“Don’t do this, Yvo. Please put the gun down.” Pakiusap niya kay Yvo pero hindi ito nakinig. Mas tinutok pa nito ang baril sa sentido. Umiling siya at paulit ulit na sinabi ang mga katagang h'wag. “Tigilan na natin ito Yvo. Tapos na tayong dalawa. Si Bernice, mahal ka niya.” “I won’t let you be happy with someone else, Pao.” Iyon lang saka pinutok na nito ang baril. “NO!” Habol hininga siyang napabangon mula sa pagkakahiga. Mariin siyang napapikit kasabay noon ang pagbagsak ng mga luha niya. Kailan ba siya lulubayan ng alaala na iyon? Hindi ba talaga niya deserved na maging masaya? Napukaw ang pag-iyak niya sa sunod sunod na tunog galing sa kanyang cellphone. It was from Joaq, greeting her good morning. Pero hindi na good ang morning niya. Inignora lang niya iyon. Pinahiran niya ang mg