...PATAWAD...

452 Words
...PATAWAD... Ito ay isang munting katha ko, Inaalay ko para sa iyo, Di man kasing ganda ng likha ng iba ito, Pero ito ay galing mula sa puso ko... Alam ko sa akin ikaw ay nagtampo, Yan ay ramdam ng aking puso, Iniisip mo kasi sa iyo ako ay lalayo, Na dika minahal at binalewala ko... Batid kong ako sa iyo ay may pagkukulang, Ni pangungumusta ko ay wala man lang, Tuloy sa isipan mo ikaw ay di pinahahalagahan, Na tila ba nilimot ng ganun ganun na lang... Mahal ko patawad sa aking nagawa, Ngunit ito naman ay di ko sinasadya, Sa pag-aakala mong ikaw ay aking binabalewala, Pero ang totoo ang limutin ka ay di ko magagawa... Dahil mahal kita ng buong puso, Lahat ng kagustuhan mo ay sinusunod ko, Di nagrereklamo kahit anupa man ito, Ganyan kita kamahal yan ang totoo... Mahal kita yan ang nararamdaman ko, Mananatili ka sa puso at isipan ko, Ngunit papano ko nga ba mapapatunayan sa iyo ito, Gayong tila ba lahat para sa iyo ay nagbago... Ano ba dapat ang aking gagawin? Pwede mo ba na sa akin ay sabihin? Wag mo naman sana sa akin ay lihimin, Tunay na nilalaman ng yong damdamin, Sa akin sana ay wag ng magtampo, Patawad ang aking samo Oh mahal ko, Sana ay matanggap itong aking pagsuyo, Handa naman ako maghintay kung kailan mo gusto... Haharapin ko bawat pagsubok mo, Maibalik ko lang ang dating pagtingin mo at pagsuyo, Salamat mahal ko, At PATAWAD... ❣❣❣ ..."PAGMAMAHALAN"... Oh,anong sarap umibig talaga, May nagmamahal at minamahal ka, Pag dilat ng iyong mata sa umaga, May PM sayong kahon "labs kita" ang iyong mababasa.. Sigla sa tuwi tuwina ang iyong madarama, Tila dimo ito ramdam na napapagod ka, Pagkat pagmamahal ng iyong sinisinta ay lagi mong dala, At galak sa iyong puso tila nais na kumanta.. Pagmamahalan namin dito ay nagtagpo, Nagsimula man lang ito sa biro biro, Kahit nasa iba man kaming ibayo, Araw at gabi siya ay aking sinusuyo.. Sa akin ay sobrang lambing niya, Pakiramdam ko tuloy parang nasa ulap na, Sa akin ay laging sambit na mag iingat ka, Tanong sa akin palagi "ikaw ba ay kumain na?".. Oh, kayo diyan ay wag ng magtaka, Sadyang ganyan lang talaga umibig ang mahal kong makata, Ang pagpapakiramdaman namin sa bawat isa, Ay siyang tanging kailangan at tunay na mahalaga.. Nais lang namin ay ang inyong suporta, Na sana laging manatili dito sa pahina, Sapagkat ang aba niyong lingkod na makata, Ay handang umalay sa inyo ng akda.. Upang sa inyo ay maihatid, Pag iibigan namin ay di niyo batid, Sapagkat nais lang naman naming kayo ay mapaligaya, Sa abot ng aming makakaya... ❣❣❣
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD