Sabina
GOOD THING I passed the interview. Hindi naman ako trinaydor ng aking boses at kung anong ibatong tanong sa akin ni Attorney ay nagagawa kong sagutin.
Pinakilala pa ako sa isang HR para sa iilang interview na gagawin. Nang tanungin ako kung may bank accounts ako, natigilan ako.
Nawala sa isipan ko iyon!
May mga bank accounts ako, pero nakapangalan sa tunay kong pangalan. Iyon ata ang hindi ko mapepeke dahil hindi lang ako kay Atty. Salvatore magkakaproblema kapag nabuking ako.
“Wala po. Kulang po kasi ako ng mga IDs.”
Pinayagan naman nila ako na cheque na lamang ang i-issue sa akin sa salary ko. Nakahinga ako nang maluwag.
Magsisimula ako next week. May oras pa ako para mamili ng mga gagamitin ko sa trabaho. Hindi ko naman pwedeng gamitin ang mga designer’s bag ko at mga sapatos mula sa mga kilala brands. Maghihinala si Attorney lalo na’t sinabi ko sa kanyang dukha ako.
I remember Atty. Hades’ deep voice nang sinabi niya sa akin ang desisyon niya matapos ang interview.
“I am not giving you this job because I find it unsuitable to you, especially with your credentials. Instead, I will put you in the IT department.”
Trainee pa lamang ako at sabi ng sekretarya ni Attorney, maaari akong maging permanente rito kung sakaling magandahan ang management sa performance ko. I don’t need a permanent job, pero masaya na akong mapunta sa trabahong alam kong ma-e-enjoy ko.
Tinanggal ko ang wig, and fake braces, at gamit ang oil cleanser ko ay tinanggal ko rin ang aking makapal na kilay. Inilagay ko ang makapal na salamin sa loob ng lalagyan nito bago titigan ang aking sarili sa salamin.
Maging ako ay hindi ko makilala ang sarili kanina. Ang hirap pa lang magpanggap na ibang tao ka. Pero iisipin ko na lamang na ginagawa ko ito para makatulong kina Dad at Kuya.
Nag-shower lang ako at humiga na sa kama ko. Ipinikit ko ang aking mga mata na agad kong pinagsisihan dahil napaginipan ko ang panaginip na pinapanalangin kong hindi na ulit ako dalawin.
Start na ng trabaho ko. Dinala ako sa IT department at nagpasalamat ako sa nag-assist sa akin. Ipinakilala rin ako sa mga magiging kasama ko. May babae rito pero mostly ay mga lalaki ang nasa department na ito.
“May job opening pala sa IT? Hindi ko alam,” sabi ng isa.
Napatingin ako sa kanya. Ngumiti siya sa akin ngunit peke.
“Curious lang. Hindi ko alam na may vacant position pala tayo.”
Hindi ko na lang sila pinansin. Siguro ay iniisip nila na hindi ko kaya kung ano man ang trabahong ibibigay rito dahil madalas ay mga lalaki ang may interes sa computer. Papatunayan ko sa kanila na mali sila.
Nakilala ko ang nag-iisang babae sa IT department—si Julia.
Sabay kaming kumain ni Julia ng lunch. Sabi niya ay mahal ang bilihin sa cafeteria kaya’t sa labas na lang kami mag-lunch.
Naisip ko na maganda na ring may maging ka-close ako rito. At least kapag may gusto akong masagap na mga impormasyon, may malalapitan ako.
“Hindi madalas si Atty. Hades dito sa Puerto Rivas.” Sa rami ng sinabi niya sa akin, iyon ang nakakuha ng atensyon ko. “Sa Manila kasi ang main firm at doon naka-focus ang mga Salvatore. Mas marami nga namang malalaking kliyente roon na kailangang alagaan kumpara rito. Kapag kailangan lamang si Atty. Hades ay tsaka lamang siya dumadalaw rito. May hearing siya noong nakaraan at for decision na lamang. Panigurado namang mananalo siya.”
Bahagya akong nanghinayang sa sinabi niya. Paano ko kikilalanin si Atty. Hades kung parati pala siyang wala rito? Tapos Manila pa? Hindi ako pwedeng bumalik doon na ganito ang ayos ko, malalaman agad ng pamilya ko.
“Talaga? Sinong nagma-manage ng businesses nila rito kapag wala sila?”
“Kapatid niya at tsaka mama niya. Rito naman naka-base ang dalawa dahil naandito ang mga ospital ng pamilya nila. Sa firm naman, iyong isang abogado ang nagiging OIC kapag umaalis si Atty. Hades,” sagot ni Julia sa akin.
“Ospital? Akala ko ba family of lawyers ang mga Salvatore?” Uminom ako ng juice ko habang hinihintay ang sagot niya.
“Oo nga. Family of lawyers ang mga Salvatore pero ang mga Avellaneda, which is family ng mother ni Atty. Hades, family of doctors naman.”
Napaawang ang aking labi sa narinig. Just wow! According kay Julia, si Atty. Hades ang sumunod sa yapak ng ama habang ang nakababatang kapatid nito naman ang sumunod sa yapak ng kanilang ina. Looks like the Salvatore siblings are both brains and good-looks!
Marami naman akong nakuhang impormasyon kay Julia tungkol sa mga Salvatore pero…wala rito ang hinahanap ko.
“Alam mo iyong tinatayong building sana malapit dito?” Itinuro niya pa ang lokasyon ng hindi natuloy na proyekto ng pamilya ko.
Napatingin agad ako kay Julia. “Si Atty. Hades ang dahilan bakit nag-pull out ang mga investors niyan.”
Muntikan nang tumaas ang aking kilay sa narinig pero pinigilan ko ang sarili.
“He…can do that?” Ang hirap lumunok, lalo na at nakakasigurado akong si Atty. Salvatore nga ang may kagagawan bakit lumagapak ang proyektong isasagawa ng pamilya ko rito.
Siya ang dahilan bakit may problema ngayon ang dad at kapatid ko.
“Oo naman. Isang sabi niya lang sa mga iyon, susundin nila. Takot lang ng mga tao kay Atty. Hades, ‘no.” Lumapit sa akin si Julia na akala mo ay isang lihim ang pag-uusapan namin. “Sobrang makapangyarihan ng pamilya nina Attorney rito sa Puerto Rivas. Iisipin mo na pamilya lamang sila ng mga kilalang abogado at doktor pero hawak nilang lahat ang mga taong naririto sa leeg. Kalabanin mo sila at hihilingin mo na lang na sana ay hindi sila nakilala. Pakiramdam ko, may malaking kasalanan ang mga taong nasa likod ng project kaya’t pinabagsak ni Attorney, hindi pa man nagsisimula.”
Hindi na ako masyadong nagsalita dahil baka mapansin ni Julia na sobrang interesado ako roon. Iyon nga lang, lumalim ang iniisip ko sa maaaring dahilan bakit gusto kaming pabagsakin ni Atty. Hades.
Anong ginawa ng pamilya ko sa kanya?
Alam ko na hindi mabubuting tao ang pamilya ko. Ginagawa rin nila ang lahat para manatiling nasa tuktok. Pababagsakin din ang mga kakompentesya nila. But looking at the nature of the Salvatore’s businesses, hindi parte ang casino and hotels sa kanila na siyang nature ng business ng pamilya namin.
I heard the Ivanov and the De Laurentis, which are well-known families here, too, ang mga nasa ganoong businesses, kaya umaasa ako na baka nasa kanila ang gumawa ng pagpapabagsak.
So, why Atty. Hades Salvatore?
Kahit anong pagtatangka kong kalkalin sa isipan ko ang dahilan, wala akong maisip.
Mabilis kong natapos ang trabaho ko. Nang i-check iyon ng katrabaho ko, he seems doubtful. Siguro ay iniisip na mali ang mga ginawa ko kaya’t mabilis akong natapos.
Tumingin siya sa akin and all I can give to him was a smile. Alam ko na tama ang ginawa ko kanina.
“At least your thick eyeglasses weren’t just for display.”
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Inirapan ko na lang ito nang makalayo sa akin.
Feeling! Akala mo naman kung sinong gwapo.
Umalis ako sa cubicle ko at nagpunta sa pantry. Magkakape na lamang ako dahil inaantok ako sa lamig ng opisina.
Habang abala akong magtimpla ng kape ay nakarinig ako ng boses sa likod ko.
“I’ll be in Manila tomorrow. Prepare all the necessary evidence. The one who will prosecute the case is Prosecutor Alvarez. You know how he plays in court, especially when he wants to win the case.”
Napatingin ako sa kanya at laking gulat ko nang makita ko si Atty. Hades! Hindi ko inaasahan na magtatagpo kami ngayon.
Mabilis na kumabog ang aking puso lalo na nang magtama ang paningin naming dalawa. Hindi ako makahinga! Hindi ko alam bakit nagiging abnormal ang puso ko. Is it possible for someone to have a defective heart at nagiging abnormal lang kapag nakikita ang isang tao?
“Yes. Make sure our witness will attend the hearing. I’ll be going now.”
Tinapos niya ang tawag niya. Napakurap-kurap ako at natauhan.
“Atty. Salvatore, good afternoon po.”
Kinagat ko ang labi ko. Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin. May dapat pa ba akong sabihin? f*****g hell! Natataranta ako.
Hindi siya nagsalita pero nanuot sa aking balat ang malamig niyang titig.
Posible ba na makaramdam ka na tila sinusunog ang balat mo kahit na ang lamig ng tingin niya sa ‘yo?
“May kailangan po kayo? Coffee, tea, or…” me. Joke lang! Huwag ka ngang malandi, Sabina!
Tumingin siya sa akin. “Coffee. Black.”
Napatitig ako sa kanya at nagtaka. Inuutusan niya ba ako? But then, nagtanong ako kaya baka inisip niya na utusan nga ako.
Shit, Sabina! Get your freaking s**t together. Bakit ba kasi natataranta ako?
“Y-Yes, Attorney!”
Agad kong ibinaba ang cup ko at sinimulan na ang pagtitimpla ng kape niya.
I know how to brew a perfect black coffee since ganito ang gustong kape ng kapatid ko.
Ang pinagkaiba lang nito, habang nagtitimpla ako ng kape ay para bang natutunaw ako dahil sa lalaking nakatingin sa akin at tila ba pinapanood ang bawat galaw ko.
Tumunog muli ang cellphone niya. Maging ako ay nagulat kaya’t muntikan ko nang mabitawan iyong kutsara.
“Can you bring my coffee to my office?”
Nagtindigan ang aking balahibo sa aking batok. Tumango ako sa kanya.
“Yes, Attorney.”
Pinigilan ko ang sarili na tumingin sa kanya, dahil alam ko na sa oras na gawin ko iyon ay mawawala ako sa ulirat ko.
Hindi na siya nagsalita at umalis. Doon lang ako nakahinga nang maluwag. My goodness! Hindi ko akalain na buong oras na naandito si Attorney ay hindi ako nakakahinga nang maayos.
His good-looking face and his deep yet cold voice, sinong hindi manlalambot? Imbis na isipin ko na kalaban siya at threat siya sa akin dahil may balak siyang pabagsakin ang aking pamilya, ito ako at mukhang attracted pa.
Patawarin sana ako ng pamilya ko.
Dinala ko sa opisina ni Atty. Hades ang kanyang kape. Kumatok ako sa pinto.
“Come in,” sabi niya.
Sumilip ako matapos ko iyong buksan. “Attorney, here’s your coffee po.”
Naglakad ako papalapit sa kanyang table. Mabuti na lamang at hindi bumibigay ang aking tuhod dahil nakakapanlambot ang titig niya sa akin. Minsan ay hindi ko malaman kung gusto ko bang nakatingin siya sa akin o hindi.
Nang nasa tapat na ako ng kanyang table, nakakita ako ng isang pusa. Parang kulay ash gray ito. Sobrang ganda. I think it’s a British shorthair.
Hindi ako mahilig sa pusa. I am a dog person, pero may alam din naman ako sa mga breed nito.
Ilalapag ko na sana sa table ni Atty. Hades ang kape niya nang biglang tumalon sa akin ang pusa.
Nakalmot ako nito sa aking kamay at sa gulat ko ay nabitawan ko ang tasa ng kape na dahilan para bumagsak iyon sa sahig.
“Nala!” sigaw ni Attorney sa kanyang pusa.
Agad itong nagtago habang ako ay napahawak sa naging sugat ko. Hindi naman ito sobrang lalim pero makakaramdam ka ng hapdi.
Mabilis na lumapit sa akin si Atty. Hades.
“Let me look at that.” Bago pa ako makapagsalita ay hinawakan niya na ang kamay ko. Napasinghap ako at nanlalaki ang aking mga matang tumingin kay Attorney.
Hawak pa rin ang kamay ko, kinuha ni Atty. Hades ang medical kit niya.
Napatitig ako sa kamay niyang hawak ang akin. Nanuyo ang aking lalamunan at para bang sasabog sa init ang aking pisngi.
My goodness, Sabina! This man was the one who sabotaged your family’s business. Naandito ka para mag-imbestiga at malaman bakit niya iyon nagawa at hindi pagnasaan o maakit sa kanya. Huwag malandi!
Tinangka kong bawiin ang kamay ko. “Okay lang ako, Attorney. Kalmot lang naman po iyan ng pusa. Unless may rabies ang pusa mo, kakabahan na ako—”
Magbibiro sana ako pero agad siyang tumingin sa akin at nang makita ko ang halos walang emosyon niyang mga mata ay para bang napatigil ako.
Okay, hindi kami same ng humor. Bawal ko siyang biruin.
Ginamot ni Attorney ang aking sugat. Naririnig ko na nag-iingay ang kanyang pusa. Akala mo ay tao iyon at alam niyang may ibang pinagkakaabalahan ang amo niya.
“Quiet, Nala,” sabi ni Attorney na hindi natingin sa pusa.
Marahan ang paglilinis niya ng sugat ko. Ibang-iba ito sa image na iniisip ko sa kanya. Aakalain mo kasing mabigat ang kamay ni Attorney dahil sa way ng pakikitungo niya sa ibang tao.
Mapos niya iyong malagyan ng bandage ay ibinaba niya na ang kamay ko.
“Thank you, Attorney.”
Tumayo na siya at inayos ang medical kit niya.
“Apologies for Nala’s behavior. She’s fully vaccinated, so you don’t have to worry about it, but if you feel sick, please see the doctor and let me know. I will shoulder any medical bills.”
Tumayo na rin ako at tumango kay Attorney.
“And Miss Louise…” Nagtaasan ang balahibo ko nang marinig ko ang itinawag niya sa akin.
Nilingon ko si Attorney at hinintay ang susunod niyang sasabihin. He’s looking at me.
“Thanks for the coffee.”
Magsasalita na sana ako at sasabihin sa kanya na natapon naman ang kape niya ngunit mas pinili ko na ngumiti.
On my way out, nakita ko ang pusa niya na nanlilisik ang mga matang nakatingin sa akin.
I stuck my tongue out bago umalis. Natawa ako sa sarili. Patulan daw ba ang pusa.
Hindi mawala ang ngiti ko. Hinawakan ko ang bandage na inilagay ni Attorney sa akin. Kung ganito ang makukuha kong treatment dahil kinalmot ako ng pusa niya, willing po akong magpakalmot every day!