Chapter 05

1447 Words
CHRISTINE ----POV---- 8 Months Later Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata. Puting kisame ang aking nabungaran. Bumaba ang tingin ko sa aking kamay at pagtingin ko'y may nakakabit ng swero sa akin. Masakit ang buo kong katawan at pakiramdam ko'y ang tagal-tagal ko ng nakahiga dito at nakatulog. Ano ba ang nangyari sa akin? Bakit wala akong maalala? Kinapa ko ang aking ulo. Bakit naka-benda ang ulo ko? Sino ako? Ano ang nangyari sa akin? Paulit-ulit na tanong sa aking isipan na hindi ko naman alam ang mga kasagutan. Akmang babangon na sana ako, ngunit muling kumirot ang aking ulo. "Oh, thank, God, you're awake!" isang baritonong tinig ang narinig ko mula sa aking gilid "T-tubig," hirap kong usal sa kanya. Uhaw na uhaw na ako at pakiramdam ko'y tuyong-tuyo na ang aking lalamunan. Dali-dali namang inabot ng lalaki ang isang bottled water mula sa center table na malapit lamang sa aking higaan. Pagkaabot niya sa akin ay may pinindot siya mula sa aking uluhan. "Ano ang nangyari sa akin? Sino ako? Bakit ako nandito?" sunod-sunod kong tanong sa lalaking kasama ko ngayon dito. Hindi pa niya nasasagot ang mga tanong ko nang biglang bumukas ang pintuan at iniluwa doon ang isang lalaking naka-puting damit. Marahil ito ang doktor na tinawagan ng lalaki kani-kanina lang. May kasamang siyang isang babae na naka-puti rin. "Hi, Miss Alonzo. I'm glad you're awake now. I will check your vital signs first," nakangiti nitong turan. "Tingnan na rin natin kung maayos na talaga ang kondisyon mo," dagdag pa nito. "Doc, what happened to her?" tanong naman ng lalaki. "Hindi niya ako kilala. Wala siyang naalala." "Don't worry, Mr.Ferrer, ganyan po talaga dahil sa ulo ang tama niya kaya medyo naapektuhan ang memory niya. May mga bagay na di niya maaalala at isa ka rin doon sa hindi niya maalala. Don't worry, maybe 5 to 6 months unti-unting babalik lahat ng alaala niya," mahabang paliwanag ng doktor sa lalaki. "Okay, Miss Alonzo. Check ko lang ang mga mata mo. Just open your eyes at sundan mo lang kung saan ang liwanag pupunta," baling ng doktor sa akin. In-on niya na ang maliit na bagay na hawak nya na parang flashlight at tinutok sa aking mga mata. "All the tests are okay now, Mr.Ferrer. Maybe next day, kung tuloy-tuloy na bumalik ang sigla niya. Pwede na siyang ilabas dito sa ospital at doon na lang sa bahay niyo ituloy ang kanyang pagpapagaling.""Salamat, Doc!" pasasalamat ko sa doktor. "Walang anuman, Miss Alonzo. Sige aalis na muna ako. Marami pa kasing naghihintay sa akin na mga pasyente. Congratulation, Miss Alonzo! Huwag mong pilitin alalahanin ang lahat," bilin niya sa akin at muling binalingan ng tingin ang tinawag niya kaninang Mr. Ferrer. "Mr. Ferrer, ingatan mo ang girlfriend mo. Baka hindi pa kayo maikasal ay mabiyudo ka ng maaga," biro ni Doc sa lalaki. Biglang namula ang aking mukha sa sinabi ng doktor. Magkakilala pala sila. "Sige, dude alis na ako," paalam nito at muling binaling ni doc sa akin ang kanyang tingin. "Sige, Miss Alonzo. Ingat ka at huwag mong kalilimutang inumin ang lahat ng gamot na nireseta ko para mabilis bumalik ang mga alaala mo," mahigpit niyang bilin. "Salamat po ulit, Doc!" "You're welcome!" Bago siya tuluyang lumabas, nag-kamayan muna sila nang tinatawag niyang Mr. Ferrer "S-Salamat," nahihiya at nauutal kong sabi sa lalaki nang kaming dalawa na lang dito sa aking silid."Are you hungry? May gusto ka bang kainin?" pagkuwan ay tanong niya. "Ahhm. Sino ako? Anong nangyari sa akin? Totoo ba ang sinabi kanina ng doktor na.. b-boyfriend kita?" tanong ko sa kanya at hindi pinansin ang tanong niya. "Yeah. I'm sorry for what happened to you. Sa ngayon ay magpahinga ka muna. Alam kong mahina ka pa," aniya. "Here," sabay subo niya sa akin ng pagkain na galing sa tupperware. Akmang kukunin ko na sana sa kanya ang kutsara na may lamang pagkain, ngunit hinawi niya lang ang aking kamay "Let me do it," sambit niya. Nahihiya man ako, pero bigla akong natakam at nagutom nang maamoy ko ang soup na hawak niya. Parang masarap kainin kaya wala na akong nagawa pa at tinanggap ko na lang iyon at binuka ang aking bibig. "I'm, Mark Anthony Ferrer," pakilala niya. "It's true that you're my girlfriend. Your name is Christine Alonzo. Nagkakilala tayo sa Iloilo. Working student ka, kaya napagkasunduan natin na dito ka na magtatapos ng pag-aaral sa Manila dahil ako na ang nagpapa-aral sayo," basag niya ng katahimikan habang panay pa rin ang pag-subo niya ng pagkain sa akin. Nagtataka ko siyang tiningnan. "Bakit? 'Di 'ba sabi mo girlfriend mo ako? Bakit napunta sa pagpapa-aral mo sa akin? 'E girlfriend mo lang naman ako," nagtataka kong tanong. Marahas siyang bumuga ng hangin at nag-iwas ng tingin sa akin. "Magpahinga ka na muna. Alam ko na medyo mahina ka pa at kailangan mo ng magpahinga. Mag-usap na lang tayo kapag nakalabas ka na dito at maging maayos na ang pakiramdam mo," malambing niyang turan.Dahil sa nanghihina pa talaga ako at inaantok pa, kaya napilitan na lang akong huwag na munang mag-usisa sa kanya. Inayos niya ang higaan ko saka kinumutan. "Just take a rest. May kakausapin lang ako," aniya sabay halik sa aking noo. Dahil na rin siguro sa mga gamot na ininom ko kaya nakaramdam na rin ako ng antok. Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata, dahil sumasakit na ang ulo ko sa kaka-isip kung ano ba talaga ang nangyari sa akin, hanggang sa nakatulog na ako.Nagising ako dahil sa narinig kong nag-uusap. "Mark, kumusta siya? Naaalala ka ba niya?" "Hindi, e. Pero sabi ni Greg babalik naman ang mga alaala niya, maybe 5 to 6 months kung ipaalala ko ang mga ginagawa niya dati, at kung saang mga lugar siya dati pumupunta." "So, balik Iloilo kayo kung gan'on? Doon lahat ng mga memories niya at mga kaibigan niya na makakatulong para mapabilis ang pagbalik ng mga alaala niya." "I'm just think about that, dude. Pero sa ngayon, iisipin ko muna kung paano siya mapoprotektahan sa mga taong gustong mawala ako sa kanilang landas." "Kailan mo-" Hindi na natuloy pa ang sasabihin pa ng kasama niya dahil tumikhim na ako. Ayaw ko ng marinig pa ang kanilang pinag-uusapan dahil parang sasabog na ang puson ko dahil sa pakiramdaman ko na naiihi. "Gising ka na pala, Tin," sabi ng lalaki. Nagtaka naman ako kung bakit niya ako kilala, pero pinagsawalang bahala ko na lang dahil baka isa siya sa mga taong nakalimutan ko. "Mark, I want to pee." Kinuha na kanina ang cateter ko nang magising ako kaya kailangan ko ng tumayo ngayon para sa banyo iihi. Nahihiya man, pero wala na akong choice kundi ang makisuyo na ihatid ako sa loob ng banyo. Kaagad namang tumalima si Mark papunta sa akin at agad niya na lang akong binuhat na parang bagong kasal. Medyo nakaramdam ng pag-iinit ang aking mukha sa pagkabigla. "A-Ahm... M-Mark, pwede namang alalayan mo lang ako maglakad. Medyo kaya ko na naman ang maglakad. Masakit lang kasi ang ulo ko pag tumayo ng biglaan, parang ang bigat ng pakiramdam ko." "It's okay, babe, don't worry," aniya. Nakaramdam ako ng kiliti sa tinawag niya na endearment sa akin. Kaya hindi ko napigilan ang mapangiti. "Why are you smiling?" tanong ni Mark. Hindi ko napansin na nakita niya pala ang pag-ngiti ko, nakakahiya tuloy. Shocks! "Ah-eh, wala! Sige na lumabas ka na," pagtaboy ko sa kanya. Nandito na pala kami sa loob ng banyo. "Salamat!" "Kaya mo na ba?" "O-Oo. Tatawagin na lang kita kapag tapos na ako." Nakabalik na ako sa aking higaan pagkatapos kong mag-banyo. Wala na ang lalaking nagngangalang Leo na kausap ni Mark kanina. "Ahm, Mark. Matagal na ba tayo?" tanong ko. Na-curious kasi ako kung bakit hindi ko man lang siya naaalala. "Six months na tayo bago ka naaksidente. Kaya nga siguro isa ako sa hindi mo naalala. Sabi kasi ng doktor, ang mga bago mong nakilala ang kadalasang hindi mo matatandaan kung maka- encounter ka ng amnesia." "Hindi mo ba ako niligawan? Bakit bago lamang tayo nagkakilala?" tanong ko ulit. 'Pero sa katulad mong gwapo at yummy. Kahit hindi mo na ako ligawan pa!" 'yan sana ang sasabihin ko pero ayaw ko namang magpahalata na nire-rape ko na siya sa isip ko, kaya sinarili ko na lamang. "Sige, pahinga ka muna. Lalabas lang ako para makabili ng pagkain natin," paalam niya sabay halik sa aking noo. "Salamat at ingat ka." Hahakbang na sana siya palabas ng pintuan nang may naalala ako na gusto kong itanong sa kanya. "Ahmm.. Mark, paano at kailan tayo nagkakilala?" Tumingin siya sa akin. "Just remember it, babe." 'Yon lang at lumabas na siya nang tuluyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD