INANGAT ni Paola ang kamay at tinapat iyon sa araw. May ngiti na gumuhit sa mga labi niya nang madama ang init na galing doon. Saglit na dumilim nang may kung anong tumabing sa paningin niya. Nang ayusin niya ang nakapatong sa ulo ay nabungaran niya si Joaq na ilang dipa lang ang layo sa kanya. Nginitian niya ito at naiiling naman itong humakbang palapit sa kanya. Awtomatiko naman siyang napa-atras. “Sometimes… sometimes, you’re charming,” She frowned at him. “May naalala ka ba sa nangyari kagabi?” Umiling siya bilang pagsisinungaling. Syempre meron at malinaw iyon sa balintanaw niya. Mula sa eksena na magka-duet sila ni Bernice hanggang sa eksena kung saan binuhat siya nito para ibalik sa Casa Dominguez. Lahat iyon ay naalala niya at alam din niya na nag-confessed siya dito. Pero kail