Nang magmulat si Shiny Star ng mga mata ay agad niyang inalala kung ano ang nangyari sa kanila. Ang huli niyang natatandaan ay nang tuluyan silang bumagsak sa isang planeta. At upang mapigilan ang pinsalang mangyayari sa planetang ito, ay agad niyang pinaliit ang kanilang sasakyan, na naging dahilan ng kanilang kalagayan ngayon. Bumangon siya’t hinanap ang kaniyang mga tagapangalaga. Bumuti naman ang kanyang pakiramdam nang masilayan ang mga ito. Iniikot niya ang kanyang paningin sa salid na kinaroroonan nila. Maliit ang silid na iyon kumpara sa kanyang silid sa kanilang planeta. Ininspection niya ang kanyang sarili at natuklasang iba na ang kanyang kasootan. Hinawakan niya ang kanyang sintido at sinubukang kausapin ang kanyang mga tagapangalaga gamit ang kaniyang isip. “Glitter, Shimme