Chapter 04

1792 Words
MARK POV--- Kasalukuyang nandito ako ngayon sa loob ng isa sa branch ng aming mall. Nagkaroon ng problema sa marketing, kaya kailangan kong personal na puntahan para malaman ko kung ano talaga ang totoong nangyari. Hindi ko maiwasan mapa-isip kung sino ang taong nagta-traydor at sumasabotahe sa aming negosyo. Kaya kailangan kong alamin para maparusahan ang mga tao na nasa likod nito. Nakatalikod ako malapit sa entrance habang kinakausap ko ang aking sekretarya kung ano pa ang mga dapat asikasuhin para makabalik kami kaagad sa Manila. Habang abala ako'y may narinig akong sumigaw ng 'I love you, boyfriend!' Napabuntong hininga ako sa narinig. "Hay, mga kabataan nga naman kung ano-ano na lang ang pinaggagagawa. Parang nagtitinda lang ng ukay-ukay kung makasigaw!" isip-isip ko. Ipagsasawalang bahala ko na lang sana iyon dahil akala ko mga teenagers lang na nagsisigawan. Ngunit sumigaw ulit ang isang tinig ng babae at inulit niya ang katagang binigkas niya kanina na para bang sa akin niya sinasabi iyon. Kaya nagtaka ako at pumihit paharap sa sumisigaw na babae. Ngunit pagtingin ko sa paligid ko ay sa akin na silang lahat nakatingin! Hinarap ko ang babaeng sumigaw at tinitigan ang kanyang mukha. Napatulala din ako, dahil akala ko'y teenager lamang siya. But, damn! Para siyang diwata na bumaba sa lupa. Maganda siya at bagay sa kanya ang morena niyang kutis. Balingkinitan ang kanyang katawan. Matangos ang ilong at katamtaman lang ang tangkad. Para siyang isang modelo. Damn so sexy! Parang ang sarap niyang yakapin at ikulong sa aking mga bisig! Bumalik lang ako sa aking tamang wisyo nang nakarinig ako ng tikhim mula sa aking sekretarya. "Sir, baka matunaw na siya sa kakatitig mo. At boyfriend ka raw niya? Ayyiee, si Sir may girlfriend," biro ng aking sekretarya. Biglang namula ang aking mukha at pakiramdam ko'y parang napahiya ako. Kaya nang makabawi ako'y naggalit-galitan ako para hindi halata na pinagpapantasyahan ko ang babae na nasa harap ko. "Are you out of your mind? Are you crazy! Me? Your boyfriend? How did that happen? I don't even know you. Crazy woman!" galit na turan ko sa kanya sabay duro ko sa kanyang mukha "S-Sorry, Sir," nauutal niyang hingi ng tawad sa akin, at mabilis siyang tumalikod sabay takbo papalayo sa akin. "Pasensya na, Sir kung nasabihan ka ni Tin ng gan'on. Laro-laro lang sana namin 'yun. Hindi niya sinasadya. Sorry po talaga," hingi naman ng pasensya ng isa sa mga kasama ng babae na batid ko ay kaibigan niya. "Sir, okay ka lang?" tanong ng sekretarya ko sa akin. "I'm okay, and please gawan mo ng paraan na walang makakaalam nito. Isa-isahin mo ang kumuha ng video. Dapat mabura mo ito. Kung kailangan na magbayad ako para hindi na magka-issue sa akin.. I'm willing to pay them," utos ko dito sabay hilot ng aking sentido. Problema na nga ang dahilan kung bakit ako narito. Pero problema rin ang sumalubong sa akin pagtungtong ko pa lang dito sa Iloilo. I'm Mark Anthony Ferrer, 25 years old. I am the only child, kaya bata pa lamang ako'y minulat na ako ng aking mga magulang sa realidad na ako lang ang tanging tagapagmana ng kanilang mga ari-arian. Kaya heto ako, sa murang edad ay marami na akong naipatayo na negosyo sa iba't ibang lugar.. also in abroad. Hindi naman ako strikto sa mga empleyado ko, but when it comes to business... business is business.Nakasandal ako sa aking swivel chair dito sa aking opisina habang tumatakbo sa isip ko ang babaeng nagsabi sa akin ng 'boyfriend'. Kahit 'di ko isipin ay bigla na lang lilitaw ang kanyang maamong mukha sa utak ko. "Hindi kaya ginayuma ako no'n?" bulong ng aking isip. Dalawang linggo na ang nakalipas simula nang magtungo ako sa Iloilo, at isang beses lang kami nagkatagpo ng babaeng iyon. Pero bakit parang gusto ko siyang makita ulit? That's why I am thinking to make a move, kung paano mapupunta sa akin si Christine Alonzo. Hindi ako umalis ng Iloilo hangga't hindi ko nalalaman ang kanyang pangalan. Kaya naman agad ko siyang pina-imbestigahan. Dali-dali kong kinuha ang aking phone para tawagan ang taong makakatulong kung paano ko makikilala ang babaeng hindi maalis-alis sa aking isipan."Hey. bro! Kumusta ang Manila?" bungad ni Alvin sa akin na kaibigan ko. Taga-Iloilo lang din siya. "Heto, gan'on pa rin. Ako pa rin ang pinaka-gwapo," biro ko sa kanya sabay tawa. "Akala ko pinakagag* na tao?" sakay niya sa biro ko at nagtawanan kaming dalawa. Ganyan kami kung mag usap, laging nag-aasaran.Si Alvin ay naging kaibigan ko no'ng nag-aaral kami sa kolehiyo. Pareho kami ng kursong kinuha kasama si Iren na longtime girlfriend niya. Balak na rin nilang magpakasal sa susunod na taon. "Maiba tayo, bro. Bakit ka napatawag? Wala bang chicks diyan at naalala mo ako?" pagkuwan ay tanong niya. Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita. "Ang lalim no'n, a! Kahit dito ako sa iloilo parang malulunod ako," tawa ni Alvin. "Bro, I want to know everything about her," panimula ko. Narinig ko ang pag-ubo ni Alvin mula sa kabilang linya. "Bro, really?! Isang Mark Anthony Ferrer, namomroblema sa isang babae?" may pagtatakang litanya ni Alvin. "Hindi naman sa gan'on bro. Alam mo namang simula nang ginawang panloloko ni Kate sa akin ay nawalan na rin ako ng tiwala sa mga babae. At nawalan na rin ako ng gana sa mga babae," paliwanag ko. "C'mon, bro! It's been three years, Hindi ka pa rin nakaka-move on? Uso rin ang mag-move on, bro. Maraming babae ang naghahabol sa isang Mark Anthony. Hayaan mo, kapag pumunta ka ulit dito, mag-girl hunting tayo," aniya na may halong biro. Natatawa pa ito mula sa kabilang linya kaya hindi ko na rin napigilan ang matawa. "Baka ikaw ang hunting-in ni Janine," sambit ko naman at sabay kaming natawa. "Balik tayo sa sinasabi mong babae. Ano ba ang gusto mong malaman tungkol sa kanya? Bakit mo siya hahanapin?" pagkuwan ay tanong ni Alvin."No'ng nandiyan ako. May sumigaw sa akin na 'I love you, boyfriend!'. Simula nang mangyari 'yun ay hindi na siya mawala sa isip ko," kwento ko."Nagka instant girlfriend ka pagkatungtong mo dito sa Iloilo? That's great, bro! Malay mo siya na ang makakabihag ng bato mong puso." "Ewan ko bro. Gusto ko lang malaman ang pagkatao niya." "Yun lang ba?" mapanuksong tanong ng kaibigan."Alvin, agent ka ba o tsismoso?" mapanuya kong tanong sa kaibigan. Isa kasi si Alvin sa magaling na agent. Kahit na may kompanya ito, pa rin ang libangan niya."Pero 'yun lang ba talaga ang pakay mo? Ang malaman ang pagkatao niya... o may iba pang dahilan?" kastigo naman ng aking isipan."Okay, bro. I will send all the details to you, as soon as possible, para mahanap mo na ang BABAE mo." Pinag-diinan pa talaga ng loko ang salitang babae."Mahaba-haba na ang ating usapan. Salamat," ani ko bago ko ibaba ang tawag."Good luck sa babae," pahabol niya pang salita bago niya pinatay ang tawag. Hindi na hinintay ang aking sagot at nawala na ito bigla sa kabilang linya. Loko talaga! Kinabukasan pag-check ko ng aking email, may message agad galing kay Alvin. At hindi nga ako nagkamali, dahil pag-open ko ng email ay profile ni Miss Alonzo ang bumungad sa akin. 'Christine Alonzo, 20 years old. Working student and a scholar. Her mother died when she was in 13. Studying at University of Iloilo (UI) 3rd year college taking up Criminology.' "Thank you, bro!" reply ko sa aking kaibigan. So, your Christine, huh! At gusto mo palang maging pulis, kaya pala kahit may maamong kang mukha nakatago ang pagka loka-loka mo. Pero parang hindi ka bagay maging pulis. Parang bagay ka sa akin. "Damn, Mark! Nababaliw ka na kakaisip sa babaeng yan!" kastigo ng aking isipan. Humanda ka Miss Alonzo. Oras na para maningil. Wait for me girlfriend!Ikaw ang nag-umpisa ako ang tatapos sa kalokohan mo na laro.Nandito na ako ulit ngayon sa Iloilo. Naghihintay ako dito sa labas ng kanyang eskwelahan dahil dito ako unang dumiretso kung saan siya nag-aaral. Hindi niya siguro ako napansin dahil ang sarap pagmasdan ng maamo niyang mukha. Pero mas masayang tingnan na para siyang baliw na nagsasalita mag-isa. Napangiti na lang ako habang pinagmamasdan siya.Pero dahil gusto ko na siyang makausap, dahan-dahan akong naglakad palapit sa kanya. "Konting tiis na lang ay makakatamtan ko na ang tangi kong inaasam na maging isang ganap na pulis. Thank you, Lord!" dinig kong usal niya habang papalapit na ako nang papalapit sa kanya. "Yun ay kung hindi ka makukulong," biglang sabat ko habang nakapikit pa ang kanyang mga mata.Pagmulat niya ng kanyang mga mata ay kita ko ang pagkabigla doon na parang hindi siya makapaniwala na nasa harapan ang lalaking sinabihan niyang boyfriend. Lulan na kami ngayon sa eroplano patungong Manila. Pagkatapos naming mag-usap, pina-asikaso ko agad sa aking mga tauhan ang mga kailangan niya para madala ko siya sa Manila. "Sir, ano ba talaga ang trabaho ko at saan ako titira?" May takot ngunit mahinahon niyang tanong sa akin. Iba siya noong una ko siyang nakilala. Kung noon ay loka-loka siya, ngayon ay para siyang maamong tupa na nawalan ng nanay."Gutom ka na ba?" tanong ko sa kanya at hindi ko na sinagot ang kanyang katanungan. Parang iba ang pakiramdam ko sa tuwing naririnig ko ang kanyang boses. Feeling ko'y inaakit niya ako. Kanina pa ako nagpipigil. Damn! Bakit ganito ang nararamdaman ko sa kanya? Kakaiba. Hindi naman ganito dati ang nararamdaman ko para kay Kate. "You can take a snap if you want, Miss Alonzo. We have 45 minutes, bago mag-landing ang eroplano sa Manila. At huwag ako ang titingnan mo, dahil baka matunaw na ako sa kakatitig mo sa akin. Matagal ko ng alam na gwapo ako," sambit ko sa kanya dahil kanina ko pa napapansin ang paninitig niya sa akin. "Gwapong-gwapo sa sarili. Akala mo naman talagang gwapo!" rinig kong bulong niya. "May sinasabi ka, Miss Alonzo?" "Wala, Sir. Baka napasukan ka ng hangin sa ulo kaya kahit walang akong sinasabi may naririnig ka," sarkastiko niyang tugon. Napangisi ako. "Akala ko gusto mo ng halik," ganting biro ko at medyo pinalapit ko pa ang mukha ko sa mukha niya.Ngunit bigla niya na lang akong sinampal na ikinagulat ko. Damn this woman! Siya pa lang ang nakagawa nito sa akin. "Buset, manyak! Porket hawak mo ako, kung anong gusto mong gawin sa akin ay gagawin mo na!" galit niyang sabi. Oh, s**t! Hindi pala mabiro ang future pulis na ito. Parang mahirapan akong pakisamahan ang babaeng ito. Baka imbes na ako ang babaril sa kanya, siya pa ang bumaril sa akin. Humanda ka sa akin, dahil hindi ako titigil hangga't hindi kita napuputukan! Napapikit na lang ako na may ngiti sa aking mga labi habang iniisip ko kung ano ang susunod na mangyayari sa amin ng babaeng nasa tabi ko ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD