...Pangako...

356 Words
Dito sa internet tayo nagkakilala, Naging magkaibigan at ng magtagal naging lovers na, Isang masayang pagsasama na diko inakala, Na dito ko lang pala matatagpuan ang lalaking pinangarap kong makasama... Di hadlang ang layo ng pagitan nating dalawa, Dagat man ang lalakbayin para lang tayo'y magkasama, Di alintana ang mga sagabal na pinagdadaanan natin sa tuwina, Dahil nagtutulungan tayo para malampasan ito di ba?... Sa ating relasyong dalawa, Komunikasyon ang pinakamahalaga, Para magtagal at tumibay ang ating pagsasama, Tiwala't respeto sa isa't isa yon ang meron tayong dalawa... Sa bawat pag-uusap natin, Abot hanggang langit ang nadaramang saya sa'king damdamin, Mga pagpapa-halaga't pag-aalala mo sakin, Diko makakalimutan ang isang taong nagpatibok sa puso kong nahihimbing... Ikaw ang naging sandigan ko, Kapag nabibigo at bagsak na ako, Inaahon sa kalungkutang nadarama ko, Binibigyan ng lakas para makabangon ulit ako.... Salamat sayo mahal ko, Napakaswerte ko dahil ako ang minahal mo, Alam kong magkikita't magkakasama din tayo, Dahil yan ang pangako natin na pinanghahawakan ko... Alam mo bang nasasabik na akong makita ka, Palaging nangangarap na tayo ay magkasama, Konting panahon na lang ang hihintayin nating dalawa, Sa tamang pagkakataon at panahon makakapiling din kita... ❣❣❣ ..."Isang Kahapon"... Isang kahapon na nais kalimutan, Ayaw ng isipin ang nagdaan, Sakit lang ang dulot sa pusot isipan, Kaya bang baliwalain ng ganun ganun nalang?... Isang kahapon ng nakaraan, Kasa kasama ka parang dinuduyan, Pagmamahalan nati'y sa una lang may kaligayahan, Nguni't ika'y nagbago't ako'y pinabayaan... Isang kahapon dulot ay kasawian, Pag babalat kayo lang iyong pinaramdam, Halos ayaw ng mabuhay luhaang iyong iniwanan, Sa isang sulok lamang nagmumukmuk sa upuan... Isang kahapon lamang dulot mo'y ligaya, Isang tuwa't halakhakan iyong ipinadama, Akala ko'y walang kupas at puro nalang saya, Ngunit ako'y nagkamali wakas pala'y dusa... Isang kahapon ako'y tuluyang nagising, Di na pala kita mahal iba na aking kapiling, Siya'y walang katulad naging ama ng isang supling, Na di naman sa kanya galing tinanggap niya ng taimtim... Isang kahapon na ika'y nakalimutan, May bago na akong mahal siya'y kaligayahan, Di man tayo nagkatuluyan ngaun ako'y masaya naman, Sa bago kong pag ibig na ngayo'y pinapahalagahan... ❣❣❣
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD