KABANATA 3

2082 Words
Sabina TAMA ang sinabi sa akin ni Julia, umalis ng Puerto Rivas si Atty. Hades. Hindi ko alam kung bakit dismayado ako. Still, hindi ako nito napigilan na magkalkal ng mga impormasyon tungkol sa maaaring dahilan ni Attorney sa ginawa niya sa pamilya ko. May mga confidential files akong nakikita sa system ng kompanya but it was protected by a high-security system. Kailangan ko munang malaman kung paano makapasok doon without being traced, or else I’m out. “Siguro babalik dito si Attorney ay next month na. Sayang naman at nagkulang pa ng gwapo rito. Siya na nga lang ang inaabangan ko sa work,” sabi ni Julia. Napatingin ako sa kanya at ngumiti siya sa akin. There’s no secret that almost everyone here is attracted to Atty. Hades Salvatore. Sino ba namang hindi? The man is sent from the world of the gods. Sobrang gandang lalaki na walang kapuna-puna. I bet, what’s underneath his suit is something unimaginable. Picture of Atty. Hades, with a topless body painted inside my head. Agad kong iniling ang aking ulo upang mawala ang iniisip na iyon. Nope, we’re not going there. Bago ko pa makalimutan kung anong dahilan kung bakit nga ba ako naririto sa Puerto Rivas, nag-focus na lamang ako sa trabaho ko. Habang abala ako sa pagtapos ng mga task ko dahil ang mga kasamahan ko rito sa IT department ay mukhang wala nang ibang alam punahin kung hindi mga kamalian kong hindi naman talaga pagkakamali, nakarinig ako ng kaguluhan sa kabilang department—the legal department. Sa kanila dumadaan ang mga kaso na hahawakan ng firm. Napasilip ako roon dahil para talaga silang nagkakagulo. “Anong nangyayari?” Dumaan si Julia sa gilid ko at kakagaling niya lamang doon, mukhang nakasagap siya ng balita. Masaya ring maging malapit kay Julia, updated ka sa mga nangyayari sa loob ng firm. “May bagong pasok na kaso. Civil,” sabi ni Julia bago tumingin sa paligid na akala mo ay confidential ang sasabihin niya. “Tungkol sa lupa ng mga Mazariego raw riyan sa kabila. Iyong hindi naituloy na proyekto? Mukhang may dispute sa kung sino talagang may-ari. The firm will be handling that. Malaking kasuhan ata ang mangyayari, lalo na’t hindi rin basta-basta ang mga Mazariego, so I heard.” Nagkibit-balikat si Julia sa akin. “Looks like are hands are tied. Magiging busy ata ang law firm dahil diyan. I wonder kung si Atty. Hades ang mag-handle ng case? Ang alam ko ay more on criminal kasi ang kinukuhang cases niya.” Napalagok ako. Bakit nangyayari ito? I mean, kung magtatayo na roon ang business ang pamilya ko, I assumed they acquire the land legally, lalo na at legal front ang itatayo nila sa lupain and not associated sa mafia activities nila. “Ang sabi, ang nagbenta raw ng lupa ay kapatid ng claimant. Hindi raw alam ng claimant na ibebenta ang lupa niya. Nakakapagtaka na nasa kapatid niya ang mga dokumento. Tsk! Nako, kapag napatunayan iyan, malaking gulo talaga.” Umalis na si Julia sa gilid ko. Sinubukan ko na maging kalmado pero hindi talaga ako mapakali sa narinig ko. Tumayo ako at umalis doon. Nagpunta ako ng restroom, and good thing, walang tao roon. Kinuha ko ang phone ko. I changed my number muna para hindi ako ma-track ng pamilya ko. Baka nang dahil pa roon ay malaman nila na nasa Pilipinas lang pala ako imbis na nasa ibang bansa. Nag-open ako ng isang social media app upang matawagan ang kapatid ko. Kailangan kongg malaman kung ano nang nangyayari. I’m sure, kung may nagsampa ng kaso sa nagbenta ng lupa sa kanila, alam na nila ngayon. “Hello?” Sa boses pa lamang ni Kuya Mael, alam ko na nakuha niya na ang balita. Hindi naman sila ang mapapasama lalo na’t they bought the land in good faith. Unless, someone will twist them at sila ang pagmukhaing masama rito. Napalagok ako. How can they let this happen? I know them. Hindi sila pabaya lalo na’t sa mga ganitong usapan. I just know, someone is setting this all up. Atty. Hades. Hindi nga kaya? Maaaring siya ang nag-instigate ng kaguluhang ito, hindi ba? Malakas talaga ang pakiramdam ko na may galit siya sa pamilya ko. “Kuya,” pagsasalita ko. I made sure I sounded normal. Isang maling tono sa kapatid ko ay malalaman niya. “I called para mangamusta. How are you?” May naririnig akong boses sa kabilang linya pero hindi ko masyadong nakuha kung anong sinasabi niya. “I’m fine, princess. How about you?” I know something isn’t right. Nararamdaman ko sa boses ng kapatid ko. Kung iniisip niya na hindi ko iyon malalaman dahil hindi kami magkaharap ay nagkakamali siya. “I’m fine!” Kunwaring masaya. “Super enjoy. We went to the beach yesterday.” “That’s great,” sabi ni Kuya sa akin. “Enjoy your vacation, Sab. I have to go. May kailangan lang akong asikasuhin.” “About the case, we should be ready that the court will summon as a witness by the defense.” Natahimik ako nang may marinig na boses sa kabilang linya. Ang pangambang nararamdaman ko kanina ay mas lalong dumoble lamang dahil may narinig akong kaso. “We should also expect that if it’s not Atty. Hades Salvatore who will represent the plaintiff, it will be someone from their firm. But I can see that the young Salvatore will be taking this case. The man wanted to destroy you, Mael.” “Kuya…” “Sabina, I got to go. Bye. I love you.” Tinapos niya na ang tawag. Ibinaba ko ang cellphone ko at nanatiling tulala sa loob ng cubicle. This is really happening. Well, wala naman sigurong mangyayaring masama sa pamilya ko. They have good lawyers on their side. Hindi naman sila ang makukulong kung sakali dahil binili naman nila ang lupa nang maayos. Iyong nagbenta ang may kasalanan ng lahat. The mafia isn’t immune or protected by the law. It’s just so happens that there’s no clear evidence against their activities para damputin sila ng awtoridad. Hopefully, this case wouldn’t lead to another. Sana, kung si Atty. Hades nga ang hahawak ng kaso, hindi niya malaman kung ano ba talagang klase ang pamilya ko. Lumabas ako ng ladies’ room. Ang narinig ko kaagad na balita ay ang pag-uwi ulit ni Atty. Hades sa Puerto Rivas. “Sa tingin ninyo maipapanalo ni Atty. Hades ang kaso na ito?” Iyon ang naabutan kong pag-uusap ng mga nasa IT department. Si Julia ang nagsalita. “Ang itanong mo kung may pag-asa ba silang manalo kay Atty. Hades,” sabi ng isang katrabaho. Normal akong naupo sa swivel chair ko at umaktong nagtatrabaho. “Wala pang naipapatalong kaso si Atty. Hades. Kahit alam niyang kliyente niya ang tagilid, parati siyang nakakakita ng butas para mabaliktad ang kalaban niya. Lalo na ngayon na malakas ang laban ng claimant.” Pinakalma ko ang sarili at sinabi na walang masamang mangyayari sa pamilya ko. Hindi ko namalayan na sa sobrang distracted ko, hindi ko natapos ang mga trabahong dapat kong gawin. Nag-overtime ako at halos ako na lamang ang natira sa loob ng opisina. Nang sumapit ang ala-sais ay inantok ako kaya’t sinabi ko sa sarili na iidlip lamang ako. Nang magising ako, hindi ko namalayan na alas-otso na pala. Inayos ko ang sarili at tumayo. I think I’ll be needing coffee. Tumayo ako at pumunta sa pantry para magtimpla ng kape ko. Ilang tasks na lang naman at matatapos na ako. Bago mag-9 pm, paniguradong tapos na ako. Humihigop ako nang mainit na kape nang biglang bumukas ang pinto ng opisina ni Atty. Hades. Nagulat ako at halos mapasigaw. Napakapit ako sa aking dibdib at nakahinga lamang nang maluwag nang makita ko ang abogado. “G-Good evening, Atty. Salvatore.” Hindi ko inaasahan na naririto pa siya. Alam ko na uuwi siya ng Puerto Rivas pero hindi ko akalain na dito siya pupunta sa opisina. Napatingin ako sa hawak niya at alam ko na iyon ang kaso na kanina pa pinag-uusapan ng karamihan dito. Ang tungkol sa lupain na ngayon ay pagmamay-ari na ng pamilya ko. “Why are you still here, Miss Magnaye? It’s late.” It’s fascinating how can someone as busy as him remembers my last name. Siguro ay ganoon talaga. Kahit gaano kalaki ang isang organisasyon ay alam mo kung sino ang mga empleyado mo. “Nag-overtime po ako, Attorney. Pupunta na po ako sa table ko.” Magalang akong nagpaalam sa kanya. And as much as I want to look at him and stare at his beautiful face, hindi ko magawa ngayon. Naalala ko lang kung anong problema ang maaaring kinakaharap ng kapatid ko nang dahil sa abogado. Worse, may iba pa siyang pinaplano. I am just so sure that Atty. Hades Salvatore was the one behind this. The plaintiff was only the wood for the fire, but Atty. Hades was the fuel for it to intensify. “Louise Magnaye…” Napatigil ako sa sinabi niya. “That’s your name, right?” Humarap ako sa kanya. Nakakadagdag lamang ang dilim sa lugar na kinaroroonan niya sa bigat ng presensyang dala niya. “Yes, Attorney.” Tumango siya, but I know he wasn’t buying that. What? Nabuking niya na ba ako? “I was just wondering,” panimula niya. Naglakad siya papalapit sa akin. Napataas ang aking kilay at nagulat na lamang ako nang nasa harapan ko na siya. “Attorney, ano pong ginagawa ninyo—” Napapitlag ako nang bigla niya iharang sa gilid ko ang kamay ko. He leaned to me, and our faces are just inches away. I can totally smell him, and I hate to admit this, but he smells so good. Para bang gusto ko na lang ipikit ang aking mga mata at amuyin siya nang paulit-ulit. Grr. Erase! Huwag unahin ang kalandian, Sabina. Tinitigan niya akong mabuti. Like the way he looks at me, scrap all my disguises, and he can see right through me. “Nagkita na ba tayo? You seem familiar to me.” Muntikan na akong magbigay ng reaksyon pero napigilan ko. Iyon ang hinihintay niya—reaksyon ko. Maaaring malaman niyang nagsisinungaling ako kapag nagbigay ako ng kahit anong reaksyon sa kanya. “Ako iyong nagnakaw ng wallet mo—” “No, before that.” May kakaiba sa boses niya. Kalmado ito pero para bang mas kakabahan ka sa sobrang kalmado niya. Akala mo ay calm before the storm. Pinilit ko na ngumiti bago umiling. “I doubt that, Attorney. Maaaring kilala kita at nakikita dahil kilala kang abogado, pero hindi mo pa ako nakikita noon. I am a nobody.” Tinitigan niya pa akong muli. This time, it was so intense I almost melt. “Uh-huh?” Hinawakan niya ang eyeglasses ko. Nanlaki ang aking mga mata nang tanggalin niya ito. “Your eyes look familiar. I thought I saw them…once.” Napalagok ako. Kahit gusto kong pigilan ang sarili ko na huwag magbigay ng kahit anong reaksyon, kusa nang nagbibigay ang katawan ko. It’s like my instinct tells me I am in survival mode because there’s a threat in my vicinity. The threat is none other than Atty. Hades. “I think you just mistaken me for someone, Attorney.” Tumango-tango siya sa akin at ibinalik ang salamin ko sa akin. Agad ko iyong kinuha. Pakiramdam ko ay armor ko ang salamin ko at kapag wala ito ay ma-e-expose ako sa kanila at malalaman nila ang nililihim ko. Tinalikuran na ako ni Attorney. Akala ko pa noong una ay tapos na kaming mag-usap pero hindi pa pala. “Do you know what I hate the most, Miss Magnaye?” Nilingon niya ako. His eyes are sharp and cold—dangerous. Napalagok muli ako. Nararamdaman ko ang kaba na kinakain ang sistema ko. Umiiling ako sa kanya. “Liars.” Matapos niyang sabihin iyon ay umalis na siya at muling pumasok sa loob ng opisina niya. Napahawak ako sa collar ko at niluwagan iyon dahil para bang nasasakal ako nito. Nahuli niya na ba ako? I hope not. Dahil pakiramdam ko, mas lalo niyang pahihirapan ang pamilya ko at ako kapag nalaman niya kung sino talaga ako. I should have known before entering this trap. Atty. Hades Salvatore is not someone you can easily manipulate or trick. I need to change my strategy. Kailangan kong makaisip ng ibang plano. Because right now, I believe I get the attention I shouldn’t get.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD