your help!” sigaw naman ni sir Russell kaya hindi na ako nakasagot kay Glen. Hindi na rin pala ako nakapagpasalamat. Basta na lang akong tumakbo papunta kay sir Russell. “What took you so long?” pagsusungit nanaman nya. “Ito namang si sir. Ang bilis ko nga oh.” he just scoffed at umirap naman ako pagkatalikod nya bago ako sumunod sa kaniya, “I need you to help me with these.” sabi nya habang tinuturo ang mga kagamitan gaya ng paints, at iba pang pang-sketch. Wow! Ngayon lang ako makakahawak ng ganito kamamahal na mga art supplies. Pinapangako ko talaga sa sarili ko na magkakaroon din ako ng mga ganitong gamit kapag nakaipon na ako. “Okay po.” mabilis akong kumilos at ng mabuhat ko na ang lahat, sinundan ko sya sa labas. Sa harap ng karagatan. “Dito mo na lang ilapag.” utos nya. Nang mailapag ko na ang lahat, pinanuod ko syang ayusin ang lahat bago sya pumwesto. Kumpletong-kumpleto ang gamit nya at hindi ko maalis ang mga mata ko sa mga kagamitan nya. Napapangiti ako ng hindi ko napapansin. “Now sit on the sand.” utos nya ulit habang tumuturo sa harap nya, Nung una ay naguguluhan ako kung bakit nya ako gustong umupo sa buhangin pero bigla akong nailang ng marealize ko. “Ay naku sir! Ayoko.” sabi ko sa kaniya and he didn’t take it very well, “Kung magiging parte ka ng buhay ko dito, then be useful— or leave.” Jusko naman. Ang galing. Parang alam nyang need na need ko ng pera and I can’t afford to lose this job. Wala naman akong nagawa kaya sinunod ko na lang ang inuutos niya at sumalampak sa buhangin. "Fine, sir. Pero bakit niyo po ba ako pinaupo dito?" tanong ko habang nag-aadjust sa medyo magaspang na buhangin. "I need a subject for my sketch," simpleng sagot niya. Akala mo naman madaling umupo sa buhangin habang may nagsketch sa’yo. Pero sige na nga, trabaho lang ‘to, Carla. Tahimik kaming dalawa habang nagsisimula siyang mag-sketch. Ang init ng araw, pero mas natatabunan ito ng malamig na hangin galing sa dagat. Kahit papaano ay narerelax ang katawan ko. Napatingin ako sa mukha nya. He looked serious sa ginagawa nya. This must be his passion at kung ganoon, sobra akong natutuwa dahil parehas kami ng hilig. Ang pagkakaiba lang namin, may pambili sya ng mga kailangan nyang kagamitan, ako ay wala. Habang tinititigan ko si Sir Russell na abalang-abala sa pag-sketch, hindi ko maiwasang humanga. Ang galing niya. Kitang-kita sa bawat galaw ng kamay niya na mahal niya ang ginagawa niya. Nakakatuwang isipin na may ganitong side siya, malayo sa usual na masungit na pagkakakilala ko sa kanya. Makalipas ang halos isang oras, natapos na rin siya. "Okay na, pwede ka nang tumayo," sabi niya habang tinititigan ang kanyang gawa. Tumayo na ako at nilapitan siya para tingnan ang sketch. “Wow, sir! Ang ganda! Ang galing niyo po palang mag drawing.” He smiled, “Just a childhood hobby.” Napangiti ako ng sagutin nya ako. Ang sarap sa tenga kapag nakakausap ko sya ng matino. Tumayo na sya at dinala ang kaniyang sketch sa loob ng resthouse. Napatingin naman ako sa kaniya bago ibinalik sa mga gamit ang tingin, “Well, I guess I have to pick all these up.” ani ko sa sarili ko. Nagsimula na akong kuhanin ang mga gamit at lumapit naman sa akin si Glen, “tulungan na kita.” sabi nya. Grabe naman ‘tong si Glen, masyado akong pini-princess treatment. “Naalala ko lang, diba sabi mo hilig mo rin ang gumawa ng mga arts?” tumango ako at nginitian sya. Wow! Naaalala pa rin nya kahit mag iisang taon na nung sinabi ko sa kaniya yun. “Magkakaroon ka rin ng mga magagarang gamit katulad nito. Just trust in yourself.” sabi nya at napangiti talaga ako. “Thank you.” Sabay na kaming naglakad ni Glen papasok sa resthouse, bitbit ang mga gamit ni sir Russell. Pagpasok namin, nakita ko si sir na sinasabit ang canvas sa dingding. The canvas that has my face in it. Napahinto ako sa paglalakad at napatitig sa canvas. Parang hindi ko matanggap na ako 'yun, ang ganda ng pagkakagawa. Pero habang nilalapag ko ang mga gamit, bigla akong nakaramdam ng hiya. Ngayon na sa tuwing mararaan ako sa salas, makikita ko yung mukha ko. I mean, oo, maraming painting at sketches ang nakasabit roon pero imagine seeing yourself in one. Gosh! Nakaka-overwhelm. “Una na ako,” nakangiting sinabi ni Glen bago sya umalis, “Thank you,” pahabol ko pero parang hindi na nya ata ako narinig. Ano ba yan. Hindi na ako nakapagpasalamat ng maayos ngayong araw kay Glen. Paglingon kong muli sa salas, wala na si sir Russell. Hindi ko man lang napansin yung pag-alis niya, anu ba yan. Pero okay lang dahil ngayon, mapagmamasdan ko na ang sketch na ginawa nya. Ang ganda ko naman sa sketch nya ‘to. Ganto ba nya ako nakikita? Matapos kong pagmasdan ang itsura ko sa sketch ni sir Russell, isa-isa kong inusisa ang bawat arts sa wall. So, ibig sabihin ba nito na si sir Russell ang gumawa ng lahat ng ito? Mag iisang taon na rin ako dito sa resthouse na ito pero ngayon ko lang nalaman. Wow! Akala ko ay binili lang nila ‘to. Naku-curious tuloy ako kung ano ang trabaho ni sir Russell. Sikat na artist kaya siya? If so, pwede nya kaya ako bigyan ng mga advice kung paano magsimula? Makaraan pa ang ilang oras na pagkilos dito sa bahay, narinig ko na ang sasakyan ni sir Russell. Kaso, hindi lang isa ang naririnig ko. Sino kaya ang kasama nya? Sumilip ako sa bintana. Hala! Ang dami naman nila. Saang party ba pupunta ang mga ‘to. Sinundan nila si sir Russell na pumasok sa loob ng bahay. “Feel at home guys.” sabi niya sa mga kasama nya bago tumingin sa akin. “May wines ba tayo dito?” tanong nya pero anong alam ko? Kaya ang sabi ko na lang ay “ubos na po ata sir.” “Ah ganon ba?” kinuha nya ang wallet nya at dumukot ng lilibuhin na pera. “Bili mo ko ng dalawang case ng beer and any kinds of woman drinks, 10 of those.” “Pero sir—” hindi pa ako tapos sa sasabihin ko, tinalikuran na nya ako at pinuntahan ang mga kasamahan nya. “—hindi ko po alam kung paano dadalhin lahat yun.” tinuloy ko ang aking sasabihin pero mahina na lang at napakamot na ako sa ulo ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD