Nagtataka si Nanay Nena sa ikinikilos ng mga kinupkop niyang mga dalaga. Kakaiba kasi ang mga ikinikilos ng mga ito. Hindi niya alam kung saan ba nanggaling ang mga dalagang iyon. Ang tanging alam lang niya ay bumagsak ang mga ito mula sa kalangitan. Flashback Kauuwi lang ni Nanay Nena mula sa kaniyang trabaho. Araw ngayon ng kaniyang pahinga, kung kaya naman ay naisipan niyang umuwi sa kaniyang tahanan, upang maglinis at doon mamahinga. Pagod na pagod ang kaniyang pakiramdam dahil sa kakulangan ng tauhan sa mansion ni Darius, ang kaniyang batang amo. Mag-isa lang siyang namumuhay dahil kailanman ay hindi sila nabiyayaan ng supling ng kaniyang yumaong asawa. “Kailangan kong makahanap nang makakatulong sa bahay ni Darius, dahil kung hindi ay baka hindi na ako abutin ng isang buwan pa rito s