...Mula Ng Makilala Kita...

393 Words
...Mula Ng Makilala Kita... Dati hindi ako mahilig sa sss, Makapag-chat lang sa ym ako ay happy, Makapag-you tube lang solb ng araw ko at gabi, Ganyan kagaan lumipas ang araw ko palagi.. Subalit ng makita kita, Makilala ang ugali mong kahanga-hanga, Biglang nakaramdam ako ng kakaiba, Hindi ko maipaliwanag ang kabang nadarama.. Lagi kong sinusubaybayan ang profile mo, Inaabangan ang pag-on line mo, Nagtiyatiyagang maghintay sa kahon baka sakaling mag-reply ka sa pm ko, Masaya na ako kapag napapansin mo.. Magmula ng makilala kita, Nagulo ng isip ko, puso ay natataranta, Lalo na kapag nakaka-usap na kita, Ayoko ng matapos ang masayang kulitan nating dalawa.. Kung sakaling ako'y palarin, Mapa-ibig ang isang babaeng mahinhin, Iingatan kita, pagsisilbihan lahat ay aking kakayanin, Maging masaya at maligaya ka lang sa aking piling, Yan lang ang aking hinihiling.. Lam mo bang napakapalad ng makakatuluyan mo? Dahil wala kang katulad saan ko man ibaling ang tingin ko, Ibang iba ka talaga sa mga nakilala ko, Walang makakatalo sa'yo... Para sa'kin perfect kana, Sa panlabas na anyo, pang super model na, Maka Diyos, makatao, saan kapa? Ugaling tunay na Pilipina... Sana balang araw magkatuluyan tayong dalawa, Na sana tayo ngang nakatadhana sa isa't isa, Lubos ang kaligayahan na aking madarama, Kapag nakapiling na kita... ❣❣❣ ..."MAHAL KITA"... Diko alam kung bakit minahal kita, Gayong ilang buwan pa lang tayong magkakilala, Sa bawat pagbibiro at pangungulit mo ako'y iyong napapasaya, Naramdaman ko na lang na mahal na kita... Sana hindi ka magbago, Ngayong nagmamahalan na tayo, Ingatan mo ang puso't damdamin ko, Wag mong saktan at paluhain ako... Bakit di ka mawaglit sa aking puso't isipan, Pilit ka mang limutin sa aking katauhan, Ngunit ikaw parin sa aking puso'y nananahanan, Wari'y binihag mo at di ko matatakasan..... Sa bawat tangkang paglimot ko sayo, Di kayang gawin sa pagkat puso ko sayo ay umamo, Binihag ng wastong pagmamahal mo, At sa palasok ni kupedo ako ay iyong ipinako... Ikaw lamang tanging tanglaw sa aking buhay, Lumayo man, pag ibig mo ay akin paring taglay, Di mo man, namamasdan ako sayo'y laging nakasubaybay, Pinagmamasdan ka, at sayo'y handang umalalay.... Mahal kita dito sa akin puso, Tanging ikaw ang siyang sinisigaw at sinasamo, Di ko alam kung ang syang tadhana ay sadyang mapag biro, Dahil mapa hangang ngayon ikaw at ako ay laging pinag tatagpo… ❣❣❣
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD