..."KAHIT MINSAN" ...

342 Words
..."KAHIT MINSAN" ... Nang makita kita akala ko ito ay balewala, Di man lang kita pansin sa pag-aakala ko na ito ay ok lang at matitiis ko pa, Pero mali pala ako na sa tuwing dika makita, Lungkot lagi sa puso aking nadarama lagi ko tuloy naiisip na sana muling makita ka.. Sa bawat araw na magdaan, Puso ko ay laging may kirot na nararamdaman, Pilit ka mang limutin dito sa aking isipan, Pero dito sa aking puso't damdamin isinisigaw palagi ang yong pangalan.. Diko alam kung ano bang dapat kong gawin, Upang maibsan lang kahit konti itong aking dinidimdim, Habang tumatagal kasi labis na pasakit ito sa akin, Na sana kahit minsan iyo man lang maibsan ang kirot sa aking damdamin.. Labis na pangamba itong aking nadarama, Sa tuwing ako sa iyo ay lumapit na, Di makapag-salita na kahit man lang isang linya, Na para bang bibig ay naninigas na dina maigalaw pa.. Hanggang dito na lang siguro ang pag-ibig ko, Di sasabihin ng pilit ang aking inililihim sa iyo, Sapagkat ako ay natatakot at baka dimo mapansin ito, Na ang pagmamahal kong tunay ay balewalain mo.. ❣❣❣ ..."KUNG AKO NA LANG SANA" ... Ako'y may isang kaibigan, Jerry ang kanyang pangalan, Sa pag-ibig laging bigo siya't nahihirapan, Sinisikap bumangon sa kahit na anumang paraan... Sa dalampasigan ang aming tagpuan, Basta't may problema siya ako agad ang lagi nyang takbuhan, Sa tuwing mukha niya'y aking masilayan, Diko mapigil ang maawa sa kanyang kalagayan... Madalas siyang umiyak saking harapan, Pero kahit minsan diko siya pinagtawanan, Dahil naranasan ko rin ang mabigo't masaktan, Pareho lang pala kami ng kapalaran... Minsan nahiling ko kapag nag iisa na ako, Titingin sa karagatan at mukha ni Jerry ang nakikita ko, Binubulong ko sa hangin na kung ako na lang sana ang minahal nito, Siguro pareho na kaming maligaya't kuntento... Kaya lang hanggang magkaibigan na lang siguro kami, Masaya na akong nakikita't nakakasama ko siya palagi, Hangga't kailangan niya pa ako sa kanyang tabi, Ang pagkakaibigan namin ay magtatagal hanggang sa huli... ❣❣❣
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD