Chapter 2: Welcome to the Philippines

1060 Words
❦ Russell’s POV ❦ Pag-alis niya ng resthouse ko, naramdaman kong parang may bato sa dibdib ko. Pilit kong binabalewala ang pakiramdam na iyon at bumalik na lang muli sa loob, diretsong pumunta sa mini-bar at kumuha ng isang bote ng whiskey. I poured myself a glass and took a long, burning sip, hoping the alcohol would numb whatever it was I was feeling. Habang tumutungga ng alak, naisip ko ang mga sinabi niya. Matagal ko nang kinalimutan ang bahagi ng buhay ko na iyon, ngunit ngayon, bumalik ang lahat ng sakit at galit na pilit kong kinukubli. Sa kabila ng lahat ng nangyari, hindi ko maitatanggi na parte siya ng buhay ko—isang bahagi na hindi ko basta-basta maalis kahit gaano ko pa kagustong kalimutan. Naubos ko na ang laman ng baso ko nang may narinig akong katok sa pinto. I groaned, feeling the irritation building up again. "Sino yan?" sigaw ko. "Sir, it's me, Carla. Yung housekeeper po." I rolled my eyes and sighed, knowing I had to face yet another interruption. "Come in," inis kong sabi. Pumasok si Carla, bitbit ang isang tray na may kasamang pagkain at isang basong tubig. Ipinatong nya ito sa lamesa and stood there awkwardly, inaantay na i-acknowledge ko sya. "Anything else?" tanong ko, medyo mainit ang tono ng boses ko. "Sir, gusto ko lang po humingi ng sorry sa nangyari kanina. Hindi ko po intensyon na sumingit sa usapan niyo ng mom niyo." Tinignan ko sya ng masama, nainis sa narinig kong lumabas sa bibig nya, "She's not my mom!" Napalakas ang pagkakasabi ko, but I couldn't help it. Ang galit na patuloy na namumuo sa loob ko ay tila gustong kumawala, at sa kasamaang-palad para kay Carla, siya ang napagbuntunan ko. "Sorry po, sir. Hindi ko po sinasadya," she said softly, ang mga tingin nya ay unti-unting bumabagsak sa sahig. Napabuntong hininga na lang ako, pilit na pinapakalma ang sarili. It wasn't her fault, after all. "Just... leave the tray and go," Mahinang bulong ko, habang pinapaalis sya, Pag-alis ni Carla, sinalinan ko ulit ng whiskey ang baso ko at inubos ko ito nang isang lagok. My mind was a whirlwind of emotions. Hindi ko maalis ang pakiramdam na para akong tinutusok ng mga alaala ng nakaraan. Kung pwede lang sana burahin ang lahat, ginawa ko na. Pero hindi ganun kadali. "Shit." bulong ko sa sarili ko habang ipinapatong ang baso sa bar counter. Tumayo ako at tumungo sa bintana, tinitignan ang kalmadong tanawin ng Batangas. How ironic na sa kabila ng katahimikan ng lugar na ito, ang gulo naman ng isip ko. Bigla akong napaupo sa sopa, at inilapat ko ang ulo ko sa sandalan. I closed my eyes, hoping for a moment of peace. ❦ Carla’s POV ❦ Pagkalabas ko ng pinto, para akong natanggalan ng tinik sa tiyan. Jusko lord, kung alam ko lang na ito ang boss ko, hindi ko na kinuha ang trabaho na ‘to. Please lord, mas bigyan mo pa po ako ng mahabang-mahabang pasensya at please po, huwag nyo po akong pabayaang buksan ang bibig kapag sinubukan na nya po ang pasensya ko. Amen. Ayun pala si kuya Glen, “Kuya!” sigaw ko sa kaniya kaya napahinto sya sa ginagawa nyang paglilinis ng mga nalaglag na dahon galing sa mga puno, “Sa tingin nyo po ba, magtatagal yung boss natin dito?” tanong ko sa kaniya ng makalapit ako, “Hindi ko alam e. Basta nung nakaraang umuwi si sir dito, inabot din sya ng tatlong buwan bago umalis.” Nanlaki ang mga mata ko, “tatlong buwan?” pag-uulit ko at tumango naman si kuya Glen, “Jusko, ngayon pa nga lang sinasakitan na ako ng ulo, paano pa kaya yung ilang buwan. HAYST.” natawa sa akin si kuya Glen, “Bakit? Nasample-an ka ba?” tanong nya at tumango naman ako, “Ang sungit kuya Glen. Parang dragon. Narinig ko nga kanina nung kausap nya yung mama nya—” kuya Glen was making faces, akala ko naman ay dahil sa kinekwento ko kaya nagpatuloy ako, “—grabe nyang kausapin. Ako nga naghahanap ng aruga ng magulang tapos yung sa kaniya, kusa nang lumalapit, tinatabo—” napahinto ako ng may maramdaman akong gumalaw sa likod ko. Tinignan ko muna si kuya Glen, kita ko na bigla syang natigil sa ginagawa nya at napayuko. Tumingin ako sa likod ko, I know na walang poste dun kanina pero ngayon meron ng isang mataas na humaharang sa sinag ng araw. Dahan-dahan akong tumingala at nagtagpo ang aming mga mata. “Oh, bakit huminto ka? Please continue.” Sa bawat pagsasalita niya, naa-amoy ko ang alak. Napapikit ako, pinilit pigilan ang panginginig ng katawan ko. Natigilan ako, pakiramdam ko'y nagtatatalon ang puso ko. Halos matumba ako sa kaba. "Ah, wala po sir," sagot ko habang pilit na ngumiti. Alam kong bumabakas sa mukha ko ang takot, kita sa pag-angat ng kilay niya. "Hindi mo ba narinig? Sabi ko, ipagpatuloy mo," bumaba ang boses niya, halos bulong na lang, "Baka nabitin siya sa kwento mo," sarkastiko niyang sabi, ang ngiti sa labi niya'y malamig at hindi umaabot sa kanyang mga mata. Napalunok ako at tiningnan si kuya Glen na parang humihingi ako ng tulong. Pero hindi rin siya makatingin sa akin ng diretso. "Pasensya na po sir, hindi ko po sinasadyang mapag-usapan kayo. Nagulat lang po ako kanina kasi... kasi... hindi ko po inaasahan na nandun kayo." Lumapit siya, at naramdaman ko ang pagtibok ng puso ko. "Next time, Carla, make sure you know who’s around before you start talking. Naiintindihan mo ba?" "Opo, sir. Sorry po ulit," sagot ko sabay yuko. "Good. Now get back to work," malamig na sabi niya bago tumalikod at lumakad palayo. Napasandal ako sa puno pagkatapos niyang umalis. "Jusko, kuya Glen, muntik na ako dun," bulong ko, still shaking. "Tama na ‘yan, Carla. Basta't magtrabaho ka lang ng maayos, makakasanayan mo rin si sir. Mahirap lang talaga siya sa simula, pero may mabuti rin siyang puso," sabi ni kuya Glen, pilit akong inaaliw. "Sana nga, kuya. Pero parang ang hirap maniwala," sagot ko habang napapailing. Parang ayaw ko nang bumalik sa loob ng bahay. Jusko buhangin, kainin mo na ako. Grabe na ‘tong araw na ‘to. Parang hindi ko na ata kayang humarap muna kay sir sungit, ayokong masample-an nanaman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD