Chapter 6: Saved by Glen

1482 Words
❦ Carla’s POV ❦ Lumabas na ako ng resort at naghanap ng masasakyan. Nakakita ako ng dumaan na tricycle kaya pinara ko iyun, “Dyan lang po sa pinaka-malapit na grocery store.” sabi ko sa driver at ng malapit na kami, narinig ko syang nagsalita, “Naku iha, mukhang sarado yung gusto mong puntahan.” tinignan ko ang oras. Jusko, 7:30 pm na pala. Saktong 7 lang sila nagsasarado. Papauwi na sana ako ng bigla kong maalala na may ibang kasama si sir Russell. Ayokong masigawan sa harapan ng maraming tao, baka bigla akong mag resign. “Kuya, pwede nyo po ba akong ihatid sa kabilang baryo.” sabi ko dahil duon na lang ang alam kong bukas na pamilihan. Buti na lang at pumayag si kuya. Malayo-layo pa kami, kita ko na agad na bukas pa ang grocery store kaya napangiti ako. “Ito ho yung bayad.” sabi ko sa driver ng makarating kami. Pagpasok ko sa bilihan ng iba’t-ibang klase ng inumin, nagulat ako ng makita ko ang mga presyo dito. “Ganito ba talaga kamahal ang mga ‘to?” tanong ko sa sarili ko. Bakit kasi hindi na lang sila mag tubig, o di kaya kung gusto nila ng may lasa, mag timpla sila ng kape o ng juice. “Sir, saan po dito ang mga beer?” tanong ko sa lalaking nagtatrabaho sa loob, “Dito po.” sinundan ko sya at maka-ilang hakbang lang ay natunton na namin. “Ilan ba kailangan mo?” tanong sa akin ng lalaki, “Dalawang case po nito at sampo nitong ladies drink.” ani ko sa kaniya. Buti na lang at may tumulong sa akin, “Salamat po.” sabi ko sa lalaki. Matapos kong bayaran ang pinamili ko, namomroblema naman ako kung paano ko ‘to bubuhatin pauwi. “Iwan ko lang po muna dito. Hahanap lang po ako ng masasakyan.” sabi ko sa lalaki at lumabas na ako upang maghanap ng tricycle o ng kahit anong pwede kong masakyan pauwi kaso sa kamalas-malasan, mukhang wala pa ata akong masasakyan. Mga sampung minuto na akong nag-aantay pero talagang wala. Late na rin kasi kaya naiintindihan ko kung bakit wala ng namamasada. Si sir naman kasi. May sasakyan naman sya, edi sana sya na lang ang bumili, o kaya yung mga kasama nya. Ngayon, hindi ko tuloy alam kung paano ako makakauwi. Nawawalan na ako ng pag-asa at papasok na sana ako sa loob ng shop ng may biglang tumawag sa pangalan ko. “Carla,” at napalingon ako sa isang itim na sasakyan. “Glen?” “Oo, ako nga,” sabi niya sabay labas ng sasakyan. “Ano’ng ginagawa mo dito ng ganitong oras?” tanong niya habang bumababa ng sasakyan. “Bumili lang ako ng inumin para sa mga bisita ni sir Russell. Kaso, wala akong makuhang tricycle pabalik ng resthouse,” sagot ko, medyo nahihiya sa sitwasyon ko. “Ahh ganun ba?” naglingon-lingon sya sa paligid bago muling tumingin sa akin. “Tara, isakay na natin 'yan sa kotse ko. Iuuwi na kita,” sabi ni Glen habang tinutulungan akong dalhin ang mga pinamili papunta sa sasakyan niya. Ang bait talaga ni Glen, laging nandiyan para tumulong. Habang na sa byahe kami, hindi ko na napigilan ang sarili ko na mag tanong kay Glen, “Kotse mo ‘to?” kanina ko pa gustong tanungin, “Ah! Oo, kaisa-isa kong pagmamay-ari,” at tumawa sya ng mahina. Napangiti ako. “Wow, galing naman. Hindi ko alam na may kotse ka pala.” “Matagal na rin ito. Naghiraman ako ng pera sa banko para makabili nito. Mas okay din kasi na may sarili akong sasakyan, lalo na’t madalas din akong magbiyahe para sa trabaho.” “Ang swerte mo naman, Glen. Buti ka pa may kotse na. Ako, nangangarap pa lang,” sabi ko sabay tawa. “Darating din yan, Carla. Basta sipag at tiyaga lang,” sabi niya habang binabagtas namin ang daan pabalik ng resort. Nakakagaan ng loob ang simpleng usapan namin. Parang wala lang mga problema. Pagdating namin sa resthouse, agad kaming nagbaba ng mga pinamili. “Salamat talaga, Glen. Ang laki ng naitulong mo sa akin,” sabi ko habang bitbit ang mga bote. “Wala ‘yun, Carla. Basta ikaw,” sagot niya sabay ngiti. Pagpasok namin sa resthouse, nakita ko si sir Russell na nakaupo sa sofa. Agad niya kaming nilapitan. “Bakit ang tagal mo?” tanong niya, halatang may konting inis. “Sorry po sir. Wala po kasi akong masakyan.” sabi ko habang binababa namin ni Glen ang mga pinabili nya. Umiling sya. “Aba! Edi sana ikaw ang bumili.” sabi ko sa utak ko, muntik pa nga akong mapa-irap sa inis, buti na lang at narinig ko ang magic word ng nilabas ko na ang perfa para ibalik sa kaniya, “Keep the change.” ayan! Ayan ang gusto kong naririnig hindi yung mga reklamo nyang wala namang katuturan. “Salamat po at lumabas na kami ni Glen. Binilang ko ang sukli at hinati ito sa dalawa, “Ito oh. Hati na tayo.” inabot ko kay Glen ang pera pero nagulat ako ng tanggihan nya ito. “I don’t need it.” sabi nya pero nakangiti pa rin. “Ay bahala ka. Akin na lang talaga ‘to.” ani ko naman, tinetest sya pero tumango lang sya at binalik sa akin ang pera. “Sige na, una na ako.” sabi nya at tinalikuran na ako. I scoffed. Pera, tinanggihan nya? Okay. Tumalikod na din ako, papasok na sana sa bahay kaso ang daming tao kaya umatras ako at napilitang mag stay na lang sa labas. Malamok pero ayos lang. Sanay na naman ako sa ganito. Umupo ako sa pampang. Niyakap ang aking tuhod at tumingin sa kalayuan ng dagat. Sa tuwing napapatingin talaga ako sa dagat, napapaisip ako kung may katapusan ba talaga sila. Kahit saan kasi ako makakita ng dagat, never ko pang nakita ang dulo. What if, parang buhay din ang dagat? Walang kasiguraduhan, puno ng misteryo. Hindi mo alam kung hanggang saan ang katapusan. Habang dinuduyan ako ng malamig na hangin, naririnig ko ang mahinang lagaslas ng mga alon. Nakakatanggal ng pagod. Ang gulo-gulo ng isip ko kanina, pero ngayon, parang nagiging payapa na ulit ang lahat. Humiga at napapikit ako at dinama ang bawat hinga ng kalikasan. “What if, hindi ko maabot ang dulo ng mga pangarap ko?” bulong ko sa sarili ko. Minsan kasi, ang hirap magpatuloy, lalo na kapag parang walang kasiguraduhan ang mga plano sa buhay. Pero tulad ng dagat, kahit hindi ko makita ang dulo, patuloy pa rin akong lumalaban, umaasang makakamit ko rin ang mga pangarap ko. Nasa ganitong pagninilay ako nang may marinig akong mga yabag sa likuran ko. Hindi ko na kailangan pang lumingon para malaman kung sino iyon. “Nandito ka lang pala.” sabi ni sir Russell. Amoy alak at rinig ko sa boses nya na lasing na sya, “I’ve been looking for you.” “Ang tagal nyo po kasi ng mga kasama nyo mag party, dito na po tuloy ako nakatulog.” binuksan ko ang mga mata ko at lumakas ang t***k ng puso ko ng makita ko ang mukha nya sa ibabaw ng mukha ko. Nakatayo sya at nakadungaw sa akin. Nag-angat siya ng tingin at tumingin sa malayo, patungo sa kalayuan ng dagat. Narinig ko rin na napangisi sya, “Sorry.” sabi nya. “Pero hindi po ako nagrereklamo ah.” pahabol ko, baka kung ano ang isipin nya, “Kaya rin po ako nandito kasi gusto ko lang mapag-isa at ng tahimik.” Binangon ko ang katawan ko, ngayon ay nakaupo na lang sa buhangin. Umupo si sir Russell sa tabi ko, nakatingin pa rin sa dagat. "Minsan, gusto ko rin ng ganyan. Katahimikan," bulong niya, parang sa sarili lang. "Alam mo, Carla, hindi mo kailangan gawin lahat ng utos ko. You can say no sometimes." Natawa ako ng mahina. Lasing na nga talaga sya. Tahimik kaming pareho, nakikinig sa alon na patuloy na humahampas sa pampang. “Opo sir.” ayan na lang ang sinagot ko sa kaniya. Lasing lang sya kaya nya nasasabi yan pero sure ako na kapag nahimasmasan na yan, susungitan nanaman ako nyan lalo na kapag hindi ko sinunod ang utos nya. Bigla siyang tumawa, marahang umiling. "Alam mo, Carla, hindi ako lasing," sabi niya na may halong biro sa boses. "Mas marami lang akong iniisip kaysa sa iniinom ko." Napangiti ako, pero hindi pa rin nawawala ang pag-aalala ko. "Baka mas mabuti pa po, sir, kung magpahinga na kayo." Tumango siya, parang napilitang umamin na kailangan nga niya ng pahinga. "Tama ka, Carla. Kailangan ko na rin magpahinga." Tumayo siya at nag-inat. "Goodnight, Carla. Salamat sa pakikinig." "Goodnight po, sir," sagot ko, at pinanood ko siyang bumalik sa resthouse.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD