KABANATA 5

2009 Words
Sabina NORMAL naman na dumaan ang araw sa akin…o akala ko ay magiging normal. Pagdating ng hapon, mga alas-tres ay bigla akong pinatawag ng sekretarya ni Atty. Hades. Kakatapos lang ng mga meetings niya at ngayon lang siya nagkaroon ng maluwag na oras. Anong rason at gusto niya akong ipatawag ngayon? Hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari kanina, iyong pagkakakulong naming dalawa sa elevator. Hindi ko akalain na siya ang unang tao rito sa firm ang makakakita na inaatake ako ng phobia ko. Nakakahiya tapos niyakap ko pa siya! Kung hindi ako takot ng mga oras na iyon at niyakap ko siya, maaaring matuwa pa ako. Pero iyong ganoong state ko? Ikinahihiya ko iyong ipakita sa ibang tao. Kumatok ako sa opisina niya. Maging ang sekretarya niya kasi ay hindi alam ang dahilan kung bakit ako gustong ipatawag ni Attorney. “Come in,” sabi niya sa kabilang bahagi. Binuksan ko ang pinto at dumungaw sa loob. Nagtaas si Attorney ng tingin sa akin at sinenyasan ako nang makita niya ako. Huminga ako nang malalim at pumasok sa loob ng opisina niya. Masaya akong nakakaakto ako nang normal matapos kong aminin sa sarili na infatuated ako sa lalaking iniimbestigahan ko dahil sa kagustuhan nitong pabagsakin ang aking pamilya. How funny. “Pinapatawag ninyo raw po ako, Attorney?” May kailangan kaya siya sa IT department? Kung mayroon, supervisor ko ang ipapatawag niya at hindi ako. May kumalat kayang mga confidential information o may nangyari sa cybersecurity ng kompanya? “Please be seated, Miss Magnaye.” Naupo naman ako, iyon nga lamang ay hindi ako mapalagay. Humantong pa ako sa pag-iisip na baka nabuking niya na ako kanina. Did my Sabina personality slip for a second there? Hindi ko maalala. “How are you feeling?” Napataas ako ng ulo nang marinig ko ang itinanong niya. Napakurap-kurap ako dahil doon. Sa lahat ng pumasok na ideya sa isipan ko, ito ang hindi ko inaasahang itatanong niya. “Huh?” Tumaas ang aking noo, bahagyang hindi nakuha kung bakit niya iyon tinatanong. Sumandal siya sa kanyang kinauupuan at pinagmasdan ako. “About what happened earlier.” Pinagsalikop niya ang mga daliri niya at ipinatong ang siko niya sa table. “Do you perhaps have cleithrophobia?” Cleithrophobia is the fear of being trapped…and I have that. Mabigat ang aking paghinga. Hindi ako komportableng pinag-uusapan ito. Sinasabi ko lamang ang mga bagay na ito noon sa therapy ko. Matagal ko na ring tanggap na hindi na ito mawawala sa akin. Iyon ang dahilan kung bakit mas pinipili kong maghagdan noon at kung gagamit ng elevator ay gusto ko maraming taong kasabay. “Yes, Attorney,” sagot ko. Wala rin naman magagawa kung itatago ko sa kanya. Mas mahirap nang magsinungaling sa isang kagaya ni Atty. Hades lalo na’t alam kong malalaman niya rin naman. Tumango siya sa akin. “You can take the day off—” “Hindi na...” Napatingin siya sa akin at maging ako ay ikinabigla na pinutol ko ang pagsasalita niya. “Po. Okay lang po ako, Attorney. Maayos na naman po ang lagay ko. Mas gugustuhin ko na naririto ako ngayon at napapaligiran ng maraming tao kaysa ang mag-isa sa apartment ko.” Another lie. Hindi naman ako sa apartment nakatira kung hindi nananatili ako sa hotel. Inobserbahan ako ni Attorney at sa huli ay tumango lang din siya. Umalis na ako matapos niya akong makausap. Nakakatuwa naman pala na despite being cold, may pakealam siya sa health ng mga nagtatrabaho sa kanya. Napabuntong-hininga ako. Sandali kong binalikan ang nangyari bago iiling ang ulo. Ipinaskil ko sa aking labi ang ngiting lagi kong sinusuot at idinaan ang araw na akala mo ay walang nangyari kagaya ng parati kong ginagawa. Kinailangan ko na namang mag-overtime, this time buong IT department. May mga kailangan kami i-update sa system ng kompanya at mag-run ng sandamakmak ng trial sa software na ginawa ng department namin to enhance the security of our firm at gabi na ito natapos. Papasakay na kami ng elevator ni Julia nang maalala ko ang nangyari kanina. Hinawakan ko ang kanyang braso at hinila. “Maghagdanan na lang tayo.” Pinanlakihan niya ako ng mata dahil sa sinabi ko. “Ay ‘te! Seryoso ka ba? Nasa pinakamataas na floor tayo tapos maghahagdan? No way!” Pumasok na siya sa loob pero hindi ko magawang sumunod sa kanya. Paano kung makulong kaming dalawa diyan? Gabi na at maaaring hindi agad kami mabigyan ng tulong. “Maghahagdan na lang ako. Exercise na rin. Ingat ka pag-uwi!” Hindi ko na hinintay pa si Julia sa sasabihin niya. Pumunta ako sa fire exit kung saan makikita ang hagdanan. Physically fit naman ako and I usually jog in the morning before. Extreme rin ang mga activities ko kaya paniguradong kakayanin ko ito. Humugot ako nang malalim na paghinga bago maglakad pababa ng hagdanan. Hindi rin naman madilim ang dinadaanan ko kaya hindi siya nakakatakot. Isa pa, hindi ako matatakutin sa dilim o naniniwala sa multo. Mas gusto ko pang ma-encounter ang mga iyon kaysa ang mapunta sa isang lugar na iisipin ko kung makakalabas pa ba ako o hindi na. Hinahapo ako nang makarating ako sa ground floor. Nag-text si Julia sa akin kanina na uuwi na raw siya. “Bye po.” Nagpaalam ako sa security guard at lumabas ng fire exit. Sumalubong sa akin ang masarap at malamig na panggabing hangin. Naisip ko na dahil gabi naman ay masarap maglakad pabalik ng hotel. Tatanggalin ko na lang naman itong salamin at wig ko, makikilala na ako ng mga tao roon. Sanay na rin ako dahil ilang beses ko na itong nagagawa. Kaya imbis na mag-taxi o sumakay ng pampublikong transportasyon ay mas pinili ko na maglakad. Marami pang tao sa daan. Ang iba nga’y nakatambay rito at pinapanood ang beach kahit madilim na sa banda roon. Bumuga ako ng paghinga. Hindi ko makalimutan ang nangyari kanina pero mas lalong hindi ko makalimutan na para bang nag-aalala si Attorney sa akin. Napangiti ako at kinilig pa. Kung hindi lamang ang phobia ko ang sanhi para mag-alala siya ay kikiligin talaga ako ng todo. Napatigil ako nang may maramdaman kong may sumusunod sa akin. Tumigil ako sa paglalakad at pakiramdam ko ay tumigil din siya. I may be imagining it pero malakas ang pakiramdam ko. Huminga ako nang malalim at naglakad muli. Kakaunti na ang tao sa banda rito kaya mas nararamdaman ko siya. Nang mas lumiblib ang dinaraanan ko, mas lalo kong naramdaman ang paglapit niya sa akin. The moment na maramdaman ko na may humawak sa aking balikat ay agad kong hinawakan iyon and I somersaulted him. Narinig ko ang impit niyang pagdaing sa sakit nang bumagsak siya sa lupa. Hindi ko kilala ang lalaki, but looks like he’s an offender or something. Inapakan ko ang dibdib niya at napadaing na naman siya sa ginawa ko. “Anong kailangan mo sa akin—” “Louise?” Agad kong nabosesan ang lalaki. Nagpanggap akong ako ang sinasaktan ng lalaki kahit na siya rin ang binalibag ko sa lupa kanina dahil sa biglaang pagdating ni Attorney. Anong ginagawa ni Atty. Hades dito? Akala ko ay kanina pa siya umuwi! “Tulong! Tulong!” Kahit hindi ko kailangan ng tulong. Agad na lumapit si Attorney sa akin. Sinipa niya ang lalaki kaya’t mas lalo itong dumaing sa sahig. Bumagsak ang kamay niya kaya’t kunwaring nakawala ako. Agad akong hinawakan ni Attorney. “Are you okay?” Tumango ako at tumingin sa lalaki. Nagpanggap ako na natakot. I just know that the man was trying to assault me. Nagkamali lang siya ng ta-target-in dahil kaya kong protektahan ang sarili ko. Tumingin ako sa lalaki na ngayon ay nawalan na ng malay dahil sa parehong ginawa namin ni Attorney sa kanya. Atty. Hades made some calls at maya-maya pa ay dumating ang mga pulis. “Thanks for reporting this to us, Atty. Salvatore. Matagal na naming hinahanap ang lalaking ito. Marami na ang nagreklamo tungkol sa kanya.” Kinausap nila ako at humingi ng testimony sa akin. Ibinigay ko naman iyon sa kanila. Nang sabihin nila na kailangan kong sumama sa presinto for questioning, natakot ako. Baka mamaya ay magtanong sila sa akin ng personal na impormasyon at hindi ako makasagot. Lumapit si Atty. Hades sa akin. “Can we not bring her to the precinct?” Pumayag ang mga pulis. Nagpaalam sila kasama ang lalaki. “Are you sure you’re okay?” tanong sa akin ni Atty. Hades. “O-Oo, okay lang ako.” Tumingin ako sa kanya. “Thanks.” Dalawang beses niya na akong tinutulungan sa araw na ito kahit hindi ko naman talaga kailangan ng tulong sa pagkakataong ito. “Come, I will take you home.” Noong una ay sumama ako sa kanya pero agad ding tumigil nang maalala ko kung saan ako nananatili ngayon. Hindi niya maaaring malaman na sa hotel ako nag-stay! Sinabi ko sa kanya na kailangan ko ng pera kaya paanong nakakapag-stay ako sa isang hotel? Umatras ako at agad na tinanggihan ang sinabi niya. “Nako! Hindi na po, Attorney. Kaya ko naman po ang sarili ko. Malapit na rin naman po ang apartment ko. Hindi ninyo na po kailangang mag-abala.” Parang mas kinakabahan pa ako sa pag-alok niya sa akin na ihahatid ako kaysa sa nangyari sa akin kanina. “I insist.” Kinagat ko ang labi ko. Binuksan niya ang pinto ng kotse niya at sinenyasan ako na pumasok doon. Wala na akong nagawa at pumasok sa loob ng kotse. Binati agad ako ng mabangong amoy ng sasakyan. Naghahalo ang bango ni Attorney at ang refresher sa loob. Sobrang bango. His car is only two-seaters. Naupo siya sa driver’s seat. “Tell me where you live.” Hindi ko sinabi ang hotel, obviously. Malapit sa hotel na tinutuluyan ko, may mga apartment doon. Iyon ang lugar na itinuro ko sa kanya. “Ano pa lang ginagawa mo rito, Attorney?” tanong ko sa kanya. “Sinusundan mo ako?” Marahan akong humalakhak. Ang kapal ng mukha ko sa part na iyon. “Kind of.” Natigil ako sa pagtawa dahil sa hindi ko inaasahang pagsagot niya nito. “I was waiting for you outside the building, sa fire exit ka pala dumaan.” Laglag ang panga ko sa sinabi niya. Hinihintay niya ako kanina? Bakit?! “Oo, naghagdanan kasi ako, Attorney. Bakit mo ako hinihintay?” “Why did you take the stairs when you can use the elevator—” “Natatakot po ako na mag-stuck ulit ang elevator kaya naghandanan na lang ako.” Tumaas ang kilay niya dahil sa sinabi ko. “That’s the highest floor, Louise.” Kinikilabutan na naman ako. Iba talaga ang dulot ng pagbanggit niya sa pangalan ko. Mas matutuwa siguro ako kung Sabina ang itinatawag niya sa akin. “Okay lang. Exercise na rin po.” Umiling siya. “You are unreal.” Ngumiti ako. “I will take that as a compliment, Attorney.” Sandali akong tumigil sa pagsasalita nang may maalala. “So, bakit ninyo po ako hinihintay?” Tumingin ako sa kanya. Ang gwapo niya talaga. Kahit side features niya ay nakakalaway! Hinintay ko siyang sumagot pero hindi nagsalita si Attorney. Hindi niya balak sagutin ang tanong ko. “Did you eat dinner?” Sa gitna ng pananahimik naming dalawa ay bigla siyang nagsalita. Muli kong ibinaling ang ulo sa kanya. “Po?” Umiling ako. “Hindi pa po. Baka pag-uwi ko na.” Iniliko niya ang kotse niya na siyang ikinagulat ko. “I haven’t eaten yet, too. Let’s eat dinner first. Before I drop you home.” Tiningnan niya ako at tipid na ngumiti. I was so shocked na literal na bumuka ang bibig ko sa gulat. We will eat dinner daw muna before he drops me home? Paano kung panty ko ang maunang mag-drop sa sahig dahil sa tipid niyang pagngiti? Goodness, Attorney! Lalo ata akong mahuhulog sa ‘yo. Siguraduhin mo lang na sasaluhin mo ako, ah! Natawa akong mag-isa sa iniisip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD