MATAMANG nakatayo si Paola sa rooftop ng bahay niya. Hawak niya sa kanang kamay ang isang baso ng choco latte na paborito niyang pinapagawa kay Mari. Umaga na ngunit kataka-takang nasa labas pa siya. Napapikit siya ng may humampas na hangin sa kanyang balat. Ngayon lang niya ginawa iyon, ang lumabas na may araw pa. Hindi niya alam kung anong masamang espiritu ang humila sa kanya palabas doon. “Parang kelan lang tinanong kita kung kailan ang huli mo’ng pagpapaaraw, ngayon ginagawa mo na siya.” It was Eloy who stood next to her. Tinapunan niya ito ng tingin saka ngiti. “Even the smile, may sumapi ba sa ‘yo na kaluluwang ligaw.” She give him a deadly glare. “I’m tired to be their push over, Eloy. I’m tired to take all the blame always. Oras na para ipagtanggol ko naman ang sarili ko.” Pal