KABANATA 6

2674 Words
Sabina TUMIGIL KAMI sa isang malaki at sikat na restaurant dito sa Puerto Rivas. Alam ko na sikat ito rito dahil sikat din ang pangalan ng restaurant sa Manila. The De Laurentis. Hanggang Manila at ibang sulok ng bansa at mundo ay nag-iingay ang restaurant na ito. I heard they have a lot of awards and finest chefs! Hindi pa ako nakakakain sa restaurant nila because we usually dine sa ka-kompetensya nila—The Ben Avid. The family who runs the said restaurant is family friend, kaya mas tinatangkilik namin iyon. Sa kakatulala ko ay hindi ko namalayan na binuksan na ng valet ang pinto ko. Nahihiya akong lumabas at inayos ang aking salamin. “Let’s go,” sabi ni Attorney at pumasok na kami sa loob. Nakasunod lang ako sa kanya. Mukhang kilala na siya rito dahil agad kaming nabigyan ng table nang makita ng staff si Attorney. Hindi na dapat ako magtaka, hindi ba? Kaibigan ng mga Salvatore ang mga De Laurentis. I saw the menu, and they offer a variety of foods, but mostly Italian. Mahilig din naman ako sa Italian food. Nagpanggap ako na hindi pa nakakapasok sa ganitong mga fine dining restaurants at kunwaring hindi mabasa ang mga nasa menu. “What’s your order?” tanong ni Atty. Hades. Naka-order na siya at ako na lang ang hinihintay. Huminga ako nang malalim at kunwaring kinakabahan. “Iyon na lang din po ang akin.” Tumango si Attorney at may sinabi sa waiter namin. Humihingi siya ng wine. “Tell me something about yourself, Miss Magnaye.” Tumaas ang noo ko sa itinanong niya sa akin. Tumingin ako kay Attorney. “May part two po ang interview, Attorney? Akala ko tapos na iyan at tanggap na ako sa trabaho?” Hindi ko alam kung totoong ngumiti siya sandali o baka namamalikmata lang ako. “I just want to know you better,” sabi ni Attorney. Lumapit sa amin ang waiter namin at nagsalin siya ng red wine sa aming wine glass. Nagpasalamat kami ni Atty. Hades sa kanya at lumayo na ito. “Bakit naman po? May ganitong one-on-one interview po ba talaga ang bawat empleyado?” Ininom niya ang wine niya. Mukha namang nagustuhan niya ito dahil sinenyasan niya ulit ang waiter na lagyan ang kanyang baso. “No, just to those people I find interesting.” Itinago ko ang aking ngiti. He finds me interesting, huh? “Nako, si Attorney naman! Huwag ka pong ganyan dahil baka isipin ko na crush ninyo ako.” Nag-inarte pa akong inilalagay sa likod ng tainga ko ang buhok ko. Nang mapansin ko na hindi siya tumawa sa sinabi ko o ngumiti man lang, tumikhim ako. “Ano po bang gusto ninyong malaman?” Naging seryoso na tuloy ako. Baka mamaya ay ito pa ang maging dahilan ng pagkakasisante ko sa firm. “Anything. Do you have a family here?” Hindi ko alam kung bakit siya nagkaroon ng interes sa buhay ko pero sinagot ko ang tanong niya base sa nagawa kong kwento ng pagkatao ko sa aking isipan. “Wala po. Nasa…ibang lugar po sila at ako lamang po ang naririto.” Bumaba ang tingin ko sa plato. Nagpapanggap akong nahihiya kaya ayokong tumingin, kahit ang totoo ay natatakot lamang ako na malaman niyang nagsisinungaling ako. “And why is that? Bakit ikaw lamang ang napunta rito sa Puerto Rivas?” Humugot ako nang malalim na hininga. Sinusunog na siguro ang kaluluwa ko sa puro kasinungalingang sinasabi ko ngayon. “Umasa po ako na magkakaroon ng magandang trabaho rito. Breadwinner po kasi ako. Kaya lang, madalas ay hindi ako tinatanggap dahil…sa itsura ko.” Ipinagdadasal ko na sana ay tumigil na siya sa pagtatanong dahil ayoko nang madagdagan ang kasinungalingan ko ngayong gabi. Mabuti na lamang at nadinig kaagad ang pinalangin ko dahil nang dumating ang aming pagkain ay nanahimik na siya. Kumain na rin ako. Habang kumakain naman ay tahimik kaming dalawa. Iyon nga lamang ay nararamdaman ko ang titig niya sa akin. “Why are you looking at me like that, Attorney? May problema po ba?” “What’s wrong with your appearance?” tanong ni Attorney. Nagulat ako dahil mukhang ang pinupunto niya ay iyong sinabi ko kanina. “Po?” “You are beautiful, Louise.” Noong una ay hindi kaagad nag-sink in sa aking utak ang sinabi niya, pero maya-maya lang din naman ay naproseso na ng slow kong utak ang salita niya. Nanlaki ang aking mga mata. Sinabi niyang maganda ako even with the disguise? I mean, alam ko naman na may kanya-kanyang ganda ang bawat isa. May mga tao lang talagang masyadong mapanghusga. Ngunit hindi ko inaaasahan ang mga salitang iyon mula kay Attorney. Hindi ko alam kung anong dapat sabihin sa kanya matapos ang sinabi niyang iyon. Napayuko ako at nararamdaman ko ang pamumula ng pisngi ko. “T-Thank you,” saad ko. Gosh! This is embarrassing. Madalas akong makatanggap ng papuri tungkol sa mukha ko noon pa man. Lahat ng manliligaw ko at ex-kalandian ko ay sinabi sa akin na maganda ako. But I never felt it this way. Walang dating sa akin ang mga salita nila. Kaya bakit nagwawala ang mga paruparo ko sa tiyan at namumula ang pisngi ko? “Atty. Salvatore?” Napatigil ako sa mga iniisip nang may marinig akong boses ng babae. Pareho kaming napatingin sa kanya at nakakita ako ng pamilyar na mukha. Maganda ang babae at sobrang sexy. Malusog ang kanyang dibdib at damn…that dump truck! Lalo siyang naging sexy sa suot niyang dress. Kung hindi ako nagkakamali, nakita ko siya sa firm. Hindi ko lang matandaan kung bisita ba siya nang makita ko o roon siya nagtatrabaho. Agad namang nasagot ang aking katanungan nang marinig ko ang pangalan niya. “Atty. Blaire Cuevas,” pagbati ni Atty. Hades sa babae. Bigla kong naalala kung sino ito. Isa sya sa mga abogado na mayroon ang law firm nina Atty. Hades. Iyon ang dahilan kung bakit nakita ko na siya! Nagtatrabaho nga siya firm. Kung hindi ako nagkakamali ay more on civil cases ang hinahawakan niya. “I thought you were busy. I was inviting you for dinner earlier and you told me you already have an appointment.” Dahan-dahan napunta sa akin ang atensyon ng babae. Ngumiti ako sa kanya pero hindi niya iyon sinuklian. “Who are you?” Nagulat ako nang bigla niyang itanong kung sino ako. “She’s Louise Magnaye. She’s working in the firm. IT department.” Tumaas ang isang kilay niya at kahit hindi ganoong kalakasan ang sinabi niya ay narinig ko pa rin. “I didn’t know your taste in women changed, Hades. What a disappointment.” Atty. Hades clicked his tongue. “Atty. Cuevas, I don’t want to hear any insults about the woman I am with now.” Nawala na ang poise ni Atty. Blaire dahil sa sinabi sa kanya ng abogado. “Hades, is she your girlfriend? Iyan ba ang dahilan why you stopped returning my calls? Kung bakit tumatanggi ka sa tuwing niyayaya kitang makipagkita sa akin? How dare you swap me with some nerdy girl! What a downgrade.” Napakuyom ako ng kamay sa ilalim ng lamesa. Patulera ako kapag iniinsulto ako. Hindi ako iyong tipo ng tao na hahayaang apakan ako ng iba. Pero alam ko sa sitwasyong ito, kailangan kong kumalma. “One more word, Atty. Blaire, I dare you.” Napatigil ang babae sa mga sinasabi niya. Tumingin siya kay Atty. Hades pero hindi na siya tinitingnan nito. “Hades…” Hindi ko na makayanan na makita pa ito at bago ko pa rin masuntok ang babae sa lahat ng insulting ibinato niya sa akin, aalis na ako. Tumayo ako at pilit na ngumiti kay Atty. Hades. Napatingin siya sa akin, bahagyang kumunot ang noo niya. “Thank you for the dinner, Atty. Salvatore. Thank you rin po sa pagtulong ninyo sa akin kanina. Mauuna na po ako.” Tumingin ako kay Atty. Blaire. “Mukhang nakakaabala ako sa inyong dalawa.” Bago ako umalis humarap muna ako kay Atty. Blaire. “Pasensya na po kung pakiramdam ninyo ay downgrade ang isang kagaya ko.” Pasalamat ka’t hindi kita tatalupan ng balat ngayon. Nanggigigil ako sa ‘yo! “Pero parang mas downgrade po ata iyong respetado kang tao pero ang hilig mong manghila ng ibang tao pababa. Good night, Atty. Cuevas.” Matapos iyon ay umalis na ako. Nang makalabas ako ng restaurant ay nanggigigil talaga ako. Downgrade raw ako kung ako ang girlfriend ngayon ni Atty. Hades. Ang yabang ng babaeng iyon, ah! “Louise!” Hinawakan niya ang braso ko. Napatigil ako sa paglalakad at humarap sa kanya. “I will drive you home.” Sinundan pala ako ni Atty. Salvatore, hindi ko man lang namalayan. “Nako, hindi na po, Attorney. Ayoko na pong makaabala sa inyo. Kaya ko na pong umuwing mag-isa—” Pinutol niya ang sasabihin ko. “No, I insist. I will just call the valet. Wait for me here.” Binitawan niya ako at umalis para kausapin ang valet. Ganoon man, hindi ko na siya hinintay pa. Umalis na ako roon at naglakad papauwi sa hotel. Maganda na rin na hindi niya ako maihatid, malalaman niya pang hindi ako roon nakatira sa apartment na ituturo ko. Nahiga ako sa kama at tinitigan ang kisame ng hotel. Who am I kidding? Alam ko na nag-a-assume ako dahil niyaya niya akong kumain sa labas ngayong gabi, pero ibang-iba ang mga babaeng gusto ni Atty. Hades. Of course, hindi kagaya ko. Kahit wala ang disguise ko, I am just a kid to him. Ilang taon ba ang agwat ng edad naming dalawa? I heard he’s around 29 years old—almost 11 years gap! Ang gusto niya sa babae ay iyong mature na at established na. Hindi kagaya ko na maaaring isip bata pa rin despite trying to be mature. Bumuntong-hininga ako at naalala kung paano pumorma si Atty. Blaire. Napabangon tuloy ako nang wala sa oras at pumasok sa loob ng banyo. Tinitigan ko ang sarili sa salamin. Hinawakan ko pa ang dibdib ko. Hindi naman iyon sobrang laki pero hindi rin naman maliit. Maliit ang waistline ko at kahit papaano ay mapuwet din ako. May ibubuga rin ako! Bumuntong-hininga ako. But that doesn’t change the fact that I am just 18 years old. Kapag nalaman ni Attorney ang totoong edad ko, it will be a turn off to someone like him. Bakit ko ba ikinukumpara ang sarili ko sa iba? Iniisip ko ba talaga na may magbubungang magandang relasyon sa pagitan namin ni Attorney? Minsan lang ako ma-attract sa lalaki. Boys my age don’t give me this kilig feelings. Naiinis pa ako minsan sa kayabangan nila. Mukhang tipo ko sa lalaki iyong mature, mas matanda sa akin, abogado, at oo na, si Atty. Hades na. Naupo ako sa isang silya at binuksan ang laptop ko. Pinigilan ko ang sarili—I swear, I tried! Pero hindi ito nagpapigil. I typed his name in the search engine and his dating history. Dahil kilalang abogado ay kahit pribadong tao si Atty. Hades, maraming nakakakuha ng scoop tungkol sa kanya. Ganyan naman sila, even to my brother and cousins. Kahit gaano sila kailap sa media, nakakakuha pa rin ng kwento ang mga ito sa kanila. “Atty. Hades Salvatore and the girls he dated the past years.” Tiningnan ko iyon. Ito ang mga babae na nakikitang kasama niya sa mga events, dinner, at iba’t iba pang okasyon. He frequently changed women. Sa tingin ko ay hindi siya seryoso sa mga nagiging karelasyon niya. Ngumuso ako. Iisa lang ang napansin ko. They all have that grown-up woman’s body: big boobs, tiny waist, perfect ass, and long legs. Lahat iyan, parang average ako. Alam ko naman na hindi pa fully developed ang katawan ko at sa tingin ko kapag narating ko na ang buong transformation ng katawan ko ay taken na rin si Atty. Hades. Sinabunutan ko ang sarili. Talaga bang iniisip ko na may future kaming dalawa? Aba, Sabina! Ipapaalala ko lang sa ‘yo na hindi iyan ang rason ng pagpunta mo ng Puerto Rivas. Focus! Kinabukasan, laking tuwa ko dahil Friday! Wala akong pasok bukas kaya excited akong makapagpahinga at gawin ang mga gusto kong gawin. Pagpasok ko sa loob ng opisina, malaki ang ngiti ko. Panay ang pagbati ko sa mga nakakasalubong ko. May ilan na ngumingiti sa akin at may ilan naman na akala mo ay iwas na iwas sa akin. Hindi ko na lamang iyon pinansin. “I know right!” Narinig ko ang matinis na boses na iyon. “Such a gold digger. Ayaw siyang samahan ni Atty. Hades but the woman kept pestering him last night! Nakikita niya ba ang sarili niya sa salamin? Goodness!” Natigilan ako at napatingin sa gawi nila. Nakita ko siya Atty. Blaire kasama ang isang malapit sa kanya at ang sekretarya niya. “Iyan ba iyong bago sa IT? Pati nga IT department ay ayaw sa kanya. Para kasing hindi naliligo!” Malakas na tumawa ang kaibigan ni Atty. Blaire. Hindi ko lang alam ang pangalan niya. “Ang baluga niyang tingnan. Hindi man lang mag-ayos.” Inamoy ko ang sarili. Mabango naman ako. Hindi ko man gamit ngayon ang mga mamahaling pabango ko ay mabango naman ako. Naliligo rin ako araw-araw. Anong pinagsasasabi ng mga ito?! “I know right! I’m sure, nagiging mabuti lang si Atty. Hades sa kanya dahil naaawa siya sa babaeng iyon. What’s her name again? Yeah, Louise!” Nang masigurado ko na ako nga ang pinag-uusapan nila, tinangka kong sumugod sa loob. Kagabi pa ako nagtitimpi kay Atty. Blaire, ah! Bahala na kung makasuhan ako. Babangasan ko talaga siya! Bago pa ako makapasok sa loob ng silid na kinaroroonan nila, may nauna na sa akin. Nanlaki ang aking mga mata nang makita ko si Atty. Hades. Natigilan ang tatlong babae sa pag-uusap at pagtawa nang makita nila si Atty. Hades. May kinuha si Attorney roon. Binati siya nina Atty. Blaire pero hindi agad ito nagsalita. Nang makuha ni Atty. Hades ang hinahanap ay lumapit siya kay Atty. Blaire. “Rather than talking and bad-mouthing other people, Attorney, why don’t you focus on your case? Your client called my office today dahil hindi mo raw binibigyan ng atensyon ang kaso niya.” Tiningnan ni Atty. Hades ang mga dokumento. “As per checking, malakas ang laban ninyo, but seems like gusto mong matalo ang kliyente mo. Why is that, Atty. Blaire?” Namutla si Atty. Blaire sa narinig niya. “Attorney, may mas malakas na claims ang kalaban. Isa pa, the defending party is a politician—” “I don’t need your excuses, Atty. Blaire. We accepted this case, and we need to win it. Hindi mo pwedeng sabihin sa akin na kilalang politician ang kalaban mo. Our client trusted us, no excuses. Give everything you have to win the case. Malakas ang laban ninyo, don’t fail us. You’re carrying our firm’s reputation.” Bago umalis si Atty. Hades, muli siyang nagsalita. “I warned you last night, this will be the last, Atty. Blaire. I don’t care if you’re an asset to this firm, but the next time you insult my employees, you will be reprimanded for your actions. You are an adult, Attorney. Stop acting like a teenage girl who bullies other people.” On his way out, tumigil siya sa gilid ko. Nagtaas ako ng tingin sa kanya. “Louise,” pagtawag niya sa pangalan ko. There’s softness in his voice even though the coldness is more prominent. “Can you come to my office later? We have something to talk about.” Napalagok ako sa narinig. Anong pag-uusapan namin? Ganoon man ay hindi ako makatanggi. Tumango ako kay Attorney at umalis siya. Paalis na rin sana ako sa lugar na iyon nang makita ko si Atty. Blaire na nakatingin sa akin. Masama ang titig niya at halatang galit na galit. Ang ginawa ko? Ngumiti ako sa kanya para lalo siyang magalit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD