SIMULA
GAANO nga ba kasakit ang magmahal? Gaano ito nakamamatay at nakakawasak?
Paano mo masasabi na sapat na ang pagmamahal na mayroon ka sa isang tao? Matatawag lang bang sapat ang pagmamahal mo sa taong gusto mo kung…wala nang natira sa ‘yo?
When I was a kid, I watched a certain ballerina show, and after that, I dreamt to be one someday. May mga nangyari lang sa buhay kaya kailangang i-postponed ang mga pangarap. May pagkakataon na akala ko nga’y hindi ko na ito maitutuloy pa.
I trained myself to become a prima ballerina someday. And now that I am 18-years old, dahan-dahan ko nang tinutupad ang pangarap na iyon.
Of course, I still have to study. Kailangan ko ng back-up, dahil hindi natin alam kung anong maaaring mangyari.
They say, ballet is not permanent. Nakakatakot man, pero sa isang iglap maaaring maglaho ang pangarap ko.
Suportado naman ako ng pamilya ko pero hindi naging madali ang buhay sa akin. Sa buhay na pakiramdam ko ay maraming nag-e-expect sa akin at nanunuod sa bawat galaw ko, I can’t help but to feel pressured.
I always treat life like a competition—a race. Kung hindi ka makikipag-unahan ay mapag-iiwanan ka.
Malakas ang aking naging pagtawa habang nakikipag-usap sa mga kaibigan ko. Ganito ang version ng Sabina na pinakilala ko sa kanila—a happy go lucky one. Kahit ang totoo, malayo ako sa pagiging happy go lucky.
My friends admire me because they thought I was unbothered, funny, and a go with flow type of girl. Kung ano mang dumating sa buhay ko ay tinatanggap ko na lang. Hindi nila alam ay parte lamang iyon ng pag-arte ko. Malayo ako sa ganoong klase ng personality.
“Bye!” Nagpaalam na ako sa kanila at nagtungo papalapit sa kotse na maghahati sa akin pauwi. Kaagad na naglaho ang aking ngiti nang ako na lang mag-isa.
The truth is, I am unhappy with my life. I have anxiety, I overthink things that I don’t have control over, and I pressure myself too much.
Huminga ako nang malalim at pumasok sa loob ng kotse. Kung ganoong klase ng tao ang ipapakita ko sa kanila, hindi nila ako tatanggapin o pipiliing maging kaibigan.
“Hello, Miss Sabina. Welcome back.” Kinuha ng aming kasambahay ang mga gamit ko. Tipid akong ngumiti sa kanya bago pumasok sa loob ng bahay.
It feels so empty. I wonder if my dad is here or my brother? They rarely go home. Madalas ay kami lang ni Mommy ang naririto at may pagkakataon na ako lang mag-isa.
“Naandito sina Sir Titus at Sir Mael, Miss.”
Napatingin ako sa kasamabahay namin. Napansin niya siguro ang ekspesyon ng mukha ko.
Agad na umaliwalas iyon at nagtungo ako kung saan ko maaaring makita ang aking daddy at kapatid.
Excited ako na makita sila. Tamang-tama lang para sa balitang hatid ko sa kanila.
May ballet performance kami at ako ang nakuhang prima ballerina roon. Hindi man iyon ganoong kalaking production pa, pero pakiramdam ko ay malapit ko nang maabot ang pangarap ko.
“How the hell that happened?!”
Napatigil ako when I heard my father’s angry voice. Ikinagulat ko iyon dahil hindi siya madalas nagtataas ng boses.
Titus Mazariego, my father, is the most nonchalant person I know.
“I don’t know. I just received the news.” Narinig ko ang boses ng aking nakatatandang kapatid, Cadmael Mazariego.
Kuya and I have a huge age gap. Sabi ni Mommy sa akin, dumating ako sa buhay nila nang hindi inaasahan. Akala kasi nila ni Dad ay hindi na ulit sila magkakaanak, but I happened.
“That’s a huge project, Mael. We can’t let this happen.” Nararamdaman ko sa boses ni Dad ang stress. Ayoko na na-stress siya. He’s not getting any younger, baka makasama sa kanya.
“I will call our men who were designated in Puerto Rivas. Makikibalita ako. Sinabihan lang ako na nag-pull out ang mga investors kaya malaki ang chance that the project won’t push through.”
Sumilip ako sa pinto ng home office at nakita kong parehong malalim ang iniisip nila.
“Update me. Kakausapin ko rin ang Tito Primo mo.”
Huminga ako nang malalim at pumasok sa loob. Ipinakita ko sa kanila ang ngiti ko nang tumingin sila sa akin.
“Dad! Kuya!” I pretended that I am happy seeing them. Masaya naman talaga ako, until narinig ko na may pinag-uusapan silang problema.
Tumigil sila sa pag-uusap nila. Ayaw na ayaw talaga nila na pinapaalam sa akin ang mga problema lalo na kapag involved ang organisasyon na kinabibilangan ng pamilya ko.
My family is a crime family—the mafia. Hindi kagaya ng iba, tahimik at peaceful lang ang pamilya namin, hanggang sa hindi na siya kasing peaceful noon.
Napalagok ako at ikiniling ang ulo, ayoko nang alalahanin ang mga bagay na hindi na dapat inaalala pa.
“I have to go. Mael, call me.”
Naglakad papalapit sa akin si Dad. Hinawakan niya ang ulo ko at hinalikan ang noo ko.
“I’ll go ahead.”
Tumango na lang ako kahit na hindi ko siya gustong umalis. But my father is a busy man, I can’t demand his time.
Bumagsak ang balikat ko kasabay ng pagsarado ng pinto.
Hello, Princess…”
Nilingon ko si Kuya at ngumuso ako dahil sa itinawag niya sa akin. He opened his arms at lumapit ako roon para mayakap siya.
“I missed you, Kuya.”
Hinalikan ng kapatid ko ang gilid ng ulo ko. “I missed you more.”
Malayo ang agwat ng edad namin ni Kuya. Halos labing-dalawang taon. Umeedad na kasi sina Mommy nang mabuo ako. Akala nga nila ay isang anak lamang ang magkakaroon sila.
“How are you?”
Nahiya akong sabihin sa kanya ang tungkol sa ballet performance ko next week matapos marinig na may problema sila.
“Okay naman. May ballet performance ako next week. Sana makapunta kayo.”
Nakita ko ang saya sa mukha ni Kuya.
Cadmael Ezequias Mazariego is cold towards other people, but he’s kind and the best brother to me!
“Of course, we’ll be there.” Ngumiti si Kuya sa akin.
Ngumiti rin ako sa kanya pero agad naglaho ito nang maalala ko ang pinag-uusapan nila kanina ni Dad.
“May problema ba sa negosyo, Kuya? Narinig ko kayong nag-uusap ni Dad kanina. Is everything okay?”
Dahan-dahan na naging seryoso rin ang ekspresyon ng mukha ni Kuya nang banggitin ko iyon.
Alam ko na ayaw niyang sabihin pero dahil sa pangungulit ko, napilitan si Kuya na magsabi sa akin ng detalye.
“Ha? Paano nangyari iyon?”
Gulat na gulat ako nang malaman ko ang nangyari sa isang business na binabalak nilang itayo.
Ang sabi ni Kuya, nakaayos na raw ang lahat. May investors na at malapit nang simula ang pagtatayo ng business sa isang developing province—Puerto Rivas. Nang ilang araw matapos nilang isa-publiko ang tungkol doon, bigla na lamang lumagapak. Ang ilang investors nila ay nag-pull out nang hindi nila alm kung bakit.
Ngayon lang ito nangyari. Kahit kailan ata ay hindi pa kami nakaka-encounter ng ganito.
“Don’t worry about it, Sab. I think someone just sabotaged us, but we will investigate.”
Hindi ako mapalagay matapos kong marinig iyon. Nalaman ko rin kay Kuya na isa ito sa pinakamalaking proyekto sana ng pamilya namin kaya malaki ang panghihinayang nila, and Dad was doing everything he can for this project. Kung sana ay may maitutulong ako, but I am not really into business.
Computer Science ang tine-take kong kurso ngayon dahil mahilig talaga ako sa computer, kaya hindi ako sigurado pagdating sa mga ganyang business talks.
Nang pumasok ako sa kuwarto ko ay hindi talaga ako mapakali. Kitang-kita ko kung gaano kadismayado si Kuya. Hindi ko gusto na nakikitang ganoon sina Daddy at ang kapatid ko.
So, I got my laptop and tried to investigate myself. May ilang sites nga na nagpakalat ng tungkol sa paglagapak ng proyektong iyon ng pamilya ko. Though, most of the news sites na nag-post ng tungkol dito ay natanggal na ang content, magaling ako at nakahanap pa ako ng ilan.
Walang makapagsabi kung anong nangyari, pero may isang site na nagsasabi na maaaring isa sa four families ng Puerto Rivas ang nagpabagsak sa proytektong iyon.
I searched about them—the four families. They are like the royalties of Puerto Rivas—the laws, and the ruler. Walang kumakalaban sa kanila dahil tila sila ang nagpalago sa Puerto Rivas kaya’t narating ng lugar na ito ang kung anong mayroon ito ngayon.
And I have a feeling that one of them was the reason for my brother and dad’s problem.
I badly want to help my family, kaya ginawa ko ang isa sa desisyong hindi ko dapat ginawa.
“Lintek kang babae ka! Mapapatay talaga ako ng kapatid mo. Buti sana kung ihe-headlock niya ako ng malalaki niyang biceps kaya ako masu-suffocate at made-deads! Paano kapag pinasayaw ako sa bala ng baril?”
Nilingon ko ang kaibigan ko. “Shh, ang ingay mo naman. Hindi ka mapapahamak. Basta kapag tinanong ka, sabihin mo ay magkasama tayo.”
“Whatever, b***h. Basta ha, ikukwento mo sa akin kapag nagkita ulit tayo.”
Kasama ko ang gay friend kong si Travis. And yes, siya iyong maingay na kausap ko.
Paalis siya ng bansa para magbakasyon at ginamit ko siya para makaalis ng bahay. Sinabi ko na kasama ako nito kahit ang totoo ay sa Puerto Rivas ang punta ko. Gusto kong mag-imbestiga at alam ko na hindi ako papayagan nina Kuya.
My family is overprotective, hindi nila ako isinasali sa mga trabaho sa mafia. Hindi kaya dahil babae ako? Pero bakit naman ang pinsan kong si Aiselle ay involve?
Hay, gusto ko lang din naman na may mapatunayan at ipakita sa kanila na kaya ko rin. I want them to be proud.
“Basta, alam mo na. May usapan tayo, ha.”
Naghiwalay na kami ni Travis dahil international flight siya at ako ay domestic flight. May dalawa pa akong friends bukod kay Travis pero dahil madadaldal ang mga kaibigan ko, hindi ko na sinabi pa sa kanila. Baka madulas sila sa kapatid ko. Hindi pa ako nagsisimula ay hinihila na ako ng mga tauhan ng pamilya ko kapag nalaman nila.
Ilang oras lang naman ang byahe via air papunta ng Puerto Rivas. Sa isang hotel ako titira. Hindi ko alam kung ilang araw ako rito pero sa hotel ko nagdesisyon na manatili.
Maganda ang suite. Kilala naman din kasi ang hotel na ito kahit sa Manila.
Tiningnan ko ang aking sarili. Hindi pwedeng ganito ang itsura ko. Baka may makakilala sa akin. Kilala pa naman ang pamilya ko at madalang man akong magpakita sa mga press, hindi malayong may makakilala sa akin.
Kinuha ko ang makeup kit ko at inayusan ang sarili. Naglagay ako ng makapal na kilay at nagsuot ng makapal na eye glasses. Nagsuot din ako ng wig at fake braces. Nang matapos ako ay tiningnan ko ang sarili sa salamin.
I look like a nerdy girl now. Wala na naman sigurong makakakilala sa akin dito kung sakali.
Now, for the clothes!
Matapos kong matingnan ang magiging disguise ko, nagpasiya naman akong mag-ayos at tinanggal muna ang disguise dahil balak kong gumala rito sa Puerto Rivas.
Inalam ko kung saan naroroon ang negosyong itatayo sana ng pamilya ko kaya’t doon ako nagtungo. Pagdating ko roon, nakakita ako ng iilang tao.
Napakunot ang noo ko. This is a private property, anong ginagawa nila rito?
Bago pa ako makalapit sa mga ito, may narinig akong boses sa likod.
“Bagong establishment ata iyan na binalak ipatayo ng mayamang pamilya mula sa Manila, pero nalugi lang.” Nilingon ko ang nagsalita. Isang babae ito na mukhang nagja-jogging at napansin siguro na tinititigan ang kalupaan.
“Bakit po kaya?” Naisip na maaaring may makuhang impormasyon ay nagtanong ako.
Nagkibit-balikat ito. “Hindi rin ako sigurado, hija. Pero paniguradong isa sa apat na pamilya ang kinalaban niyan kaya pinabagsak. Dito sa Puerto Rivas, ang mga De Laurentis, Van Aalsburg, Salvatore, at Ivanov lamang ang makakaalam kung anong magiging future ng negosyo mo. Hawak nila lahat dito. Kontrolado lahat. Mahirap silang makalaban dahil dudurugin ka nila talaga.”
Matapos niyang sabihin iyon ay tinawag na siya ng kasama niya. Tumakbo na ito at iniwan ako.
Tiningnan ko ang hindi natapos na proyekto ng pamilya ko. Alam ko kung paano natuwa sina Dad nang akalain nilang maitatayo ito para lamang lumagapak ng ganito.
I need to find out what happened.
Umalis ako roon at naglakad-lakad. Dinala ako ng aking mga paa sa tabing-dagat.
Sinisipa ko ang maliit na bato habang nag-iisip ng mga bagay-bagay. Why would those four families destroy our family? Bukod sa maiingay rin naman ang mga pangalan nila sa Manila, hindi ko sila personal na kilala. I doubt, may ginawa sa kanila ang pamilya ko.
Napatingin ako sa magandang karagatan ng Puerto Rivas. Kahit papaano ay nakahinga ako nang maluwag at nawala ang iniisip dahil sa ganda ng tanawin na nakikita ko ngayon.
“Hoy, Miss! Anong ginagawa mo rito?”
Napatingin ako sa sumigaw at nakita ko ang isang security guard na may hawak na aso.
“Private property ito, ah?”
Nanlaki ang aking mga mata. Paano ito naging private property—lalong namilog ang aking mga mata nang mapansin na may mga bakod nga at sa sobrang distracted ko ay hindi ko iyon napansin.
Shit!
Tinatahol ako ng aso at kinabahan naman ako sa security guard.
“Sorry po, hindi ko alam—oh, my god!”
Nakawala ang nagwawalang aso mula sa security guard. Ang unang pumasok sa isipan ko ay tumakbo.
Dapat ay hindi ako tumakbo!
Wala na akong nagawa dahil hinahabol ako ng aso. Ayoko namang tumigil at makagat pa nito sa puwet ko.
Iniisip ko pa lamang na may posibilidad na mangyari iyon ay napapaaray na ako.
Nilingon ko ang guard at ang aso, pagharap ko sa daraanan ko, hindi ko namalayan na may daraan sa harapan ko. Nabunggo ako sa isang lalaki at muntikang matumba, pero bago pa ako sumubsob sa buhanginan ay may humawak na sa baywang ko at sinalo ako.
Napakapit ako sa kanyang braso at napatingin sa kanyang mukha.
His hair is still damp, like he just finished swimming. Ang gwapo niyang mukha ay malapit sa akin.
Napalagok ako. I was never attracted to guys before—well, marami akong exes pero wala talaga akong espesyal na naramdaman para sa kanila. Nagbo-boyfriend lang ako dahil para may matawag na boyfriend. Pero…ang weird ngayon. Alam mo iyong pakiramdam na parang biglang tumigil ang mundo sa mga movies at nagkaroon ng sparkle-sparkle sa palibot mo? Parang ganoon ang nangyayari ngayon—stop!
Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa akin. Napakurap-kurap ako at hinahawakan ang natitirang katinuang mayroon ako bago pa ako tuluyang mabighani sa magandang lalaki.
Narinig ko ulit ang pagtahol ng aso kaya’t nagising ako at napakapit sa lalaki nang mas mahigpit.
“Calm down, boy,” sabi niya sa aso na agad na sumunod sa kanya.
“Pasensya na po, Sir. Nakawala ang aso. Tapos iyang babae, pumasok dito nang walang pahintulot!”
“Hindi ko sinasadya. I wasn’t aware that I already stepped foot in a private property.” Tumingin ako sa lalaki at umiling sa kanya.
Tinitigan niya ako bago bumuntong-hininga. Ang walang ekspresyon niyang mga mata ay nakakatunaw.
“Accompany the girl outside. Surely, this is a misunderstanding. Let her go.”
Walang nagawa ang guard kung hindi ang tumango.
Umayos ako ng pagkakatayo pero nararamdaman ko pa rin ang kamay ng lalaki sa baywang ko. Hindi ko masabi sa kanya na nakahawak pa rin siya sa akin.
Napasinghap ako nang maramdaman ko ang tila pagtagos ng init ng kanyang palad sa aking balat kahit may suot akong damit.
“Yes, Atty.,” sabi ng lalaki.
Binitawan na ako ng lalaki bago ako harapin. “The guard will accompany you outside, Miss.”
Nabibighani talaga ako sa kanya. Ang gwapo niya. Iyong tipong kahit walang ekspresyon ang mukha niya ay sobrang attractive? Bukod pa roon, ang ganda ng hubog ng katawan niya.
Napalagok ako. Hindi sinasadyang tumingin sa katawan niya.
Tipid na tumango sa akin ang lalaki bago ito umalis. Sumunod sa kanya ang aso. Huminga ako nang malalim at sumama na rin sa guard.
Hindi ko dapat iniisip ang lalaki. Hindi ako naririto para maghanap ng boyfriend!
“Sino po iyon? Pasensya na po talaga kanina. Hindi ko po inaasahan na pribadong lupa na pala ito.”
“Pasensya na rin, Miss. Si Atty. Hades Salvatore po iyon. Sila ang may-ari ng lupain. Kilalang abogado rito.”
Tumingin ako sa guard. Salvatore—hindi ba at isa iyon sa mga pamilyang makapangyarihan sa lugar na ito?
“May law firm sila rito. Malapit doon sa hindi natuloy na project ng mga Mazariego.” Tumawa ang guard. “Akala siguro nila kaya nilang tapatan ang apat na pamilya rito. Kahit gaano kayaman ang mga Mazariego, hindi sila makakaubra kina Atty. Hades. Nako, pababagsakin lang sila nang paulit-ulit.”
“I see. Nadaanan ko nga po iyon.”
Napakuyom ang kamay ko. Tumingin muli ako sa pinanggalingan ko kanina.
Atty. Hades Salvatore, huh? Maybe if I can get close to him, makakakuha ako ng impormasyon kung bakit nangyari iyon sa pamilya ko.
With that resolved, I entered a place I shouldn’t have walked in. Because it was one-way, and I wasn’t able to escape. And I discovered things I wasn’t supposed to learn.
A secret that changed my life and how I see my family.
This is the start of how I fell in love with the person who will destroy my family…and me.
The man who will wreck me and shatter my heart, but also the same man who can fix it.
The start of a deadly romance with a ruthless billionaire—a lawyer—who will become my boss.