Sabina
AFTER I went home, the first thing I did was to put my ballet shoes on and…ballet. Ganito kasi ang ginagawa ko sa tuwing stress ako o may bumabagabag sa akin. It’s more therapeutic for me.
Ipinikit ko ang aking mga mata habang hinahanayaan ang aking katawan at paa na gumalaw. Para akong dinadala sa ibang mundo.
Dahil sa mga nangyari sa akin noon at dahil na rin sa pamilya na kinabibilangan ko, maraming hindi magagandang pangyayari sa buhay ko, at ang ballet ang naging sandalan ko.
Natapos ang classical music na pinatugtog ko ay hindi pa rin umaayos ang aking nararamdaman. Huminga ako nang malalim at ipinikit ang aking mga mata.
Nagbihis ako and I grabbed my keys and wallet, and I decided to go to the nearest bar. I need to grab some drinks.
Naupo ako sa bar stool and ordered my usual drinks.
People are on the dance floor, obviously dancing. I watched them while sipping my cocktail.
If my friends are here, they will drag me to the dancefloor at pare-pareho kaming magwawala roon. Unfortunately, right now, ako lamang munang mag-isa.
May tumabi sa aking lalaki pero hindi ko siya pinansin. Nang mauboos ang iniinom kong cocktail, I ordered it again to the bartender.
“Hi…”
Nilingon ko ang nagsalita at ito iyong lalaking naupo sa tabi ko. I smiled at him but didn’t try to get into the conversation.
Hindi ko gustong makipag-usap ngayon. I went to grab a drink to clear my mind at para na rin makapag-isip ako nang maayos.
“Bago ka rito, ‘no? Ngayon lang kita nakita.”
Inisip na hindi niya ako tatantanan, sinagot ko na lang ang tinanong niya. After this drink, I’m out of here.
“Yes,” sabi ko sa kanya.
Mas lumapit siya sa akin. Kumunot ang noo ko. Subukan niya lang na may gawing hindi maganda sa akin ay babasagin ko sa kanya ang hawak kong baso.
While my family doesn’t involve me in our mafia business, I am not a fearful girl. I know how to fight, to hold a gun, at alam ko rin kung kailan dapat gumamit ng violence kung may mambabastos sa akin.
“Right? Kasi paniguradong makikilala agad kita kung tagarito ka at ganito ka kaganda.”
I scoffed at him. “Are you hitting on me? Sorry, not my type.”
Naalala ko na hindi ko suot ang disguised ko. I am not Louise, I am Sabina.
Sa rami rin ng mga lalaking nagtangkang manligaw sa akin, alam ko kapag may gustong makipaglandian sa akin.
“Hard to get? I like it…” Uminom siya sa baso niya, and the next thing I knew, hinahanawakn niya na ang leg ko.
Agad kong hinawakan ang kamay niya at inalis iyon sa hita ko.
“That’s not a place your hand should be roaming around, Mister.”
Ngumisi lamang siya sa akin at hinawi ang kamay ko bago muling hawakan ang binti ko.
“Pervert—”
Akmang susuntukin ko na ang lalaki nang may humawak sa akin. Marahan niya akong hinila papalayo sa lalaki at humarang sa harap ko.
Napatingin ako sa lalaking nasa harapan ko ngayon. Hindi ko pa lang siya makilala dahil nakatalikod siya sa akin, but his smell is enough para malaman ko ang pagkakakilanlan niya.
Anong ginagawa niya rito?
“Go, before I file a case against you,” sabi ng kakarating lamang na lalaki.
“What case?” sabi naman ng lalaking humawak sa hita ko. He looks drunk to me.
“s****l assault. You know I can do that. But before thinking about that, I would rather busy my mind with the Ivanovs. They don’t like perverts loitering around their bars.”
Siguro ay nahulasan siya nang marinig ang sinabi ng lalaki. Nanlaki ang mga mata nito at bigla na lang umalis nang makilala siguro kung sino ang kausap niya.
Kumunot ang noo ko. Umalis ako ng bahay dahil hindi ako nililiban ng kaisipan tungkol sa kanya at ngayon naandito ang dahilan bakit ang gulo ng isipan ko?
Great!
Humarap sa akin ang lalaki.
“Thanks, but I don’t really need your help.”
His cold eyes bore to me. “Really? Because I thought if I didn’t stop you from punching the guy, he could charge you with physical injury.”
Natahimik ako sa sinabi niya. Kahit papaano ay alam kong tama siya dahil susuntukin ko na ang lalaki.
Naupo na lang ulit ako and I finished my drink.
“We met again. The girl who trespassed my property.”
Nanlaki ang aking mga mata at tumingin sa kanya. Naalala ko na wala akong disguised kaya’t hindi niya ako nakikilala ngayon bilang Louise.
“I haven’t gotten your name when we first met.”
Iniisip ko na makakalimutan niya na ako. Someone as hot as he is, malamang ay maraming babae. Sino ba naman ako para maalala niya?
“Why do you want to know my name?” Nagpanggap akong nagtataray kahit na napapangiti.
Atty. Hades remembers me!
Hindi ba dapat ay naiinis ako sa kanya dahil pinapahirapan niya ang pamilya ko? Geez.
“I don’t know,” he said. “Tell me.”
Iniisip ko pa na baka nabosesan niya ako pero iniiba ko ang timbre ng boses ko sa opisina. Mas malalim ang boses ko kapag suot ko ang disguised ko kaya imposible.
“It’s Sabina. My name is Sabina.”
Tumaas ang isang kilay niya. “Nice name. Hades Salvatore.”
Bumagsak ang balikat ko. Hindi niya naman siguro ako mahuhuli, hindi ba? Imposible na makilala niyang akong si Louise Magnaye na nasa opisina niya!
“I heard you are a lawyer. Should I call you Attorney?”
Marahan akong tumawa bilang biro sa sinabi ko. His lips twisted but he didn’t smile. This man doesn’t know how to smile.
“Just Hades.”
Tumango ako sa kanya. Gusto kong isipin na nilalandi niya ako but it’s Atty. Hades we’re talking about. Parang imposible naman.
Nag-usap lang kami sandali hanggang sa tawagin siya ng mga kaibigan niya. Nagpaalam na rin ako na aalis na. Umalis kaagad ako kahit pakiramdam ko ay may gusto pa siyang itanong sa akin.
Pag-uwi ko, hindi kaagad ako nakatulog dahil ginulo na naman ni Attorney ang aking isipan. Ang daming tumatakbo rito na siyang nagpanatili sa aking dilat. Pero salamat na rin sa nainom ko dahil ilang oras makalipas ang pagiging abala ng aking isipan ay nakatulog na rin ako.
Wala naman akong hangover nang pumasok ako sa opisina. Na-late lang ako ng gising kaya’t nagmamadali akong kumilos. Mabuti na lamang at sakto pa rin ang naging pagdating ko.
Nagdadalawang-isip ako kung maghahadanan ako parati ng usual kong ginagawa, pero dahil nga late na ay sumakay ako ng elevator.
Papasara na ang elevator nang may pumigil dito. Napatunghay ako at nanlaki ang aking mga mata nang makita ko si Atty. Hades.
Tumingin siya sa akin bago pumasok sa loob.
Nasa pinakatuktok ng building ang floor naming dalawa. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin.
“Good morning, Atty. Salvatore.”
Magalang na pagbati ko. Binati rin naman siya ng ibang kasabay namin dito sa elevator.
Nagsibabaan ang ibang empleyado nang dumating sa floor nila at kami na lang ni Attorney ang naiwan.
Pinapanood ko ang pagbabago ng numero sa loob ng elevator. Bakit parang ang tagal? Normally naman ay ang bilis ng takbo ng elevator, pero ngayon ay natatagalan ako.
Inabala ko na lang ang isipan ko. Hindi ko gusto na mag-isa sa elevator. Kaya ang ginagawa ko sa tuwing sumasakay ako rito ay kapag bumababa na ang mga kasabay ko sa elevator at alam kong maiiwan akong mag-isa ay bumababa na rin ako kahit hindi ko pa floor at mas pipiliin maghandan. I don’t like being alone in this kind of place.
Nang iilang floor na lamang ay bababa na kami ni Attorney, biglang gumalaw ang loob ng elevator at nag-flicker ang mga ilaw. Nawala ako sa balanse pero may kamay naman na agad na humawak sa akin para hindi ako matumba.
Noong una ay hindi ko makita nang maayos ang mukha ni Attorney dahil sa pagpapatay-sindi ng ilaw sa elevator, pero nang umayos naman ang ilaw, nakita ko rin ito. Malamig pa rin ang mukha niya—composed.
Agad akong tumayo nang maayos at lumayo kay Attorney.
“S-Sorry po.” Lumapit ako sa mga button ng elevator at nag-try na pindutin iyon ngunit mukhang hindi gumagana.
Kumunot ang noo ko at tinangka pa ring pindutin ang button pero wala.
“We’re stuck,” sabi ng isang malamig na boses.
Nilingon ko si Atty. Hades dahil sa sinabi niya. Nakatayo lamang siya roon na akala mo ay hindi dapat kami mag-alala na stuck kaming dalawa sa elevator.
Nang mag-sink in sa akin ang kanyang sinabi ay natigilan ako.
Kinuha ni Attorney ang kanyang cellphone at may tinawagan. Naririnig ko siyang may kinakausap pero hindi ko maintinihan ang kanyang sinasabi.
Napahawak ako sa may leeg ko. May kung anong bigat akong nararamdaman sa aking dibdib at para bang sinasakal ang aking pakiramdam.
“Miss Magnaye…”
Napasandal ako sa elevator. I’m starting to feel…fear. Dapat ay naghagdanan na lang talaga ako.
“Louise!” Hinawakan niya ang aking braso. Napatingin ako kay Attorney dahil sa pagtawag niya sa akin at paghawak. Kanina niya pa ata ako tinatawag pero para akong walang naging reaksyon. “You’re trembling.”
Doon ko napansin na nanginginig ako. Doon ko napagtanto na kaya para akong sinasakal ay dahil sinasakal na ako ng takot ko…takot na makulong dito.
Ipinikit ko ang aking mga mata at pinigilan ang mga luhang nagbabadiyang bumagsak. Hindi ako iiyak, ayoko ring matakot. Sinabi ko sa sarili noon na hindi ko na muling hahayaang makain ako ng takot ko.
But I always failed. Parati akong nagkakaganito kapag nakukulong ako sa isang lugar at pakiramdam ko ay hindi ako makakatakas o makakaalis. Ngayon ay ganoon ang pakiramdam ko dahil na-trap kami sa elevator.
Pakiramdam ko ay ibinalik ako sa maliit na espasyong iyon, sa madilim na lugar na iyon, at akala ko ay hindi ko na ulit makikita ang pamilya ko at mamatay mag-isa.
“Louise, open your eyes. Look at me.” Umiling ako. Natatakot na baka pagmulat ko ay makita ko ulit ang sarili na nasa loob ng masikip na lugar na iyon at nagsisisigaw ng tulong.
May humimas ng mukha ko. It was gentle.
“Open your eyes. It’s okay.” Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at ang nakita ko ay si Atty. Hades. Wala na ako sa masikip at madilim na lugar na iyon. It was a long time ago. Nakaalis na ako roon.
“A-Attorney…”
“Yes, you’re okay. I’m here.”
Nanginig ang aking labi. Wala sa sarili kong niyakap si Atty. Hades at hinayaan niya ako. Hinagod niya ang likod ko and he gave me the comfort that I needed.
I know I shouldn’t be doing this. Dapat ay lumayo ako sa kanya at hindi dapat ako naghahanap ng comfort sa isang kagaya niya. Pero sa ngayon, sa kanya ko nakukuha ang pagkalma ng nararamdaman ko.
“They are working on the elevator. Makakalabas tayo rito. Don’t worry.”
I didn’t know someone as hard and cold like Atty. Hades Salvatore has this side. Hindi ko inaakala na makikita ko siyang kino-comfort ako.
Kung hindi lang siguro ako natatakot ngayon, baka pinagalitan ko na ang sarili.
Attracted ako kay Atty. Hades, una pa lamang, hindi ko naman iyon ipagkakaila. Kaya alam ko na alarming itong nararamdaman ko at dapat gumagawa ako ng distansya, pero hindi ko magawa. Nakikita ko lang ang sarili na lalong napapadikit sa kanya.
Nagtaas ako ng tingin kay Attorney. His eyes are still cold, but the coldness lessen.
“Thank you, Atty. Hades.”
Sa mga sandaling nasa loob kami ng elevator ay hindi niya ako iniwan. Hinawakan niya pa ang kamay ko para malaman ko na hindi ako nag-iisa. Nakakapagtaka man na may epekto ito, mayroon talaga. Malaki ang epekto ng paghawak niya sa kamay ko dahil kumalma ako at nawala ang takot ko.
Nang bumukas ang pinto ng elevator, mabilis kong binitawan ang kamay niya. Nauna akong lumabas sa kanya and there are medics sa labas. Siguro ay para masigurado na walang nangyaring masama sa amin.
Una sanang titingnan si Atty. Hades ng mga medics pero pinigilan niya ang mga ito.
“Check the girl first. I’m okay.”
Natigilan ang mga ito pero nang tingnan sila ni Atty. Hades, agad silang lumapit sa akin.
May kinakausap si Attorney at mukhang pinaliwanag sa kanya kung bakit nagkaroon ng problema sa loob ng elevator habang ako ay hindi namamalayang napatitig na pala sa kanya.
Nararamdaman ko pa rin ang paghawak niya sa kamay ko kanina and how he would gently squeezed my hand whenever I’m starting to feel scared, and it will all gone in an instant. Nakakapanibago na may isang taong nagawang pakalmahin ako sa ganoong state ko.
When Atty. Hades looked at my way, ang una ko dapat ginawa ay ang mag-iwas ng tingin, but this time, hindi ko iyon ginawa. Tinitigan ko siya at hinayaan kong makita niya iyon.
I will be damned. I feel like I am infatuated with him.