... BITUIN KONG MAHAL ...

314 Words
... BITUIN KONG MAHAL ... Nang minahal kita sabi mo di tayo bagay, Bago matulog iniisip ka't di mapalagay, Walang ibang inaalala kundi pag-ibig kong tunay, Na para lang sayo ay aking iaalay... Nang ako'y mabigo sayo puso ko'y nalungkot, Sa tuwi-tuwina bakit dika malimot, Puso ko'y nabiyak at naging masalimuot, Gusto kitang yakapin ngunit dika maabot... Nang badyang tutulo ang luha sa mata, Ito'y aking pinigilan ayoko na iyong makita, Pinilit kong sumaya ngunit hapdi ang nadarama, Paano ba mawawala itong pait aking sinta?.. Di mo ba naisip na ako sayo'y nakatadhana, Sinusundan sundan ka ayokong ika'y mawala, Mahirap kang makalimutan ika'y aking ligaya, Makita ka lamang sa akin ay ok na... Palagi ka sa paningin dika nawawala, Pumikit at dumilat man itong aking mga mata, Bituin kong mahal sana'y maging totoo ka na, Para dina ko magmukhang loka loka... ❣❣❣ .... PUSO KO ANG MAGPAPASYA .... Wala akong ibang hinangad sa mundong ito, Kundi ang makasama't makapiling ang lalaking pinakamamahal ko, Kahit na anong sagabal pang pagdadaanan ko, Kakayanin ko lahat dahil siya ang lakas at buhay ko... Sinubok na tayo ng tadhana, Marami na'kong hirap at pasakit na nadama, Pero diko ito inalintana, Dahil sa'yo naging matatag ako't lumaban ng mag isa... Marami tayong pangarap sa buhay, Kaya kahit ang katumbas nito sa piling mo ako'y mapawalay, Tanging pangako't pagtitiwala lang ang ating patnubay, Para ang sumpaan natin ang siyang panlaban sa lahat ng pagsubok natin sa buhay... Kahit na ilang ulit mo pa akong saktan, Mapapatawad at tatanggapin pa rin kita kahit na anupaman, Hinding hindi kita bibitawan, Dahil tutuparin ko ang mga pangako natin at sumpaan... Kahit na ano pang tingin at sabihin sakin ng iba, Wala akong pakialam dahil puso ko ang magpapasya, Kaligayahan ko ito at hindi sa kanila, Kaya asahan mong sa pagbabalik mo nandito pa rin ako naghihintay at umaasa... ❣❣❣
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD