“ANG aga mo namang magsara.”
Nagitla siya sa boses na nadinig mula sa likuran niya. Mariin siyang napapikit. Isa pa na iiwasan ko ang pagkakape… aniya sa isipan. Marahas siya lumingon sa pinaggalingan noon upang sinuhin ang nagsalita. Her jaw almost dropped when she saw someone she least expected. It was the guy whom she don’t remember the name, again. He looked more handsome in his gray three piece suit and his hair was neatly brushed up. Kanina hindi niya gaano na nakita ang suot nito pero tingin niya parehas lang iyon. He flashed a smile at her. Nag-umpisa itong lumakad palapit sa kanya.
“Stop.” Utos niya dito at tumigil naman ito. “Anong ginagawa mo dito?” tanong niya agad.
“I’m here to buy a box of red velvet cupcake. Mari was right it's tasty and it's smell reminds me of someone.” Nagpatuloy ito sa paglapit hanggang sa dalawang hakbang na lang layo nito sa kanya. Napalunok siya. Siya ba iyong tinutukoy niya? Lihim siya napailing. Naniniwala siyang hindi iyon ang tinutukoy nito.
“W-we’re closed already.” Akma siyang papasok ngunit napigil siya nito. May tila kuryenteng dumaloy sa kanyang mga ugat papunta sa kanyang puso nang dumaiti ang kamay nito sa hubad niyang mga balikat. She was wearing a knee length white buttoned sleeveless dress. Dalawang kulay lang naman ang damit na palagi niyang sinusuot. Its either white or black. “Anong ginagawa mo?” tanong niya dito.
“Invading your privacy since the café is already closed now,” anito saka giniya siya papasok.
Kumawala siya dito saka pinigil ito. Napahawak siya sa dibdib nito dahilan upang lalong tumindi ang bilis ng t***k ng puso niya. Bakit ba ganito ang epekto nito sa kanya? Anong tawag sa gano’ng pakiramdam?
Jusko! Get into your senses, Paola!
“Let’s just forget what happened last night.” she said in straight face. She composes herself back to her normal self. The intimidating version of herself that she imposed awhile ago when they met, again. Ito na ang pangatlong beses na nagkita sila.
She jailed herself on her working room after her talked with Eloy. Ngayon lang siya lumabas para isara ang café niya. Sanctuary Café and Art Gallery opens everyday from 5am to 7pm. Nang nakaraan buwan lang niya naisipan ibukas iyon matapos ang ma-settle ang lahat ng mga papeles na kailangan para sa negosyo. Syempre hindi siya ang umayos noon kung ‘di Eloy. Habang si Sofia naman ang umayos sa mga bagay na kailangan gawin para makilala ang negosyo nila at maging sa hiring ng mga staff. Siya ang namahala sa menu na ihahain sa mga customers. Lahat ng pastries, cakes and cookies doon ay siya ang personal na nagbi-bake.
Iyon ang ginagawa niya kapag wala siya sa harap ng canvass at mga pintura niya. Iyon ang dalawang bagay na bata palang siya ay ginagawa na niya. Lahat naman ng pera na pinambili niya sa building, gamit at kung ano ano pa ay galing sa mga nabenta niyang paintings, designer clothes, bags, shoes. She even sold her car para lang matuloy niya ang negosyo na iyon. She’s the anonymous owner ng Sanctuary Café and Art Gallery. Ang akala ng lahat dalawa lang ang may-ari noon pero ayos na din iyon, at least hindi niya kailangan makipag-deal sa mga tao.
“Paano ba iyan mukhang ikaw lang ang may gusto na kalimutan iyon?” sambit sa kanya nito.
“Ano?”
“You’re not just a one night stand to me.” Natigilan siya sa sinabi nito. What does he meant by that? Mabilis siyang nakabawi.
“Bahala ka sa buhay mo.” Aniya saka tinalikuran ito. Tumungo siya kusina para gawin na ang dapat niyang gawin. Bibilang palang siya ng tatlo pero natigil dahil pumasok na din doon ang lalaki. “Wala ka talaga balak na umalis, no?”
“Ang galing mo, nahulaan mo iyon.” Napabuga siya ng hangin saka inikutan ito ng mata. Muli niya itong tinalikuran para kumuha ng mga ingredients sa refrigerator. She need to bake blueberry cheesecake, blueberry muffin, red velvet cupcake and cookies para sa menu bukas. Ang dami niya gagawin at sana hindi distraction ang existence ng gwapo nilalang na nasa paligid niya. Wait? Did she say gwapo? Oh my God, I must be crazy... Erased that! Erase!
“Was this really an old house you turned into café and gallery?” tanong nito sa kanya.
“Yes at walang multo dito.” Sagot niya.
“I’m not afraid of ghost. Mas takot ako sa realidad at mawala ang taong mahalaga sa akin.” Napatingin siya dito. She remember that he’s a son of a politician that she also forgot the name. She sucks in remembering names. May lungkot na rumehistro sa mga mata nito sa kabila ng ngiti nito. Sinara niya ang refrigerator pagkalabas niya ng mga kailangan kabilang doon ang chocolate bar na pinabili sa niya Eloy kahapon.
“Eat that. Sweets are best cure for sadness.” Aniya saka inabot dito ang chocolate bar. “I don’t know how to comfort someone so kainin mo na lang iyan.”
“You did comfort me last nig –“
“Stop! Itutulak talaga kita palabas.” Banta niya dito nang banggitin na naman nito ang tungkol sa nangyari nang nagdaang gabi.
“Okay ma’am.” Anito saka sinimulang kainin binigay niyang chocolate. “You live here alone?”
“Yes.”
“Your parents, where are they?”
“I don’t know. Napagod na silang maging magulang ko. Kaya ako lang mag-isa sa buhay.”
“So, that explains the sadness in your eyes too.” Napatingin siya dito. Napansin nito ang kalungkutan na buong akala niya mananatiling invisible sa mata ng lahat. “I somehow can relate to you.”
“We’re not the same. Mama mo lang napagod na maging nanay sa ‘yo, sa akin lahat. Iniwan nila ako kung kelan kailangan ko sila. I don’t know why am I even saying this to you.”
“Kasi mas masarap daw kausap ang mga strangers.”
“Yeah. Stranger whom I can’t remember the name.”
“Aw, hindi mo maalala ang pangalan ko? Then, take a guess.”
“Hindi ko nga maalala ‘di ba so bakit mo pa papahulaan.”
“Just try guessing it.” Nabuga siya ng hininga. Ang kulit ng lalaking ito! Aniya sa isipan.
“I call you Jacob, then.” She conceded. Iyon ang unang pumasok sa isipan niya. Bahala na kung hindi talaga iyon ang pangalan nito. Nakita niya ang pagngiti nito. Umiwas siya ng tingin dito. Pati ngiti niya apektado na ako. Lihim siya napailing.
“Then I call you Rachelle.” Napaawang ang labi niya.
How does he know my second name?
SINAMAHAN ni Paola si Joaq hanggang sa sasakyan nito. Alas tres na nang madaling araw at mula alas siete kagabi ngayon lang sila natapos sa pag-uusap. They talked while she was baking. Maigi na si Sofia ang nakatoka sa opening para ngayong araw kaya makakatulog pa siya. Ang dami nilang napag-usapan na dalawa. Mula sa personal na buhay hanggang sa mga kalokohan ni Joaq noong nag-aaral pa ito. Who would have thought that a dignified lawyer like him was not a serious student back then?
“Here. Dalhin mo na ito.” Aniya sa binata saka inabot ang isang box ng red velvet cupcakes. “You said you like this kaya ayan libre ko na sa ‘yo.” Dagdag pa niya.
“Thank you.” Anito sa kanya. “Can I invite on a date later?”
“What?”
“Date. A day with me.” Paglilinaw nito sa sinabi. “Para mas maramdaman mo na seryoso ako sa sinabi ko na hindi ka lang one night stand sa akin.” Ngumiti ito sa kanya. Hindi niya alam ang sasabihin. After two years, ngayon lang ulit may lalaking naging ganito kapursigido na makilala siya. Ngayon lang ulit siya nakipag-usap sa iba liban kina Eloy at Sofia. Nakadama siya ng takot na baka sa umpisa lang lahat ito. At sa dulo maiwan na naman siya.
“I’m sorry we can’t. Go home now.” Aniya saka akma itong tatalikuran ngunit napigil siya nito.
“Why? Bawal ba o may magagalit ba?” Umiling siya dito. “Then, tell me why we can’t go on a day date?”
“Hindi ako pwedeng maarawan. Nahihilo ako kapag maraming tao.” Pagsisinungaling niya dito saka kinalas ang pagkakahawak nito sa kanya. “Mas okay na ito na ang huli nating pagkikita. I can’t entertain you anymore. Goodbye.” Aniya saka tinalikuran ito. Dire-diretso siyang tumungo pabalik sa café. Hindi na niya nilingon na si Joaq. Mas maigi na ngayon palang tigilan na niya ito bago niya pa pagsisihan ang lahat sa huli. Natigilan siya pagpasok nang makita muli ang babaeng hindi pa rin tumitigil sa panggugulo sa kanya.
Si Bernice.
"Hindi ka pa nakuntento kay Yvo gusto mo pati si Joaq mabaliw sa 'yo." Anito sa kanya. "Don't you know that Joaq's only best friend was Yvo? The guy you made killed his self two years ago." She emphasised the word killed. "Of course you don't know that because you're a selfish b***h trying to be innocent and pure."