..."TUKSO "...

368 Words
..."TUKSO "... Sabi nila pag mahal mo ipaglaban mo, Pero kahit gaano ka katatag at agresibo na gawin ito, Bibigay ka rin pag matindi ang karibal mo, Na sa umpisa pa lang alam mong dika mananalo... Masyado siyang garapal, Harap harapan kung lumandi saking mahal, Kahit anong gawin ko diko maalis lahat ng sagabal, Na unti unting sumisira sa relasyong iningatan ko ng matagal... Sabi nga ng syota ko, Wag daw ako mag alala dahil di niya papatulan ito, Pero talagang di ako mapalagay pag nakikita kong nilalandi na siya nito, Diko naman ugaling mang away dahil lang dito... Ngunit ang pangako, Ay biglang naglaho, Ng malaman kong bumigay siya't natukso, Dun sa babaeng wala yatang puso... Pinalaya ko siya kahit mahal na mahal ko pa, Diko kayang makisama sa taong marupok at walang isang salita, Kahit na napakasakit makakalimutan ko rin siya, Diko dapat sayangin ang luha at panahon ko sa taong walang kuwenta... ❣❣❣ ..."RED & BLACK"... "Red", yan ang tawag sa akin, Ng isang lalaking sa akin ay nahumaling, Doon sa bansang Qatar na aking narating, Bansang Arabo na kay higpit sa lahat ng yong gawin.... "Black", yan naman tawag ko sa kanya, Isang katropang masarap kasama, Lahat ng gusto ko binibigay nya, At mahilig pang mang sorpresa.... Kahit na magkaiba man ang aming lahi, Isang Pinay at Indian, pero sa bait nya wala na'kong masabi, Kundi the best syang muslim kakabilib ng ugali, Hahangaan mo talaga sya grabe.... Kahit na ilang taon na kaming nagkalayo, Di pa rin sya nakakalimot na kumustahin ako, Laging nagpapa alalang mag iingat lagi ako, Wag masyadong magpagod alagaang mabuti sarili ko.... Kala ko dati ang red at black di magandang magsama, Dahil "apoy" at "dilim" paano gaganda sa mata, Nagkamali ako dahil pag nagsanib pala ang kulay nila, Kakaibang ligaya ang yong makukuha't madarama.... Napatunayan kong di sukatan ang kulay at lahi, Magkaibang kultura man ang kinalakihan hindi bale, Dahil ang mahalaga kayo'y magkasundo at nakakaintindi, Nang inyong boundaries sa isa't isa at sa sarili... Christian at Muslim, magkaiba man ang aming relehiyon, Hindi naging problema at hadlang yun, Dahil may respeto, tiwala at pang unawa, Give and take lang ang aming ginagawa. ❣❣❣
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD