“SO, you and Joaq are now official?” Out of the blue na tanong ni Bernice sa kanya. Kasalukuyan silang naka-upo sa labas ng convenience store na kanilang pinuntahan para bumili ng ice cream. Inutusan silang dalawa ng mama ni Joaq na gawin iyon. Malamang narindi na sa katatalo nilang dalawa sa kitchen. Hindi din naman kasi niya maintindihan kay Bernice kung bakit ang init init ng dugo nito sa kanya. Kung tungkol pa din iyon kay Yvo, hahangaan na niya ito dahil hanggang ngayon ay hindi pa din nakaka-move on ito. Habang siya, ginagawa niya ang lahat nang makakaya para maka-alis sa anino nang pangyayari sa nakaraan. Bukas pa sila ng tanghali uuwi ni Joaq at sinabi na niya iyon sa mga kaibigan niya. Joaq told her that he will drive Eloy’s car since he didn’t bring his own car. Dinala lang pal