MALALIM NA HUMINGA si Paola bago dinampot ang baril na nasa kanyang harapan. She’s in a shooting range right now trying to conquer her fear of gun shot sounds. Hindi niya pinaalam kay Dr. Niko ang balak niyang iyon. At lalo na kay Joaq. Basta ang sinabi lang niya sa kasintahan may aasikasuhin siyang importante sa araw na iyon. Walang nakaka-alam na naroon siya sa side nina Joaq. Only Eloy and Sofia knows where she was. Sana lang hindi maidaldal ng dalawa kung sakaling magtungo sa café si Joaq kasama ang mga kaibigan nito. “You’re shaking. Are you alright?” tanong na nagmula sa kanyang likuran. Nilingon niya ito at hindi sinasadyang naitutok dito ang hawak na baril. Tumaas ang dalawang kamay nito sa hangin. “Put the gun down and try to relax first.” Sinunod naman niya ito. Binalik niya