“Ano bang suliranin ang iyong sinasabi Glitter?” tanong ni Shiny Star sa kaniyang tagapangalaga. Napangiwi si Glitter at hindi alam kung paanong sasabihin sa kaniya ang suliraning sinasabi nito. Tumayo siya mula sa kaniyang kinauupuan at lumapit dito. Doon na nag-iba ang kulay ng mukha ni Glitter. Kulay asul, berde, pula, pilak, ginto at lila ang kulay niyon. Nangyayari lamang iyon kapag kinakabahan ito. “Ano ba kasi iyon Glitter? Magsalita ka nga!” aniya rito. “Prinsesa, bumubulusok ang ating sasakyan! Sasalpok tayo sa isang planeta!” tili nito. Agad niyang sinilip ang labas ng kanilang sinasakyan. Tunay nga ang sinambit ng kaniyang tagapangalaga. Kailangang may gawin siya, upang hindi makagawa nang malaking pinsala ang kanilang pagbagsak sa isang planeta. “Glitter, tumabi ka diyan