“HAPPY BIRTHDAY, DR. NIKO!” Bati ni Paola sa doctor ng pumasok ito sa opisina nito. May sumilay na ngiti sa mga labi nito. Diretso nitong tinungo ang upuan saka binukas ang computer. Pinatong niya sa table nito ang cake na siya mismo ang nag-bake. “Dapat mamaya pa iyan kaso sabi ni Joaq huwag na daw ako mag-abala pa na regaluhan ka.” Tumawa ang doctor sa sinabi niya. May sapi kaninang umaga si Joaq kaya hindi niya ito nakausap nang matino. Kung sasabayan naman niya ito ay mag-aaway lang sila. Hinayaan na lang niya ito sa trip ng kasintahan. Pero hindi naman niya tatapusin ang araw na gano’n ang mood ni Joaq. Hindi pwede! “Napagka-sweet talaga ng isang iyon. Nagtataka ako kung kapatid ko ba talaga siya.” Napangiti siya. “Thank you for this.” Anito saka tinabi ang cake. “I should be the