Sabina MAGKATITIGAN kami ng pinsan ko. Base sa ekspresyon ng mukha niya, I’m dead. Si Nicholas ang pinakamapagbiro sa lahat ng pinsan ko. Easy-go-lucky, approachable, palatawa, at lahat ng maaari mong mahambing na katangian ng taong masayahin. Kaya alam mo, there’s no good news once he got serious. “Iniisip ko pa kanina kung namamalikmata lang ako, but I know when I saw you. Malakas agad ang pakiramdam ko na tama ang hinala ko.” Kumunot ang noo niya. “What are you doing here, Sabina? Weren’t you supposed to be abroad? Anong ginagawa mo rito sa Puerto Rivas, and in the Salvatore’s firm of all places.” Lumapit siya sa akin at tiningnan ang ayos ko. “And look at you!” “Don’t tell my parents or my brother, Nico.” Tumaas ang isang kilay niya. Alam ko na hindi niya magugustuhan kung anong