Chapter One
MAINGAT na pumaling si Joaq sa kabilang bahagi ng kanyang kama. Iginala niya ang kamay na tila ba may hinahanap. Napadilat siya at bahagyang bumangon. Wala na si Paola na siyang muling nagpa-init sa gabi niya. Tuluyan siyang bumangon upang hanapin ito. Tiningnan niya ang cr, ang balcony, kitchen at ang swimming pool area ngunit wala siyang nakitang Paola sa paligid. He heaved a deep sigh. Matama siyang muling bumalik sa kwarto at naupo sa kama.
Where is she? Tanong niya sa sarili
Dinampot niya sa ibabaw ng bed side table ang cellphone. Sinubukan niya tawagan ang numero nito ngunit tanging operator lang ang nagsalita.
Cannot be reach? What the hell? Frustrated niyang sabi sa isipan.
Pabagsak siyang muling nahiga sa kama. Nilagay ang isang braso patakip sa mga mata niya. He had a one night stand with a woman who was totally stranger to him.
“Curiosity really kills the cat.” Bulalas niya ng may kumudlit na alaala sa kanyang isipan. Her smile, her voice, and her touch. Also the smell of her skin and hair just like a freshly bake red velvet cupacake. Lahat ng iyon ay sariwa pa sa kanyang alaala. Hindi iyon ang unang beses na may naka-one night stand siya. In fact, suki siya noon dahil na din sa kagagawan ng kaibigan niyang si Jai na panay ang bigay sa kanya ng babae. But Paola was different from those girls he slept with. Hindi ito galing kay Jai at hindi rin lang s*x ang habol nito sa kanya. She approached him and they talked about random topics.
Nakapag-open up siya dito na para ba’ng matagal na sila magkakilala. Bagay na hindi niya nagagawa kina Art at Jai na best friends niya since grade school. Nahilot niya ang magkabilang sentido gamit ang isang kamay. Naparami ang inom nila kaya sila nauwi sa kama. Malinaw kasi sa isipan niya na wala siyang balak makipag-hook up nang nagdaang gabi. He just want to be drunk so he can sleep immediately.
“Oh what happen here?” Napalingon siya nagsalita. It was Art, one his best friends. “May buhawi ba na dumaan dito o wild na babae lang?” He flickered his middle finger at him.
Yes, ang gulo ng kwarto niya at bago iyon para sa kanya na may OCD. Did he really lost his control last night?
Damn!
“Bakit ang aga mo dito?” tanong niya saka sinimulang ayusin ang kama.
“We have a meeting with Mrs. Salazar regarding with the concubinage case she filed against her husband.” Mahabang sagot ni Art sa kanya. “Hindi ka pwede wala doon, Joaq. Mrs. Salazar likes you but I don’t really like the idea of you sleeping with her.”
“Gago!” Tumawa lang si Art. Panira talaga ng umaga ang kaibigan niyang iyon.
“Relax. Ang aga aga masyado mainit ang ulo mo. Nabitin ka ba?” Pinukol niya ito nang masamang tingin. “Mukhang alam ko na. She left without any traces of her identity? Bago iyan, ha.”
“Because she’s not from Jai. She’s someone I met after you and Jai ditch me last night.” Aniya dito.
“Well, that leads you to her.” Naiiling niyang nilagpasan ito at diretsong tumungo sa cr. “Hihintayin kita sa baba, Joaq!” Nadinig niyang sigaw ni Art. Pinihit niya pabukas ang shower saka tumapat doon. Hanggang doon si Paola pa din ang nasa isipan niya. Saan niya ito hahanapin ngayon?
Damn! This is not me. Hindi ko dapat hinahanap ang babaeng naka-one night stand ko.
~•~•~
“WALA ka ba balak na sagutin ‘yan?” tanong sa kanya ni Eloy.
Sinipat niya ang tinutukoy nito. It was her phone which kept on ringing since she opened it awhile ago. Dinampot niya iyon saka ni-reject ang tawag. May amusement sa mukha ni Eloy nang makita ang ginawa niya. Inignora niya iyon saka lumabas sa working room niya. Tinungo niya ang ibabang bahagi na isang café. She owned that three storey establishment, a Café-c*m-working space at the heart of Makati City. Ngunit kailan lang, naisipan niyang i-display ang mga gawa niyang painting para maibenta. Kaya binukas niya ang ikalawang palapag para gawing art gallery.
Ang ikatlong palapag naman ay ang bahay niya. She live there alone. Some people find her creepy because she only go outside at night. Bihira din siya bumaba sa café at kasama ang araw ngayon sa mga bibihirang pagkakataon na masisilayan siya doon. May gulat na rumehistro sa mukha ni Sofia nang makita siya.
“Mari, yung choco latte ko,” aniya saka tuloy tuloy na tumungo saka naupo sa high stool chair sa harap ng counter. Agad na tumalima ang part timer nilang si Mari sa utos niya. Naupo sa tabi niya si Eloy habang si Sofia naman sa kabila. “Don’t ask anything about last night. Ayoko na maalala pa.”
“Eh, you made that guy go insane, bakla.” Sabi sa kanya ni Eloy saka tinuro ang cellphone niya na tumutunog na naman. Muli, ni-reject niya ang tawag nito. Ano ba kasi naisipan niya at pina-ring niya ang number nito nang ibigay sa kanya? That’s the only trace she left. Dapat wala at ngayon lang naman niya nagawang makipag-one night stand.
Bwisit na alak! Hinding hindi na ako iinom talaga!
“Ano ba gusto niya?” naiirita niyang sambit.
“Eh, baka kailangan ng closure.” Sambit ni Sofia.
“What happened to us last night doesn’t need that. Dapat iyon kinakalimutan na lang.”
“Sa ‘yo, oo pero kay baby boy hindi. Tinamaan sa ganda mo, bakla.” Pumalumbaba sa harap niya si Eloy at inirapan niya lang ito.
“Baka nagalingan na sa performance mo.” Pinukol niya ng masamang tingin si Sofia.
“Alam niyo hindi kayo nakakatulong,” aniya saka marahas na dinampot ang choco latte na pinagawa niya kay Mari. Mabilis siyang lumakad pabalik sa working room niya. Ini-lock niya iyon para hindi makapasok ang dalawa niyang kaibigan na wala na namang gagawin kung ‘di guluhin siya.
Matama niya pinagmasdan ang ginagawang painting. It was a painting in progress about her everynight’s dream. It was her staring and waiting for a guy on the other side of the stream that separates the both them. Kada lilingon ang lalaki sa kanya ay nagigising siya kaya hanggang sa mga oras na iyon wala pa din siya ideya kung sino iyon. Kung ano ibig sabihin ng panaginip niyang iyon.
Na-draft na niya iyon sa canvass at kukulayan na lamang. Pero dahil sa pagiging lutang niya ay hindi pa din niya nagagawa. Paulit ulit kasing nag-p-play sa isipan niya ang nangyari nang nagdaang gabi. Siya ang unang humalik dito.
Damn that tequila shot!
Sunod sunod siyang napailing. Hindi siya dapat naapektuhan noon. Siya na din ang maysabi na dapat iyon kalimutan na lang.
Forget and continue living alone. You’re better off alone, Paola.
Siniksik niyang muli iyon sa isip niya. Hindi siya pwedeng ma-involve ulit sa panibagong pagkakamali. Sa hirap na dinanas niya ma-redeem lang muli ang sarili mula sa kahihiyang inabot, ayaw na niyang maulit iyon. She came to that place to start a new life. Masyado lang siyang na-stress matapos magtungo doon ang rason ng kanyang paglayo.
Si Bernice Del Mundo.
Kinalimutan na niya ito at buong buhay niya iniwasan. Ngunit daig pa nito ang zombie na walang kamatayan. Patuloy siya hinahabol kahit na saan siya magpunta. Dapat talaga sinunod na niya ang sinabi sa kanya ni Eloy noon na magpalit ng identity pati pagbabago ng bahagya sa itsura niya. Humarap siya sa salamin at pinagmasdan ang sariling repleksyon. Binato niya ng baso ang sariling repleksyon dahilan para magkaroon iyon ng c***k. Muli niya sinipat ang sarili. That’s her inside, broken and insanely dangerous.
She hates her face. Makailang beses na niyang tinangka na sirain iyon pero napipigilan siya nina Eloy at Sofia. That face was the sole reason why she kept on hiding from people. Why she doesn’t let no one to be near at her. Tanging ang dalawang kaibigan lang niya ang hindi natinag kahit itinataboy na niya ang mga ito. Tinulungan siya nitong makabangon ulit. Pero kung kelan nagsisimula siya saka naman babalik ang babaeng iyon para ipaalala sa kanya ang mga nagawa niya.
Mariin siyang napapikit.
Enough blaming yourself, Paola.
Hindi naman niya kasalanan ang pagpapakamatay ng iisang lalaki na minahal nilang dalawa. Nagpaubaya siya dahil mahal ito ni Bernice ngunit ang pagpapaubaya niyang iyon ang dahilan kung bakit nagawang kitlin ni Yvo ang sarili nito. She took all the blame and hate from Yvo’s family and Bernice. Pati ang pamilya niya iniwan siya sa gitna ng pagsubok. Marahas siya napabuntong hininga nang madinig ang magkakasunod na katok. Tinungo niya iyon para buksan.
“Bakla, may bibili ng Girl in the Rain painting mo.” Anang sa kanya ni Eloy.
“I’m not selling that.” Sambit niya.
“He will doubled the price daw.”
“Sino ba iyan?”