Chapter 01
CHRISTINE ----POV----
"Go, Tin!" sabay-sabay na sigaw ng mga loka-loka kong mga kaibigan. Lima kaming magkakaibigan simula high school pa lamang kami. Kaya heto ngayon at nagkita-kita kami para mamasyal. Nasa 3rd year college na kami ngayon. Kahit magkakaiba man ang pinapasukan naming eskwelahan ngayon at kinuhang kurso ay hindi pa rin nawala ang pagkakaibigan namin. Sa tuwing may free time kami, napagkakasunduan namin mag-bonding. Kaya't heto nga, balik sa dating gawi na kalokohan na isang truth o dare na laro. Pero iba ang rules ng laro namin dahil bawal daw ang truth, dare na lang daw para masaya. At ako ngayon ang pinagkaisahan ng mga loka-loka kong mga kaibigan. Ang gagawin ay kung sino ang unang lalaki ang papasok sa loob na makikita ko ay sasabihan ko ng 'I LOVE YOU, BOYFRIEND!'. And speaking of boyfriend, NBSB ako.
I'm Christine Alonzo, pero Tin ang madalas na itawag ng mga kaibigan ko at mga kakilala ko sa akin. Kasalukuyang nag-aaral sa kursong Criminology, dahil simula bata pa lamang ako ito na talaga ang tangi kong gusto- ang maging isang pulis. At dahil mahirap lamang kami, at maaga pang nawalan ng magulang. Isa akong working student. At nagpapasalamat din ako sa mga nagpapa-aral sa akin dahil tinuring naman nila akong kapamilya. Kaya pagbubutihin ko ang aking pag-aaral para 'di naman masayang ang pagpapa-aral nila sa akin, kahit pa isang akong scholar sa aking pinapasukan."Nandito na tayo, Tin. Kaya gora na!" untag ni Margie sa akin.
"It's time, Tin!" pag-cheer ko sa sarili ko sabay sign of the cross.
"I love you, boyfriend!" malakas kong sigaw sa lalaking nakatalikod. At dahil naka-talikod ang lalaki na sinabihan ko, 'di ko tuloy makita kung ano ang reaksyon ng mukha niya. Dalawang beses ko pang sinigaw ang katagang iyon pero di man lang ito humarap sa akin.
Aalis na sana ako pagkatapos kong sumigaw ulit, ngunit bigla na lamang itong humarap at tumingin sa akin nang may pagtataka. Bigla na lang akong natuod sa aking kinatatayuan dahil sa nakita. Sobrang gwapo niya! Matangkad, kulay gray ang kanyang mga mata, may kissable lips na parang kay Paolo Avelino.
Oh, my gulay! Makalaglag panty!
"Are you out of your mind? Are you crazy! Me? Your boyfriend? How did that happen? I don't even know you." Galit niyang turan sa akin, sabay turo ng daliri niya sa kaniyang sarili. Parang binuhusan naman ako ng malamig na tubig dahil sa kaniyang mga sinabi at nakikitang reaksyon sa kaniyang mukha. Nakatulala lamang ako at 'di makagalaw kagaya ng mga kaibigan ko. Parang naestatwa at hindi alam kung ano ang kanilang gagawin.Pagtingin ko sa paligid ay maraming tao ang nakatingin na sa amin sa at ang iba pa ay kinukuhanan kami ng video.
"S-Sorry," nauutal kong sambit sa gwapong lalaki. Tanging sorry lang ang lumabas sa bibig ko dahil sa sobrang hiya ko sa pangyayari. Kita ko ang galit sa mga mata ng lalaki. Kaya naman tumakbo na ako palayo.
"TIN!" sabay-sabay na sigaw ng mga kaibigan ko. Pero hindi ko na sila nilingon pa at nagtuloy-tuloy lang ako sa aking pagtakbo. Dahil sa sobrang hiya ko'y wala na akong mukha na maihaharap pa sa lalaking iyon.
"Sorry, sir, kung napahiya ka. Laro- laro lang sana namin 'yun. Pasensya na ulit!" Narinig ko pang sabi ni Glaiza sa lalaki.
Habang tumatakbo ako 'di ko mapigilan ang umiyak. Bigla na lang tumunog ang aking cellphone. Huminto muna ako at tiningnan iyon. May mga message sa gc naming magkakaibigan.
"Tin, sorry," si Glaiza.
"Tin, okay ka lang?" tanong naman ni Margie.
"Tin, nasaan ka puntahan ka namin." tanong naman ni Kath.
"Tin, please reply-an mo naman kami." si Ivy ulit.
Marahas akong bumuntong hininga bago nagtipa ng ire-reply ko sa kanila.
"Okay lang ako." tanging reply ko sa kanila.