NANATILING nakatingin si Paola kay Joaq hanggang mapukaw na lang siya sa pagkaway ng kamay nito. She spaced out again. Lihim siyang napailing. “Uuwi na ako,” aniya saka tumayo pero naharangan siya nito. “Mawawala ka lang ulit gaya kanina at pupusta ako, hindi ka din marunong mag-commute,” sambit nito sa kanya. Pinukol niya ito ng masamang tingin. Does he have personality disorder? Kanina seryoso ito ngayon naman bumalik na ito sa pagiging makulit. How old is he? I feel like I’m with a kid with multiple personality. “Am I right? Woah!” “Shut up!” Bumalik siya sa pagkaka-upo. Eh ano kung nawala ako kanina? Ano din naman ngayon kung hindi ako marunong mag-commute? angil niya sa isipan. On second thought I feel so invalid. Wala na yata ako kayang gawin dahil sa pagkukulong ko sa sarili ko