❦ Russell’s POV ❦
Makaraan ang isang araw ko dito sa Batangas, ang kauna-unahan kong ginawa ay ang tawagan ang kaibigan ko. “Hello Gab, I’m here sa Batangas, where are you?”
“I know you’re there, kaya nga ako hindi pumupunta dyan,” he laughed lightly and so did I,
“Gago ka talaga. Pumunta ka na dito at may pag-uusapan tayo.” I said at ng makapagpaalam na kami sa isa’t-isa, binaba ko na ang tawag.
Habang nag-aantay ako sa pagdating nya, muli ko nanamang nakita ang babae na naglilinis ng salas. What was her name again? Oh, Carla. “Hey you.” tawag ko sa kaniya at agad din naman syang tumigil sa ginagawa nya.
“Bakit po sir?” tanong nya sa akin,
Hearing her voice annoys me. Napasimangot ang mukha ko. “Nevermind.” sabi ko at naglakad na papuntang labas. I’d rather see this beautiful view kaysa yung view sa loob ng bahay.
I took of my shirt and laid to one of the lounge chair sa pangpang. Saglit pa lang ako nakakahiga, dumating naman si Gab at umupo sa kabilang lounge chair.
Wala pa akong sinasabi at inunahan na nya agad ako, “Alam ko kung bakit mo ako tinawag. It was not me who hired her.” ani nya ng hindi ako tinitignan. “It was your dad.” I looked at him,
“My dad? Bakit naman sya ang magde-desisyon kung sino ang iha-hire dito sa resthouse ko?” napatingin sa akin si Gab.
“Bro ano ba?” natatawa nyang sabi sa akin, “Don’t you remember?”
Flashback
It was a dimly lit night nang magdesisyon si Russell at ang kanyang mga kaibigan na pumunta sa 'for sale' private rest house na ito. Nagka-lasingan sila at sa sobrang pag-eenjoy nila, Gab and their other friends dared Russell na tawagan ang numero na nakasulat sa isa sa mga for sale sign, bilhin iyun at ipangalan to either of his mother or his father. Sa sobrang kalasingan, sineryoso ni Russell ang dare.
Kinuha nya ang phone nya at agad na in-insert ang numero. "Hello? Gusto kong bilhin itong private resthouse na matatagpuan sa Batangas." hindi naniwala sa kanya ang isa pang tumatawag.
"Seryoso ako." giit ni Russell. Patuloy niya, "Handa akong magbayad ngayon. Basta ibigay mo na lang sa akin ang account details."
Matapos ang ilang minutong negosasyon, tapos na ang deal. Kinaumagahan, nagising si Russell na may hangover at bagong property sa ilalim ng pangalan ng kaniyang ama. Pinagtawanan ito ng kanyang mga kaibigan, sa pag aakalang isa pa lamang ito sa kanyang mga impulsive na desisyon. But Russell decided to keep the place, finding solace in its secluded location.
Present Day
“Bro, seriously? Don’t you remember any of this?” Gab asked, breaking me out of my reverie.
“Oh, now I remember. Damn, that was a crazy night,” sabi ko habang iniisip ang mga nangyari noon. “But still, why did my dad get involved in hiring staff for this place?”
Nagkibit balikat si Gab. "Siguro naisip niya na kailangan mo ng tulong sa pamamahala dito. Ayaw niya sigurong mabigatan ka sa lahat ng responsibilidad, lalo na't bihira ka lang dito." Tumigil siya saglit, "Besides, nakapangalan sa dad mo 'tong resthouse na 'to and that makes him the owner!" dagdag niya,
“Well, that’s just great,” sagot ko, sarcasm evident in my voice. “Now I’m stuck with people I didn’t choose.”
Natawa na lang si Gab. “Come on, bro. Give them a chance. Baka naman okay sila. Besides, your dad knows what he’s doing.”
I sighed. “I guess. We’ll see.”
We spent the next few hours catching up and talking about random stuff, trying to avoid the heavier topics. Si Gab, he always had a way of lightening the mood, and I appreciate that.
Habang papalubog na ang araw, tumayo at nag-stretch si Gab. “Alright, bro. I need to head back. But remember, if you need anything, I’m just a call away.”
“Thanks, Gab. I appreciate it,” sabi ko habang tinatapik ang balikat niya.
“Take care, man. And try not to be too hard on everyone, okay?” sabi nya ng may ngisi sa mga labi bago siya lumakad paalis.
Habang pinapanood ko siyang umalis, hindi ko maiwasang isipin ang sinabi niya. “Not a chance.” then I smirked.
Pumasok na din ako sa loob ng bahay. Sinuot ko lang ang t-shirt ko at kinuha ko ang susi ng sasakyan ko bago dumiretso sa isang mamahaling kainan.
Hindi ako kumain ng marami dahil kailangan kong bantayan ang calorie intake ko lalo na ngayon na nagbabalak akong bumalik sa gym.
Pagtapos kong kumain, dumiretso na agad ako sa resthouse. Lumubog na ang araw at wala na ring nagtatrabaho. Mag-isa na lang ako sa private resthouse ko. Wow! I love how peaceful it is in here kapag ako na lang ang nandito.
I did what I usually do when alone. Hinubad ko ang pang-itaas at ang pang-ibaba ko, leaving me with just my boxers. Tumayo ako sa harap ng salamin then started to flex my muscles. Matagal-tagal din kasi akong hindi nakapag gym, probably for a month na din.
Habang nag fe-flex ako, biglang bumukas ang pinto ng bahay. Tinignan ko ito at bumungad si Carla. Now what?
Nakatitig lang sya sa akin. Let’s make it specific— to my body. Her gaze lingered a bit too long for my liking—especially considering my current state of undress.
Nakakaramdam ako ng pangangailangan na takpan ang sarili ko, but I fought the urge. After all, this is my house, and I have every right to be comfortable in it. "Can I help you with something?" I asked, trying to keep my tone neutral.
Nanatili siyang nakatingin sa akin, and for a moment, parang nag-iisip siya ng masasabi. "Uh, sorry sir," she finally managed to say, her cheeks turning a faint shade of pink.
“Ano pang ginagawa mo dito? Diba cut off mo na dapat at this time?” sabi ko.
“D-dito po kasi ako nag-stay. Pinayagan po ako ni sir.” sabi nya bago pa umiwas ng tingin.
“Wait, who?” sasagot pa sana sya but I stopped her. Bakit ko pa ba tinatanong yun. Kilala ko kung sino ang tinutukoy nya.
Kinuha ko ang short ko at sinuot ito bago ko kuhanin ang phone ko at tinawagan si dad.
“Bakit anak?”
“Dad! I need to talk to you. Where are you?” pagkabigay nya ng location nya, agad kong kinuha ang susi ng sasakyan ko at dumiretso na sa kaniya.
Hindi na ako kumatok. I just went straight to his room. “Dad. Bakit hindi ka nagla-lock ng pinto mo?” asik ko,
“Ayan ba ang gusto mong pag-usapan?” tanong nya naman,
“No, Dad. This is serious,” sagot ko, “Bakit mo pinayagan si Carla na dito mag stay sa resthouse ko? You didn’t even inform me!”
“Why not? Kilala ko naman siya at alam kong hidni siya gagawa ng kahig anong kalokohan.” paliwanag niya habang kumukuha ng tubig.
“But that’s my resthouse!” I insisted, feeling my patience wearing thin. “Dapat ako ang nagde-decide kung sino ang mag-stay doon.”
“Anak, calm down,” he said, his voice firm but gentle. “Naiintindihan ko ang concerns mo, pero tandaan mo, ginawa ko lang kung ano ang sa tingin ko ay makakabuti. Ang tagal mo nang wala, and someone needed to take care of things. Give her a chance. You might find she’s a good addition.”
I wanted to argue more, pero nakita ko yung sincerity sa mga mata niya. He was just trying to help, kahit pakiramdam ko ay na-overstep niya na. I took a deep breath, trying to reign in my frustration. “Okay, fine. Pero from now on, gusto ko na nai-inform ako about any decisions regarding the resthouse.”
“Of course,” tumango sya at nakikita ko na parang gusto niyang ngumiti pero pinipigilan nya, “I promise. Just try to be open-minded, Russell. Not everyone is out to make your life difficult.”
I sighed before hugging him. “I missed you dad.” sabi ko ng nakangiti at niyakap nya naman din ako pabalik.
“I missed you too, anak.”
Lumabas kami ng bahay nya at tumayo sa balkunahe. “Have you heard?” tanong ko at tumango naman sya.
“I wanted to go and forgive her pero sa tuwing naaalala ko ang nakaraan, umaatras ako bigla.” he said.
I know that. Sa tuwing nagkakasama kami, lagi nyang nababanggit sa akin iyun. I don’t blame him tho. Matagal din silang nagsama, I saw how they loved each other growing up, but little did i know, one can love money more than their family to the point na kaya ka nilang iwan at sirain ang pamilya just to get it.
It’s hard for me to see na nasasaktan ang kadalasang kinukuhanan ko ng lakas. Gusto ko mang suportahan ang desisyon niya pero alam ko rin na kailangan niyang mag-move on. Hindi madaling kalimutan ang nakaraan, pero kailangan para makapagpatuloy sa buhay.
"You have to let go," I always tell him. "For your own peace." Because in the end, we all deserve to be free from our past.