TAHIMIK at hindi makatingin ng diretso sa mga mata ng sarili niyang ama. When she received her father’s text message two days ago, she agreed to meet him right. Baka kasi makatulong iyon at hindi na niya kailangan pa bumisita sa psychiatrist. Hindi niya sa Sanctuary Café and Art Gallery ito pinapunta, bagkus sa isang sikat na café dalawangpung minuto ang layo mula café niya. Ayaw niya mabahiran pa ulit ng galit ang bawat sulok ng lugar kung saan siya tanging nakakahanap ng katahimikan. Si Bernice lang naman ang dalawang beses na nagpupunta doon para guluhin siya. Until now, its still a mystery for her how did Bernice manage to find her when her parents can’t do it. “Kamusta ka na?” Nag-angat siya nang tingin. Agad niyang napansin pagbabago sa mukha ng ama. Nahahaluan na nang puti ang dati