...Ikaw ang Inspirasyon Ko...

495 Words
...Ikaw ang Inspirasyon Ko... Noong una kong makita ang pangalan niya, Napahanga na niya akong talaga, Ibang dating pangalan pa lang matindi na, Dahil bilib talaga ako sa mga astig at maporma... Para sakin di lang malakas ang dating niya, Matapang at matalino pa, May ebidensiya yan nakikita ko naman talaga, Mabait siya at magaling makisama... Dahil bago lang bumalik ang mga hilig ko, Marami akong di alam na mga bagay at rules na sakin nagpalito, Naihahalo kong mga tema ng tula na akala ko magkapareho, Pero dahil sa kanya naunawaan kong mga bagay tungkol dito... Masarap siyang kausap, Diko mapigilan ang mapangiti at mapahalakhak, Sa mga biro niyang simple lang pero sa isip mo'y tatatak, Lalo na sa puso kong bihirang mapatibok dahil ito'y mailap... Minsan nga biniro ko pa siya, Na kung astigin lang ako liligawan ko talaga siya, Dadaanin ko siya sa tula para mapa ibig ko lang siya, Pero tawa lang ang naging sagot niya... Talagang masayahin siyang tao, At pati ako nahahawa sa ugali niyang ito, Nagpapasalamat ako sa kanya dahil naging mabuti siyang kaibigan ko, Iba ka talaga sa lahat pare ko... Kapag nakikita ko ang pangalan mo, Nangingiti na agad ako, Lalo na sa mga quotes na pino post mo, Pati luha ko tumutulo sa kakatawa dahil sa mga kalokohan mo... Maraming salamat talaga kaibigan ko, Ikaw ang inspirasyon ko sa bawat tulang ginagawa ko, Maraming ideas na pumapasok sa utak ko, At dahil yan lahat sa kabutihan mo... ❣❣❣ ..."ADIK AKO SAYO "... Dika naman gwapo para maghabol ako sayo, Kulang ka pa sa height kaya asar ka pag naka high heels na ako, Mabango ka lang kaya don mo'ko napaamo, Kung bakit naman kasi yon pang kahinaan ko... Dika marunong sumayaw, Kaya naka upo ka lang at samiy nakatanaw, Maasikaso ka sakin pag nakita mong diko yon gagawin, Ang magpunas ng pawis kaya ikaw ang gumagawa nito para sakin... Puno ka ng surpresa, Nagugulat na lang ako sayong mga ginagawa, Inispoiled mo'ko sa lahat ng bagay para lang ako'y mapasaya, Balewala sayo ang hirap at pagod pag nakita mong ako'y nakangiti na... Masarap kang kausap, Di nakakainip pag ikaw ng kaharap, Lagi mo pa ngang pangungusap, Na sana ikaw na lang at huwag na akong maghanap... Pag namamasyal na tayo, Kahit anong makita mo, Tinatanong mo pa ako "jepy gusto mo? bibilhin ko para sayo" Nangingiti't natatawa na lang ako... Ganyan ka kagalante, Lahat ng gusto binibili, Dika nakikinig saking mga sinasabi, Ginagawa mo pa rin kahit lagi akong tumatanggi... Pag nalaman mong may sakit ako, Panay ang tawag mo sa telepono, Laging pinapa-alalang inumin kong mga gamot ko, Hay, touch talaga ako sa kasweetan mo... Minsan tinanong kita, Kung bakit mo ito ginagawa, "adik ako sayo eh! sagot mong bigla, Natameme tuloy ako't natulala... Anupa bang masasabi ko, Lahat na yatang magagandang katangian nakita ko na sayo, Maswerte ako kasi ako ang minahal mo, Masaya't kuntento na'ko sa piling mo... ❣❣❣
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD