... ISANG PATAK NG LUHA ...

376 Words
... ISANG PATAK NG LUHA ... Dati ang saya saya ng buhay ko, May minamahal ako at ako lang din ang mahal nito, Kuntento na'ko basta't kasama ko lang siya buo ng araw ko, Wala na'kong iniisip kahit problema nakakalimutan ko... Pero unti unti kang nagbago, At ito ang ipinagtataka ko sa'yo, Wala ka namang sinasabi na kung ano, Puro ako pagdududa pero di kita mahuli sa akto... Hinintay ko na lang na magtatapat ka, Pero ako'y nabigo dahil napakatibay mo talaga, Hanggang sa matuklasan kong ako'y niloloko mo lang pala, May iba ng mahal at bestfriend ko pa... Ang sakit sakit naman ng ginawa mo, Bakit ito ang sinukli mo sa pagmamahal ko? Naging tapat naman ako sayo, Pero ang idinulot mo pahirap at pasakit sa buhay ko... Paano ko ulit mabubuo ang pira pirasong puso ko? Paano kita aalisin sa puso't isipan ko? Paano ba ulit bumangon gayong nawalan na ng lakas at sigla ang buhay ko? Paano ako mag uumpisa sa kabiguan kong ito? Isang patak ng luha na lang ang natitira sakin, Pag pumatak na ito isipin ko na lang na kagaya mo kailangan ng palayain, Kesa magdusa pa ako sayong piling, Dadating din ang lalaking magmamahal ng totoo sa akin... ❣❣❣ ..."GANYAN KITA KAMAHAL" ... Sa iyo ako labis na humahanga, Pagkat puso mo ay wagas tunay na dakila, Di man ito mapansin ng iba, Pero dito sa puso ko alam kong totoong tao ka.. Siguro ay dimo rin ito pansin, Na ako sa iyo ay mayroon ding pagtingin, Di naman ako manhid upang ito ay aking pigilin, Dahil alam kong mahirap dayain itong puso't damdamin.. Kaya walang karapatan ang bawat nilalang, Upang tayo ay husgahan sa ating nararamdaman, Na ang pagmamahalan na diko sukat akalain, Ay mabubuo ng di inaasahan.. Na yaong pagmamahalan na walang hinihinging kapalit, Yaong pagmamahal na kusa mong inilapit, Pagmamahal mong tunay at higit, Na nagsisilbi kong sandata upang ako ay maging maligaya at sayo ay manalig.. Diko man kayang ibigay sa iyo buong mundo, Diko kayang sungkitin ang mga bituin upang ialay ito sa iyo, Ngunit susuklian ko ang pagmamahal na iaalay mo, Ganyan kita kamahal na kahit biyakin mo itong puso ko, Tanging pangalan mo lang ang nakaukit dito... ❣❣❣
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD