Sabina
NASA HARAPAN na ako ng building ng law firm na pagmamay-ari ng mga Salvatore. Tiningala ko ang kabuuan ng building. Malaki ito at sa tingin ko ay kanila ang buong building. Hindi na ako magtataka, I heard marami silang kinukuhang cases. Bukod kay Atty. Salvatore, marami pa silang ibang abogado.
They are the number 1 law firm in the Philippines according sa research ko kagabi.
Napalagok ako at hinawakan nang mahigpit ang folder na hawak ko. Naandito ang mga dokumento na kakailanganin ko sa pag-apply ng trabaho. Nakita ko sa site nila na may mga vacant and opening jobs sila.
I forged my documents. Hindi ko man gawain iyon, pero ginamit ko ang mga kaalamanan ko at ibang impluwensya just to have these documents done. Hindi ko rin gagamitin ang birth name ko dahil mabubuking kaagad ako. I wouldn’t underestimate Atty. Salvatore, lalo na’t wala pa siyang naipapatalong kaso. So, I gave extra care in forging my information.
Pumasok ako sa loob ng building. Sinabi ko sa guard kung anong kailangan ko at pinagmasdan niya akong mabuti. Tumikhim siya nang makita ang mukha ko.
Suot ko ang disguised ko. Nag-mukha rin akong matured dahil dito. Ang suot kong damit ay maluwag sa akin. Ibang-iba ang style ko sa nakaugalian ko noon.
Binigyan ako ng visitor’s pass at sinabi kung anong floor ako dapat pumunta. Nakita ko pa ang nasa front desk na nagbulungan matapos akong makita.
I rolled my eyes. Alam ko kung bakit maaaring pinag-uusapan nila ako. It’s because of how I look. Bukod naman sa makapal na kilay at salamin, wig at fake braces na sinuot ko, maayos naman din talaga ang aking itsura. Hindi ko alam kung anong problema nila rito. Hindi naman ako mukhang basahan, ah?
Excited ako, because I know I will nail everything. Iyon nga lang, it turned out differently.
“Sorry, Miss…Louise Magnaye,” sabi niya sa akin. Hindi ako sanay sa ginamit kong pangalan.
Louise is my second name since Sabina Louise ang given name ko. Magnaye is my middle name. Iyan ang maiden surname ng mama ko.
Naisip ko kasi na hindi ko maaaring gamitin ang totoong pangalan ko, or I am going to screw this up.
“You’re not qualified for the position.”
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. What the hell? Alam kong pineke ko ang ibang credentials ko pero alam ko rin na maayos kong nasagot ang mga tanong niya. Hindi pa man ako graduate ng kolehiyo, I am knowledgeable enough.
Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa at hindi nakawala sa akin ang pagngiwi niya.
Isa iyan sa hindi ko malaman kung gift sa akin o isang sumpa. Magaling akong bumasa ng ekspresyon ng tao. Alam ko kapag nagsisinungaling sila sa akin. Hindi naman lahat, lalo na kapag magaling talagang magtago ng ekspresyon.
Alam ko sa tingin niya pa lamang sa akin na…hindi niya ako tinatanggap dahil sa ayos ko.
“Let me blatantly honest with you, Miss Magnaye. Ang magiging trabaho mo…sana ay humarap sa mga magiging kliyente natin. But how can you face them if you are not…physically pleasing.”
Kumunot ang noo ko at nagtangis ang bagang ko. Ganoon man ay pinigilan ko ang aking sarili.
“You mean you’re not accepting me because of how I looked?”
Alam ko naman na kapag haharap ka sa mga kliyente ay kailangan mong maging maayos. Maayos naman ako. Hindi naman ako balugang tingnan. Kung ang pinupunto niya ay hindi ako kasing gaganda nila at may mga makeup sa mukha, ibang usapan na ata iyan.
How rude of them to face shaming me? Dahil iba lamang ang ayos ko sa kanila ay sinasabi na nilang hindi ako qualified sa trabaho dahil hindi ako pleasing tingnan?
“Sorry…”
Umalis ako sa opisina na iyon na mainit ang ulo. Ang dami kong gustong sabihin pero hahayaan ko na lamang ang karma na dumating sa kanya.
Huminga ako nang malalim. Paano ako makakapasok o mapapalapit nito kay Atty. Salvatore kung hindi ko magawang makapasok sa firm niya?
Ang daming pumapasok sa aking isipan at hindi ko alam kung tama ba ang mga ito.
Tumambay muna ako sa isang coffee shop at nag-isip. Nakatingin ako sa building mga Salvatore Law Firm habang umiinom ng kape ko.
Nakita ko si Atty. Hades Salvatore na lumabas ng building. Naglakad sila at pumasok sa isa pang coffee shop na katabi lang ng kanilang building.
Habang hinihintay silang lumabas ay may pumasok na ideya sa aking isipan.
Well, a desperate situation needs a desperate measure.
Inubos ko ang kape ko at tumayo bago ihanda ang sarili—mentally and physically.
Maaaring makulong ako sa gagawin ko, pero ano pa nga bang paraan para mapalapit sa isang abogadong kagaya ni Atty. Hades kung hindi ang magkaroon ng kaso?
Sinalubong ko ang kanilang paglalakad at kinuha ang wallet ni Atty. Hades. Kinuha ko ito sa paraang mararamdaman at mahahalata niya.
“Magnanakaw!” sigaw ng kasama ni Atty. Hades. Tinangka ko kunwaring tumakas pero alam ko na bago pa ako makaalis dito, naharangan na ako ng mga security guards at ilang pulis na nasa lugar.
Tinaas ko ang aking kamay at dinala ako sa presinto.
Tahimik lang si Atty. Hades na nakatingin sa akin. He’s still that good-looking man I saw at the beach. Iyong kasama niya ang panay ang pagdaldal at pagsasabi sa nangyari.
Nang tingnan ako ng pulis, alam ko na kailangan ko nang gamitin ang pag-acting ko.
“Pasensya na po, kailangang-kailangan ko lang ng pera.” Hinawakan ko iyong folder na dala ko at nakuha nito ang atensyon ni Atty. Hades. Tinitigan niya iyon. “Nagtangka po akong mag-apply sa mga trabaho pero ilang beses po akong na-reject. Sobrang desperado ko na lang po talaga kaya ginawa ko ang pagnanakaw.”
Fake tears fall from my eyes. Tumingin ako kina Atty. Hades. Ang kasama niya ay gulat na gulat sa inakto ko at halatang natataranta, habang si Atty. Hades ay malamig lamang na nakatingin sa akin.
He’s part of those few people na hindi ko mabasa kung anong iniisip.
Tiningnan ko ulit si Atty. Salvatore pero nanatili ang malamig niyang tingin sa akin. Napalagok ako. I don’t think he’s buying this.
Bumuntong-hininga siya bago magsalita. “I am not filing any complain.”
Tumayo si Atty. Hades at akmang aalis na. Tumingin siya sa kanyang orasan at ipinikit ang mga mata.
“If you don’t need my presence here, I will be on my way.” Nakipagkamay siya sa pulis. “Thank you, Officer.”
Naglakad na papaalis si Atty. Hades. Nagpasalamat ako sa pulis at humingi ulit ng paumanhin. Geez, hindi ito ang inaasahan kong outcome ng mga pangyayari!
Why is he cold? Inaasahan ko pa naman na maaawa siya sa akin at bibigyan ako ng trabaho!
“Atty. Salvatore!” Pagtawag ko sa kanya. Hindi kami maaaring maghiwalay nang ganito. Kailangan kong makuha ang loob niya. Kailangan kong makapasok sa mundo niya kung gusto kong makakuha ng impormasyon sa kanya.
He looked at me over his shoulder. His cold eyes darted to me. Napatigil ako sa paglapit sa kanya. His eyes are enough to make me come to a halt.
Napalagok ako. I never saw anyone so intimidating like him. May kung ano sa kanya na nagbibigay kilabot sa akin.
I grew up in the mafia, kaya dapat ay sanay na ako sa mga ganito. Hindi na dapat ako natatakot dahil mas mga nakakatakot na tao ang nakasama ko. But Atty. Hades Salvatore is something else.
Siguro kaya siya nakakatakot ay dahil alagad siya ng batas, and yet he’s giving me this menacing aura na katumbas ng sa kapatid ko. He’s a law-abiding citizen but he has this impression of a criminal.
Napaghugot akong hininga.
“I applied to your company,” sabi ko sa kanya. Wala na akong pakealam kung magmukha akong desperado dahil desperada na talaga ako! “And they didn’t hire me because they said I wasn’t physically pleasing to look at.”
Nakita ko ang kaunting pagbabago sa ekspresyon ng mukha niya. Tumaas ang isang kilay niya pero agad ding bumalik sa malamig niyang ekspresyon ang mukha.
“I’m sorry po ulit. Hindi ko sinasadya ang nangyari kanina. Sobrang kailangan ko lang talaga ng pera—”
“Apology doesn’t mean a thing if you’re unprepared to change.” Napaangat ako ng tingin sa kanya dahil sa sinabi niya. “Your sorry is meaningless if you’re going to commit the same mistake or crime, Miss.”
Humarap na si Atty. Salvatore sa akin, and I wished he did not. Dahil nakadagdag lamang sa nakakatakot niyang aura ang pagharap niya sa direksyon ko.
“I did not press charges because it’s not worthy of my time, but I hope this will serve as a lesson to you and never commit a crime. Because next time, I will be putting you in prison for real.”
Kinagat ko ang labi ko at napayuko. Tumango ako sa kanya.
It’s so hard to deal with him! Mukhang napikon ko ata sa ginawa ko. Wrong move ata iyong pagnanakaw ko. Grr, sarap tuktukan ng self!
Nang akala ko ay aalis na siya at iiwan ako, muli siyang nagsalita na ikinagulat ko.
“Send me your requirements for the job you were applying for. I will be the one to judge whether you’re qualified or not. Physical appearance is not my basis to hire my employees; it’s how they work. I will tell my secretary about you. What’s your name again?”
Nanlalaki ang aking mga mata. Hindi makapaniwala sa sinabi niya.
Shit! What a turn of events!
“Sab—Louise, Atty. Salvatore. Louise Magnaye po.”
Muntikan ko nang sabihin ang totoong pangalan ko. Mabuti na lang at naagapan.
Sandali niya pa akong tiningnan bago umalis.
Kung maaari lang na magtatalon ako ay ginawa ko na. Pero hindi ko naman pwedeng ipakita na sobrang saya ko ‘no. Mamaya makita niya pa ako at isiping nawawala naman ako sa sariling katinuan.
Agad akong umuwi. Worth it naman pala ang pagpapanggap kong magnanakaw! Nang dahil dito ay nagkausap kaming dalawa ni Atty. Hades at may chance na akong makapasok sa kompanya niya.
Naupo ako at tumingala. Hindi ko makalimutan ang mukha ni Atty. Hades Salvatore at ang malalamig niyang kulay asul na mga mata. Ang gwapo talaga ng lalaking iyon. Grabe!
Inayos ko kaagad ang mga papeles ko. I made sure na wala siyang mapupuna roon at wala siyang mapapansin na pagpepeke ng mga dokumento. Naiisip ko pa lamang na malalaman niyang peke ang mga dokumentong ito ay naiisip ko na agad na ipapatapon niya talaga ako sa kulungan.
Pinadala ko sa opisina niya ang mga dokumento ko. Nakausap ko ang kanyang sekretarya at hindi kagaya ng HR na nakausap ko sa interview noon, maayos makipag-usap at hindi mapanghusga ang sekretarya ni Attorney.
“Atty. Salvatore will evaluate the documents you submitted. We will give you a call after that.” Ngumiti sa akin si Miss Rowena matapos niyang sabihin sa akin ang mga bagay na iyon.
Bago ako makalabas ng building, napatigil ako sa aking paglalakad nang may makita akong pamilyar na babae. May bitbit siyang malaking box at kinausap siya ng tila katrabaho niya. Umiiyak ito at kahit kausapin siya ay hindi nagsasalita.
Nanlaki ang aking mga mata nang mapansin na ito iyong HR na nag-interview sa akin!
“Narinig ko mula sa itaas na natanggal daw iyan sa trabaho dahil may ininsultong aplikante. Nalaman ni Atty. Salvatore, kaya ayan. Hindi raw kailangan ng firm ng mga taong nangmamata ng iba.”
Napatingin ako sa dalawang babaeng nag-uusap bago ko ibalik ang tingin sa HR na ngayon ay papalabas na ng building.
“Alam mo naman si Attorney. Patas ang tingin niya sa lahat, mahirap ka man o mayaman, maganda ka man o…alam mo na. Siguro nainsulto siya dahil hindi magandang image ang nadala ng HR sa pangmamata ng aplikante. Ikasisira nga naman iyon ng firm kung kakalat.”
Naalala ko na nabanggit ko kay Atty. Salvatore na nag-apply ako pero hindi natanggap dahil pangit daw ako.
Bumuntong-hininga ako. Hindi ko akalain na hahantong sa ganito iyon. Ang bilis naman ng karma.
Naglakad na ako at nagpasiyang umalis.
“Miss Magnaye! Miss Magnaye!”
Noong una ay nawala sa isipan ko na Magnaye nga pala ang ginagamit ko sa disguised ko. Napalingon ako at nakita ko ulit ang seketarya ni Atty. Salvatore.
“Bakit po?” tanong ko.
“Attorney wants to interview you now. Sayang naman kasi ang pagpunta mo rin dito.” Sumeyas siya sa akin habang may ngiti sa kanyang labi. “Please, follow me.”
Bigla akong nakaramdam ng kaba dahil sa biglaang interview. Hindi ako handa rito!
Nang makarating kami sa labas ng opisina ni Atty. Salvatore, nanlalamig na ang aking kamay. Panay ang paglagok ko at tila ba nagbubuhol-buhol ang aking dila.
Paano kung hindi ko magawang sagutin ang kanyang mga katanungan dahil sa kaba ko? s**t! Kailangan kong ayusin ang disposisyon ko dahil baka magsisi siya na pinabalik niya ako rito at isipin na wala naman pala talaga akong ibubuga.
Huminga ako nang malalim at nang itanong ni Miss Rowena kung ayos na ba raw ako, tumango ako sa kanya.
Binuksan niya ang pinto, and what greeted me was a mysterious man cloaked with darkness but forming a beautiful man.
Nagtaas siya ng tingin sa akin. Napalagok ako at may kakaiba akong kuryente na naramdamang nanalaytay sa aking katawan nang magtama ang aming paningin.
What the hell was that?