❦ Russell’s POV ❦
Bumalik na ako sa resthouse matapos naming mag-usap ni Dad. Tahimik na at patay na rin ang lahat ng ilaw. I don’t feel tired, in fact, I feel great. Kaya ko pang mag-swimming sa dagat kung gugustuhin ko.
Umupo ako sa sofa at binuksan ang TV, pero pagkatapos ng ilang sandali, nakaramdam na ako ng pagkaburyo.
Luminga-linga ako sa paligid, naghahanap ng pwedeng gawin. Tahimik ang bahay, tanging ang alon sa malayo ang maririnig. Bumuntong-hininga ako at naisipang maglakad-lakad sa labas. Baka sakaling makatulong ang sariwang hangin.
Paglabas ko ng bahay, naramdaman ko agad ang malamig na simoy ng hangin. I decided to head towards the beach. Naglakad ako nang dahan-dahan, pinapakinggan ang mga alon at pinagmamasdan ang mga bituin sa langit. It was peaceful, just what I needed.
Pagdating ko sa pangpang, naghubad ako ng shirt at shorts, iniwan lang ang aking boxers. I waded into the water, feeling the cool waves against my skin. Hindi ko na napigilan ang sarili ko, lumangoy ako nang lumangoy hanggang sa maramdaman ko ang pagod.
Pagkatapos, humiga ako sa buhangin, tinatanaw ang langit. It felt liberating, being out here alone. It was a reminder of why I loved this place, despite everything.
❦ Carla’s POV ❦
Bakit kaya hindi pa umuuwi si sir? Hindi ko tuloy ma-lock yung pinto. Dahil naiinip na akong mag-antay, tumayo na lang ako sa pagkakahiga. Sa labas ko na nga lang sya hihintayin. Kinuha ko ang phone ko at sa paglabas ko, nakita ko si sir na nakahiga sa buhangin. “Lasing ba yun?” tanong ko sa hangin.
Lumapit ako nang kaunti para masigurado kong ayos lang siya. Nung malapit na ako, nakita kong hindi naman pala siya lasing. Mukhang pagod lang at nagrerelax. Napabuntong-hininga ako ng may konting ginhawa. At least he's okay.
"Sir, okay lang po kayo diyan noh?" tinanong ko pa rin para makasigurado. Napalingon siya at ngumiti nang kaunti.
"Yeah, I'm fine. Just enjoying the night," sagot niya.
His eyes is so bright, nakikita ko pa rin kahit sa dilim. Ganito pala ang pakiramdam kapag ang kausap mo ay may blue eyes. Para akong hinihipnotismo. Gusto ko sanang sabihin na namana niya yun sa mom niya kaso parang kahit sa isip ko lang sinasabi, pakiramdam ko ay magagalit pa rin siya.
"Kailangan niyo po ba ng kahit ano? Baka gusto niyo ng tubig o kumot?" tanong ko ulit. Baka lang naman.
Nakita ko siyang napairap at huminga nang malalim. "Bakit ka nandito? Wala ka bang ibang gagawin?" tanong niya, may halong inis sa boses. Ito naman e. Tinatanong lang naman kung may kailangan.
"Actually, wala na po. Tapos na akong maglinis. Naisip ko lang po kayong kamustahin," sagot ko, pilit na ngumingiti kahit na gusto ko na syang sabuyan ng buhangin sa mukha. Pero syempre hindi ko hahayaang manalo ang intrusive thoughts ko.
"Hindi ko kailangan ng kasama," tugon niya, sabay lingon palayo.
Hay naku! Itong si sir. Kunwari pang ayaw ng kasama. Sino naman ang ayaw ng may kasama? Syempre, umupo ako sa tabi nya. "Ang ganda ng gabi, 'no? Swerte natin dito sa Batangas, laging maganda ang tanawin."
Nakita ko siyang napailing at tumitig sa akin. "Bakit ba ang kulit mo? Can I have this night without you or anyone else disturbing me?"
Ang sungit talaga. "Minsan po kasi, mas masarap magrelax kapag may kausap. Pero sige po, kung gusto niyo talaga ng mag-isa, aalis na ako." Tumayo ako, pero hindi pa rin umaalis. "Pero sir, kung kailangan niyo ng kahit anong tulong, nandito lang po ako."
Tumingin sya sa akin na para bang na offend sa sinabi ko, “Why would I need your help?”
Nag buntong hininga ako at nagsimulang maglakad palayo, pero dahil makulit ako, palihim ko syang sinulyapan. "Sana po mag-enjoy kayo ngayong gabi," sabi ko bago tuluyang lumayo.
Pilit kong pinipigil ang tawa ko. Hay naku, kung alam lang ni sir kung gaano siya kalinaw basahin. Kunwari pang ayaw ng kasama, pero kita naman na kailangan niya ng kausap. Nakakatawa rin ang pagiging masungit niya; it's almost endearing, in a weird way.
Pagbalik ko sa loob ng resthouse, sinarado ko na ang pinto at ini-lock. Umupo ako sa isang upuan malapit sa bintana, tanaw pa rin ang dagat. Habang nakatanaw ako sa labas, napaisip ako sa kung gaano kakomplikado ang buhay ni sir Russell. Alam kong may pinagdaanan siya at hindi madali para sa kanya na magtiwala ulit. Pero sana, makita rin niya na hindi lahat ng tao ay kagaya ng mga nanakit sa kanya.
Naisip ko tuloy ang sinabi ni sir Russell kanina, "Why would I need your help?" Napabuntong-hininga ako. Sana, dumating ang araw na matutunan niyang tanggapin ang tulong ng iba. Hindi masamang umasa sa ibang tao paminsan-minsan.
Habang nakaupo ako, narinig kong nag ring ang phone ko. Pagtingin ko, nataranta ako. “Si sir Russ.” agad kong sinagot,
“Hello po.” bati ko,
“Iha! Hindi ko alam kung hanggang kailan dyan si Russell pero isama mo na din ang pagluluto ng pagkain sa trabaho mo. Dadagdagan ko na lang ang sweldo sayo.”
Walang problema sa akin yun basta may bayad. “No problem sir. Maaasahan nyo po ako.” sagot ko naman dito bago kami nagpaalam sa isa’t-isa.
Bahala na. Basta ako, matutulog na ako. Pumasok na ako sa loob ng maliit na silid ko at nagpahinga na.
❦ Russell’s POV ❦
As soon as I opened my eyes, naramdaman ko agad ang dampi ng sinag ng araw. It’s almost blinding in a good way. Ang buhangin ay hindi na kasing lamig ng kagabi. Tumayo ako at pinagpag ang buhangin na bumalogt sa katawan ko. Una kong hinanap ang phone ko at nang makita ko ito, bumungad sa akin ang maraming text at missed calls ni Albert. Oh yeah! I forgot to tell him na nandito ako sa pilipinas ngayon.
Hindi ko na binasa ang mga messages nya at tumawag na lang ako. “Bro! Where are you?” panguna niyang tanong,
“I'm in the Philippines right now. Why? What's up?” I asked when I suddenly remember why. “Oh s**t!”
“Yup! Now, get your ass up in here and attend the meeting.” Asik nya sa akin but I'm too far for that.
“Actually, why won't you just go to the meeting with them. You're my COO anyway. Just tell them I’m in sick leave.” sabi ko,
“Bro, I'm the COO kaya talagang aattend ako. Ikaw CEO ka, kailangan nandun ka.” asik nya naman sa akin pero im too lazy to go, besides, I’m still enjoying the sun here in Batangas.
“Bahala ka na dyan. Kaya mo na yan. Goodluck. Balitaan mo na lang ako.” Then I hung up,
I started walking, the sand almost eating my entire feet as I step forward.
Pagbukas ko ng pinto, nakaamoy agad ako ng pagkain, sakto at nagugutom na ako. Without thinking, dumiretso na ako sa lamesa at nagsimula nang kumain,
“Ay sir. Gising ka na po?” Tinignan ko sya natatangahan sa tanong nya,
“What do you think?” Malamig kong sagot before I rolled my eyes on her. What a stupid question. Napapailing na lang talaga ako.
“Sungit” sabi nya pero hindi ko masyadong narinig,
“What did you say?”
“Wala po.” sagot nya with the fakest smile bago ako tinalikuran.
Napabuntong na lang ako. Does she really have to stay here? I shook my head. Nawalan na ako ng gana.
Tumayo na ako at pumasok sa kwarto ko. Buti na lang talaga at may mga damit ako dito. I changed into a gym outfit at dumiretso na sa pinakamalapit na gym sa resthouse.
❦ Carla’s POV ❦
Pagka-alis ni Sir Russell, napabuntong-hininga ako. Nakakainis talaga ang ugali niya pero alam kong may pinagdadaanan siya. Kaya siguro ganun. Sinigurado ko munang malinis ang kitchen bago ako pumasok ulit sa maliit kong silid. Habang nagpapahinga, naisip ko na kailangan kong paghandaan ang mga susunod na araw. Mukhang magiging mas mahirap ang trabaho ko ngayon, lalo na’t nadagdagan pa ng pagluluto. Pero syempre, I’m not complaining. Mas mahirap naman kasi kung walang trabaho diba?
Matapos kong magpahinga, nagpalit lang ako ng damit at dumiretso na sa simbahan. Kinausap ko kasi si Mother Lisa kung pwede akong magtrabaho dun. Buti na lang at masaya nya akong tinanggap. Si Mother Lisa, sya yung parang tumayong nanay ko nung nasa orphanage pa ako. Gusto ko man mag stay sa simbahan, kaso pinangako ko kasi sa sarili ko na sa pag tungtong ko ng eighteen, mamumuhay na ako sa sarili ko. Ngayon na nineteen na ako, I’m proud to say na nakamit ko ang goal ko na makaalis ng orphanage at the said age. Buti nga at naka support lang sa akin sila Mother Lisa, kung hindi din dahil sa kanila ay hindi ko makikilala si sir Rus.
Nagpapasalamat na lang din talaga ako dahil sobrang bait ni sir Russ at pinayagan nya akong mag stay sa resthouse. Ayun nga lang, umuwi yung anak nyang pagkasungit-sungit.
Nang makarating ako ng simbahan, sinalubong ako ni Mother Lisa, niyakap at nagkamustahan lang kami ng saglit, “Kamusta naman ang trabaho mo sa resthouse ni Sir Russ?” tanong nya,
Nung una ay ayos naman kaso biglang umuwi yung masungit na anak, pero syempre, hindi ko sinabi yun, “Okay naman po, masayang kasama yung mga katrabaho ko po. May naka-close na nga po ako dun e. Si kuya Glen, halos kaidaran ko lang din po kaya siguro mabilis lang kaming nagkasundo.”
“Aba, ayus kung ganoon,” tugon nya naman sa sinabi ko,
Nagpatuloy kami sa pag-uusap hanggang sa makapasok na kami sa bahay ampunan.
“ATE CARLA!” masayang pagbati at pagsalubong sa akin ng mga ito. Pinagkumpulan nila ako at niyakap,
“Na-miss ko kayo.” sabi ko dahil hindi na ako nakakadalaw dahil sa bukod sa may inaasikaso akong resthouse, naghahanap pa ako ng dagdag na trabaho. Naisip ko kasi na hindi naman ako habang buhay maninirahan sa resthouse ng libre. Naisip ko rin na kailangan kong manirahan sa bahay na pinaghirapan ko.
Nang matapos kaming magkamustahan, nagpaalam na muna ako sa kanila upang matapos ko na ang pinunta ko dito.
Nang makapasok ako sa maganda at malawak na hardin ng simbahan, kinuha ko agad ang tingting at dinampot ang mga nahulog na dahon mula sa masisiglang puno. Matapos kong gawin yun, sinimulan ko namang diligan ang mga magaganda at malulusog na mga rosas, bushes at ang iba pang mga halaman sa paligid.
Gosh! I still remember nung mga panahon na naglalaro ako dito. It was a great time. Dito ko rin nakilala yung mag-asawang madalas mag donate dito sa simbahan. Dahil sa kanila ay natuto akong mag english at espanyol. Sayang nga dahil nung nag seventeen ako, hindi ko na sila nakita ulit. Ang sabi sa akin ni Mother Lisa, bumalik na sila sa Spain pero tuloy pa rin naman daw yung donations nila sa simbahan.