bc

✏ Mga Tula Mula Sa Pus♥

book_age4+
49
FOLLOW
1K
READ
journalists
no-couple
lighthearted
realistic earth
autistic
addiction
like
intro-logo
Blurb

Ang paghanga sa isang tao ay natural lamang,

Lalo na kapag ang mga ginagawa't likha nito ay nakakapag pagaan ng yong kalooban,

Yong kapag nakakabasa ka ng tula nito napapangiti ka ng dimo namamalayan,

Minsan tumutulo ng mga luha mo dahil naantig ng yong kalooban...

Sabihin man nating mahiwaga ang aking taglay na pangalan,

Kathang isip lang pero aking napanindigan at napatunayan,

Ang character ko ay hinango sa mga Diwatang napapanood at nababasa niyo lang sa kung saan,

Pero may dating ito at inyong nakagiliwan...

Sa mga akda kong tula na ibinabahagi sa inyo,

Iba't ibang tema pero may aral at halimbawang nakukuha dito,

Mga karanasang maski ikaw napag daanan mo,

Kaya nakakarelate ka sa bawat tulang nababasa mo...

Ako si diwatang ayana na lagi lang nandito,

Patuloy na maghahandog ng mga tula para po sa inyo,

Iba't ibang pahina man ang pasukin ko,

Ang hangad at gusto ko lamang ay mapasaya't maaliw ko kayo sa munting talentong biyaya ni LORD kaya share ko rin po sa inyo...

💃 MahikaNiAyana

chap-preview
Free preview
Bakit Pa? ✏ Paalam
...Bakit Pa?... May mga bagay na kahit gusto mo ay kailangan mong bitawan, May mga masasayang alaala na kahit masakit ay kailangang kalimutan, May mga taong kahit napapasaya ka ay kailangang iwanan, At may mga desisyon na dapat gawin kahit ika'y napipilitan... Bakit pa ba kailangang humantong tayo sa napakahirap na pagpapasya? Bakit pa kailangang isakripisyo ang isa para sa kapakanan ng iba? Bakit pa kailangang iwaksi ang lahat ng alaala? Kung sa dakong huli ay masasaktan ka pa? Ang mga lugar sa puso natin ay nakaukit, Bakit ngayon sa gunita ay nag-iiwan ng sakit? Ang mga taong sa atin ay nagpasaya't nagpasabik, Bakit ngayo'y sa alaala na lang sila nababanggit? Maaaring makalimot ang ating utak, Pero asahan mo't sa puso ay mag- iiwan ito ng sugat, Maaaring sabihin mong kalimutan ko na dapat, Pero asahan mo't ang puso ang unang susumbat. Bawat pitak ng alaalang nabuo sa pahina ng kahapon, Asahan mo't mananatili sa puso mo hanggang ngayon, Ngunit ang katotohanang ito'y kukupas at lalaon, Ang siyang susugat sa'yong pagkatao sa lahat ng pagkakataon. ❣❣❣ ...Paalam... Tila ba panahon kaybilis ng paglipas, Kasabay ng pag-agos ng bawat araw at oras, May mga darating na bagong kaibigan, Ngunit meron din na mamamaalam na ng tuluyan. Parang kahapon lang ang bawat sandali, Mga eksena ay napupuno ng tuwa at ngiti, Kapiling ang isang taong tulad mo, Nakatatak pa sa aming isipan ang bawat tagpo. May mga problema din na pinagsaluhan, Tulong-tulong natin itong sinolusyonan, Sa mga pagsubok hindi tayo nagiwanan, Subukin man ng alon ng buhay ang ating pagkakaibigan. Ang bawat harutan, kwentuhan at kulitan, Ang bawat ala-ala ng nakaraan, Lahat ng ito’y hindi namin makakalimutan, Abutin man ng magpakailanman. Paalam na butihing kaibigan, Siguro nga’y hanggang dito na lamang, Mananatili sa puso at isip ng bawat isa sa amin, Mga inukit mong ala-ala noong ikaw pa’y nasa aming piling. ❣❣❣

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

POSSESIVE MINE

read
976.2K
bc

The Real Culprit (Tagalog-R18)

read
109.0K
bc

ONE NIGHT WITH MY BOSS BILLIONAIRE (SPG/FREE)

read
10.7K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
22.5K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
145.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
82.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
141.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook