Chapter Four

1376 Words
"Hindi ka pa nakuntento kay Yvo gusto mo pati si Joaq mabaliw sa 'yo." "Don't you know that Joaq's only best friend was Yvo? The guy you made killed his self two years ago."  PAULIT ULIT na pumapailanglang sa isipan ni Joaq ang mga binitiwang salita na iyon ni Bernice kay Paola. Halos hindi niya magawang matulog kakaisip. The girl who made Yvo killed himself was none other than Paola. Binukas niya ang laptop niya saka sinearch ang pangalan ni Paola sa internet. Ayon sa isang blog, Paola Rachelle Sanchez was the only girl among the four children  of Victorino Sanchez and Felicidad Sanchez. Totoo na bigla na lang itong nawala matapos ang isang insidente na kumaladkad sa pangalan ng mga Sanchez sa kahihiyan. Kumudlit sa alaala niya ang mga huling sinabi sa kanya ni Yvo nang mag-usap sila bago ito namatay. “Joaq, I might ruined her life but I’m only doing this because I love her so much. I don’t want anybody. Siya lang ang gusto ko.”  Mariin siya napikit saglit saka dumilat at tinuloy ang pagse-search. He clicked another blog about Paola. Sinabi doon na ang pagpapalaglag nito sa dinala ang dahilan para magpakamatay si Yvo Mikael Mercado. Nahilamos niya ang kamay sa mukha. Paola was not at fault. She’s not selfish, too. It was Yvo who gone insane and blimd because of love for her. Marahas siyang tumayo, dinampot ang susi at lumabas ng opisina niya. Yvo Mikael Mercado was his best friend. Magkasabay silang lumaki, nagkaisip at nag-aral. Magkaibigan ang kanilang mga magulang. Si Yvo ang tanging kaibigan na mayroon siya na hindi nang iwan noong mga panahon na nabubuhay siya para i-impress ang kanyang mama. Ito din ang palaging kasama niya sa lahat, kalokohan ‘man o seryosong mga bagay. He was in Atlanta the time Yvo ended his life. He was asking why he do that. For two years iyon ang tanong niya na ngayon lang nabigyan ng sagot. Seryoso siyang nagpatuloy sa paglakad. Nasalubong niya sina Art at Jai na mukhang siya ang balak puntahan. “Joaq, aalis ka?” tanong sa kanya ni Art. “Bibisitahin ko lang si Yvo.” Aniya dito. “I don’t know if makakabalik pa ako. Just go on with your normal schedule.” Dagdag pa niya saka nagpatuloy sa paglakad. Nawalan siya ng gana magtrabaho ngayon.  Tinungo niya ang parking lot at sumakay sa sasakyan. Agad niya iyon pinasibad papunta sa Loyola Memorial Park. Mabilis ang naging byahe niya patungo doon. Wala pa isang oras ay nasa loob na siya ng vicinity ng sementeryo. Bumaba siya ng sasakyan at matamang nilakad ang daan papunta sa mausoleum ni Yvo. Hindi na siya nagtaka na naabutan niya doon si Bernice. Gaya ni Yvo kababata din niya ito ngunit hindi sila naging close masyado. May attitude problem kasi ito at iyon ang pinaka-ayaw niya sa lahat. Tumikhim siya para kuhain ang atensyon nito.  “Why were you here?” tanong nito sa kanya. “I’ll talk to Yvo and ask permission also.” Mabilis niyang tugon. “Ikaw, bakit ka nandito?” Balik tanong niya dito. “Araw araw ako dito para lang alam mo.” Tugon naman nito. “Still can’t move on?” Tumingin ito sa kanya. Kitang kita niya ang galit sa mga mata nito. Hindi naman siya nagpatalo. He also stared at her until she looked away. “If I were you, I will start living now without blaming someone just because Yvo died.” He heard her scoffed. “Nilason na ba niya ang isip mo? That girl really knows how to seduce guys.” Nakita niya ang pagiling nito. “Aren’t you afraid to go insane just like Yvo because of her?” “No. I’m not weak like Yvo.” “He’s your friend, Joaq!” “Oo at mananatili siyang kaibigan ko. Stop blaming Paola. Wala siyang kasalan kung meron ‘man dapat sisihin hindi siya iyon kung ‘di si Yvo mismo.” Isang sampal ang tinugon ni Bernice sa kanya. “You’re really good in slapping someone” Sasampalin pa sana siya nito ngunit napigil na niya.  “Let go!” sigaw nito sa kanya. “The next time you hurt Paola, I will forget that we’re childhood friend.”  “What did she do to you?”  “Open your eyes, Bernice. The answer to your questions were everywhere.” Aniya saka binitiwan ang kamay nito. Umalis ito doon at naiwan siya mag-isa. He used that moment to talked to Yvo. He asked his permission to pursue Paola. Yes, he’s inlove with her. Mabilis pero iyon talaga ang nararamdaman. He don’t know why or what he saw in Paola to fall in love. Gano’n naman kapag in love ka, hindi kailangan ng rason. Basta alam mo sa puso na mahal mo ang tao na iyon.  Halos isang oras siya doon nagtagal bago niya naisipang umalis. He’ll give Paola the space she needed. Maybe two weeks or a month was enough for her. Kailangan niya muna din ayusin ang sarili niya bago lapitan itong muli. Loving a broken girl on the inside needs a lot of effort. He wants to heal her. Ito yung sinasabi nilang minsan sa buhay ng tao darating ka sa punto na hindi nalang sarili mo ang iniisip mo. Kakalimutan ang mga sinasabi ng mundo para lang maprotektahan ang minamahal. He was in that point of his life. The first time he saw Paola that night he knew she’s the one he’s waiting. The one who will fill that void in his heart After a long drive, natagpuan na lang niya ang sarili na nakamansid sa Sanctuary Café and Art Gallery. Sarado na iyon ngayon at may hinihintay siyang lumabas. He patiently waited until he decided to go home. Itutuloy niya ang plano niya. Bibigyan ito ng space pansamantala bago muling lapitan ito. He hope that one day, he can put a genuine smile on her face again.  Kanina habang nagsesearch siya tungkol kay Paola, napadpad siya sa website na pag-aari nito. Doon niya nabasa ang bawat hinanakit nito sa lahat. Ang rason kung bakit niya in-isolate ang sarili. Kung bakit siya mas maingat na ngayon kumpara noon. May isang entry doon na tungkol kay Yvo. That entry moved him into tears. She loved Yvo with all her heart but she have to give way to Bernice. Bagay na hindi na intindihan nina Bernice at Yvo. To them, she’s selfish but for him she’s a strong woman. “Drinking alone?” tanong na nagpalingon sa kanya. Bumungad sa kanya ang tatlo niyang kapatid na si Niko kasama sina Migs at Iñigo. “Who made you go home, kuya?” Nagtatakang tanong sa kanya ni Iñigo. “Someone special.” Maikli niyang tugon. Naupo sa tabi niya si Niko habang kabilang side naman niya sina Migs at Iñigo. After seven years, ngayon lang siya umuwi sa bahay nila. Mabuti na lang wala ang mama niya nang dumating siya kanina. Hindi pa niya kayang harapin ito. Saka na siguro kapag sapat na ang tapang niya na tanungin ito. Kung bakit siya lang kanilang apat ang hindi inalagaan nito. Kung bakit sa kanya lang ito galit. Ano dahilan ng galit nito sa kanya? Wala ni-isa maski kasambahay nila ang nakapagpaliwanag sa kanya. His father only saying to him that give his mother a space and he did. After he graduated on his pre-law course, he moved out and live on his own bachelors pad. His father’s gift to him. Doon na siya umuwi mula nang magtuloy sa law school, makapatapos at makapasa sa bar. Pinupuntahan siya ni manang Fe para kamustahin, ipagluto at kausapin.  “Really special indeed.” Komento ni Niko. Kumuha itong baso para sa sarili pati para kay Migs at Iñigo. “I’m curious about her.” Si Migs. “Soon, you’ll meet her.” Aniya sa mga kapatid. Nagpatuloy sila sa pag-uusap na magkakapatid. Sobrang dami nangyari sa nakalipas na pitong taon na hindi niya pag-uwi sa bahay nila. Nagkakasya lang siya sa kwento ni manang Fe tungkol sa mga kapatid. Ang papa naman niya kahit retired politician na, abala pa din sa mga charity work nito. Minsan kasama daw ang mama niya ngunit madalas hindi. Alam niyang mas preferred ng mama niya na makipagsosyalan kaysa mag-charity work. “Will you talk to mama one of these days?” tanong sa kanya ni Niko. He shrugged. “Maybe. Depende kung kelan siya good mood.”  “She’s waiting for you.” Ani Iñigo. “Why she choose to wait when she can approached me?” “She’s afraid to the fact that you hate her.” Tugon ni Migs. He didn’t hated his mother. Siguro noong bata pa siya. As he grow old, mas marami ang tanong kaysa galit sa sistema niya. Tanong na matagal na nanghihingi ng mga kasagutan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD